guys, meet Mars..

January 13, 2009

MADAMI pa naman akong pangarap sa buhay, isip isip ni Mars habang naghihintay sa mahabang traffic sa Edsa na mukhang walang balak umandar. Maaga siyang umalis sa bahay, hindi na nga siya nakapag-agahan. Paano naman kasi, bunganga na ng misis niya ang gumising sa kanya. Kagabi pa mainit ang ulo nito sa kanya, pagkadating galing sa college friends niya. Hindi niya alam kung san nagpupunta at kung ano ang ginagawa ng mga ito pag magkakasama, basta’t ang alam lang niya pag-uwi ito, pirming galit sa kanya. Kesyo si ganito, may ganyan, may ganito.. tapos biglang maghahanap sa kanya, bakit tayo, walang ganito, ganyan. Nung huli lang, ang hinahanap sa kanya, Fortunner, kesyo bago daw ang sasakyan ni Frieda, ang bestfriend niya. Aba! Saan naman siya kukuha ng pambayad sa gano’n kamahal na sasakyan? “At ano bang masama sa sasakyan natin? Bago pa din naman yan ah?” “Anong bago? Apat na taon na sa’tin ang Vios na’yan, bulok na! Dapat kada dalawang taon, nagpapalit tayo, yung brandnew para walang sira at mabango ang interiors.” Paasik na sagot nito na para bang tama ang lahat ng punto niya. Once a week kung mag-“get together” ang barkada nila, kaya once a week din, iba iba ang hinihingi nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: