meeting Marian

January 12, 2009

Nung hapon ding iyon, sumakay siya sa bus, luhaan at walang dala miski ano kundi 500 hundred pesos sa bulsa, papuntang Maynila. Magulong magulo ang isip nya, wala naman siyang kakilala sa maynila. Bahala na, yon ang sabi nya sa sarili, pamilyar naman siya sa maynila dahil dalawang beses sa isang linggo ay lumuluwas sila ng kanyang mama para usisain ang tindahan nila ng bulaklak sa Sampaloc. Sa kakatulo ng walang katapusang luha niya siguro napukaw ang pansin ng katabi niyang babae. Kanina pa itong tingin ng tingin sa kanya ngunit waring hindi malaman kung paano siya kakausapin, hanggang sa hindi na ito nakatiis pa, “Miss, okay ka lang ba? Kanina ka pang iyak ng iyak, ano bang nangyari sa’yo?” Para bang nakahanap ng kakampi si Irene at sinabi nya ang nangyari sa kanya pati na din ang kinakaharap na problema. “Ah, ganon ba? Kung gusto mo, sumama ka na lang muna sa’kin, alam mo kasi, volunteer ako sa Little Angel’s Home, ampunan yon, pwede naman kitang ipakiusap don, habang hindi mo pa alam kung anong susunod na gagawin mo.” May pag-unawang sambit nito kay Irene. Wala ding choice si Irene, saan ba makakarating ang limangdaang piso nya? Mas mabuti na nga siguro na magtiwala na lang siya sa kausap. “Ako nga pala si Marian..” sabay tapik sa likod ni Irene. “I’m Irene..”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: