kinilatis ni Mars si Irene

January 31, 2009

“Mommy siya ni Liam, daddy” sabat ni Celine.

“Really baby? You say goodbye na to your playmate, it’s getting late already and we have to eat before going home para hindi na magluto si yaya..” suyo niya sa anak.

“Daddy, can Liam come too?”

“What? Baby, baka magalit ang daddy niya, I’m sure they have other plans..” natatawang sagot ni Mars sa anak.

“Wala po akong daddy” maikling sagot naman ni Liam na hindi na din nag-angat ng ulo mula sa ginagawang Lego.

“Liam! Ay sir wag na po, thanks Celine, pero pauwi na din kami ni Liam after this..” saway ni Irene sa anak na hindi magkaintindihan kung sino ang haharapin sa hiya nito sa nangyayari.

“Mars, mabuti pa nga kung isama na natin ang mag-ina sa dinner. Para pag-uwi nyo sa dorm nyo, tutulog na lang kyo. Okay ba Irene?” paanyaya ni Inay Miling.

“Sa akin, wala naman talagang problema, Irene?” nakatingin na ngayon si Mars kay Irene.

“Nakakahiya naman po sir” ramdam na ni Irene ang pag-init ng mukha nya dala ng hiya.
“Okay lang, sumama ka na, malungkot pag kami lang tatlo ang magdidinner.” Namulsa si Mars at ngumiti sa kausap. Mas maganda pala siya pag malapitan, parang anghel ang mukha. Tanda niya nung una niya itong makita sa coffee shop, medyo malayo siya noon at masungit pa ang babae. Nung sa office naman ni Vic, kulang na lang matakluban na ito ng papel sa dami ng ginagawa at nung dinala naman nito ang kape sa loob ng office ni Vic, dali-dali din itong lumabas kaya hindi na din niya ito namasdan. Kung magkakataon, ngayon pa lang niya ito makikilatis at gusto ni Mars ang kanyang nakikita.
“O-o sige po sir” kiming sagot ni Irene sa kanya na kay Inay Miling nakatingin.

Advertisements

bestfriend kuno

January 30, 2009

ilang beses na nga ba ako nagclaim ng bestfriend, only to realize na hindi pala ako ang bestfriend nla? nangyari na din yan na umamin ako na boyfriend ko itong isang hinudas na lalake tapos ideny ba naman ako, kala mo napakapogi nya e patpat naman.

anyway..

so yun nga, pagbukas ko kasi ng computer, may update sa blog ang “bestfriend” ko nun elementary, hindi naman sa bawal shang magblog

kaso..

kakagising ko lang kasi tapos I had a rough day yesterday. buti na lang maganda ang dream ko.

hehe.. 🙂

tapos ayun ang “bestfriend” ko raving about her bestfriend nung elementary, only its not me. the “real bestfriend” pala.

hay.. 😦

kung sabagay, we lost touch. understood ko naman un, ewan ko nga lang ba kung bakit may kurot pa din sa puso ko. naalala ko tuloy bigla yung mga iba ko pang “bestfriends” tas hindi pala ako ang bestfriends nila. kaya nga ba ayoko na ng bestfriends!

bwiset..

ano nga ba dapat ang bestfriend? pano mo nga ba malalaman na bestfriend mo ang isang tao at the same time, alam din nya na ikaw ang bestfriend nya?

malay ko, lagi nga kong sablay, diba? hay..

buti pa sila

buti pa sila

now she met Mars..

January 30, 2009

NAKAPAGLIBOT-LIBOT na si Mars sa Glorietta ay hindi pa din nagtetext si Inay Miling. Sa tantiya nya ay may isang oras na ang mga ito sa toy store kaya nagdecide na si Mars na puntahan na ang maglola. Malayo pa si Mars ay tanaw na niya si Inay Miling na hindi pa din natitinag sa pwesto nito nung iniwan niya at ngayon nga ay may kausap na ang matanda. Tawanan pa ang dalawa habang papalapit siya sa mga ito. “Papa!” bati ni Celine sa kanya nang makita si Mars ng anak. “Papa this is my playmate, Liam” pakilala ng anak sa kalaro nitong batang lalaki na nakaupo sa tabi ni Celine.
“Ay Mars, hindi pa umaayaw eh kaya hindi na rin muna kita tinawagan” paliwanag ni Inay Miling.
“Okay lang po, naiinip lang akong maglakad mag-isa kaya bumalik na din ako.” Ngayon lang natitigan ni Mars ang kanina pang kausap ng tiyahin. Pamilyar ang mukha nito, kung maalala lang niya kung saan..
“Irene po, sir, yung secretary ni Boss Vic” pakilala naman ni Irene na parang nabasa na ang isip ni Mars.
“Oh yeah, now I remember you, Hi..”

Irene meets Inay Miling

January 29, 2009

Maluha luha niyang sinabi sa anak ang nangyari at nangakong ibibili din niya ito ng Lego, balang araw.
“Okay lang po mama, Jollibee na lang tyo” nakangiting sagot ng anak sa kanya.
Sa murang isip nito, naiintindihan din naman siya ng anak. At simula nga ng madiscover ni Liam ang libreng laro ng Lego dito sa Toy kingdom, masaya na ito, makadaan lang sila at makahawak siya ng Lego. Pinagbibigyan na din naman ni Irene, Diyos ko, hindi ko na nga mabilhan ng Lego, pigilin ko pa e, wala namang bayad? Yon nga lang, talo-inip siya pag nagsimula na itong maglaro lalo na’t madaming kasabay na bata kaya naman bago pa sila manuod ng sine, bumili na si Irene ng pocketbook sa National bookstore at doon na niya ito uumpisahang basahin habang naghihintay kay Liam.
“Ma?..” waring nagpapaalam na si Liam.
“Okay..” sagot ni Irene. Yon lang at bumitaw na ito sa pagkakahawak sa kanya at tumakbo na papunta sa bilog na upuan. Madaming bata ngayon, siguradong matagal na hintayan ito. Naghanap na siya ng mauupuan niya.
“Neng, dito ka na” kaway sa kanya ng matandang babae.
“Ay thank you po” sabay upo niya sa tabi nito.
“Kapatid mo?” tanong ng matanda.
“Anak ko po”
“Ah, poging bata, ayun naman, apo ko” nguso ng ale sa batang babae na kausap na ni Liam ngayon.

The Lego Story

January 28, 2009

Alam din kasi nito na malamang magtagal sila ni Celine dito at isa pa, masakit na ang tuhod ng matanda kakalakad nila sa loob ng mall, pasalamat pa siya at makakapagpahinga siya.
“O sige ho, iwanan ko na kayo ng pera at baka kailanganin ninyo.” Dumukot si Mars sa wallet niya ng one thousand at inabot sa matanda. Pagkaabot ay naghanap na ang matanda ng mapupuwestuhan niya habang naghihintay.

PAGKATAPOS manuod ng sine, tulad ng pinangako niya kay Liam, nagyaya itong pumunta sa paboritong toy store. Pumupunta sila dito hindi para bumili ng laruan kundi para makalaro si Liam ng Lego ng libre. Gustong gusto ito ng anak nya ngunit sa mahal naman ng Lego, pa’no nya ito bibilhan? Nung 5th birthday nga ni Liam, naisipan niyang bilhan ito ng isang set, bago lang itong nakakahiligan ng bata at hindi pa siya aware kung magkano ang Lego. Naisip nya nun, hindi naman siguro mahal ang Lego kasi blocks blocks lang at educational pa. At isa pa, yung maliit na set lang naman ang bibilhin niya. Nako, halos himatayin siya ng makita niya ang presyo nito sa eskaparate. Mantakin mong, isang linggong ulam na nilang mag-ina ang katapat nito.

adik sa blog!

January 27, 2009

my kind of life =)

my kind of life =)

naku adik na ata ako..

lam nyo kasi, nung working girl pa ko, as in commuting to “the office”, ngarag every morning, chatting with “ofis meyts”, ayan, walang tym sa blog so yun una kong blog, napabayaan ko na. nakalimutan ko pa password, kmusta naman?..(sad..)

ang tagal naman tlga ng tinapay huuuh..

e di un nga, nung nagwork-at-home na ko, ksama na ung mga episodes ng tamad tmadan, mantakin mo, 2 pa ang namentyen ko na blog. kaloka!

tapos kung hindi naman every hour ako pabalik balik sa 2 blogs ko, ewan ko na kung anung definition pa ng blog adik!

hmm, siguro naman lilipas din to..

sige partners, trabaho muna ko, galit si bosing..

Yun nga ang kinakatakutan niya kanina, baka biglang hanapin nito si Elle at magtanong ang bata kung bakit hindi nila kasama ito pero mukhang wala naman kay Celine kung kasama si Elle o hindi, ang importante masaya ito ngayon. “Papa, let’s watch movies again next week ha.” Hirit pa ng anak. Kasalukuyan silang naglalakad papuntang Toy Kingdom sa SM Makati pagkatapos manuod ng sine. “Okay, next week anak, pag walang work si Daddy, okay?” pangako ni Mars.

“Daddy, can I play first?” tanong ni Celine pagkapasok pa lang nila sa toy store. Hindi pa man nakakasagot si Mars ay nahila na kagad nito si Inay Miling papunta sa bunton ng Lego at nagsimula nang maglaro kasama ang ilan pang mga bata. Kahit pa nga may sarili nang Lego playset ang bata sa bahay, gusto pa din nito ang pumupunta dito at makihalubilo sa ibang mga bata na naglalaro din. Marahil ay sabik sa kalaro, wala naman kasi itong nakakasamang ibang bata pag nasa bahay. Ang siste, pag umupo na ito dito, matagal na bago mo ito mapatayo. “Sige na Mars, mag-ikot ikot ka na muna, itetext na lang kita pagtapos na ang bata. Ako na lang ang magbabantay para hindi ka naman mainip.” Mungkahi ni Inay Miling.