intro ka na Irene..

January 11, 2009

CHAPTER ONE

Dali daling bumaba si Irene sa MRT, siksik tulak na ang ginawa nya. Paano ba naman kasi ay late na late na siya sa opisina. Siguradong masasabon na naman siya ng HR manager na si Mr. Salazar na wala na yatang ginagawa sa umaga kundi orasan ang kanyang pagpasok sa opisina. Kung bakit ba naman kasi kung kelang madami ang sumasakay, ganoon naman kadalang ang couch ng MRT na dumadaan. “Para na akong sumali sa Milo marathon nito!..” hingal na bulong ni Irene sa sarili ng biglang may marinig siyang “tok!” at mawala siyang bigla sa balanse. “Langyang buhay to, late na nga, naputol pa ang takong ng sapatos ko!”. Galit na hinubad ni Irene ang sapatos at tuluyan ng tinanggal ang takong pati na din ang sa kaparehas nito. Paano ba naman kasi luma na ang sapatos niyang yon kaya hindi nya din ito masisisi kung masira na ng tuluyan. “Pwede pa yan..” Kelangan nya kasi magtipid para kay Liam, ang nag-iisa niyang anak, na Grade 1 na sa pasukan. Si Liam na sa edad anim ay hinding hindi pa nasisilayan ang kayang ama. 18 years old lang si Irene nung mabuntis ito ng kanyang boyfriend at tinanggihang pakasalan. Nasa Baguio pa siya noon. Nung malaman ito ng kanyang papa ay labis ang naging galit nito at tuluyan na siyang pinalayas.

ok folks.. bukas na ulit..mwah mwah..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: