Mr. Stalker

January 17, 2009

Pero teka, galit siya dapat, nagmamadali din naman siya at hindi lang ang mamang ito ang may karapatang magmadali!

“Sige okay lang, bilisan mo na lang at nagmamadali din ako, manong” sa loob-loob ni Irene natawa siya sa reaksyon ng lalaki nung tawagin niyang manong, pano, hindi naman gano’n katandaan ang itsura nito, siguro matanda lang ito ng ilang taon sa kanya.

“Okay, I’m sorry again.” Nagbayad na ito at umupo sa hindi kalayuan sa counter. Alam ni Irene na nakatingin pa din ang lalaki sa kanya, tindigan kasi ang balahibo niya sa batok. Bakit ba naman kasi nacoconscious siya sa tingin ng mamang ito. Nakadama si Irene ng konting takot, pa’no kung stalker pala ang lalaki at may balak sa kanyang masama? Hindi naman siguro siya balak reypin nito, aba, napaaga pa ano? Naku naman, ngayon pa siya naiihi, pa’no ba ito? Sa opisina na lang siya magsiCR, baka pag dito pa sa coffee shop macorner siya ni Mr. Stalker.

Umupo siya sa mas malayo sa counter at kumuha ng magazine, kunwari’y nagbabasa habang hinihintay ang kangyang order. Sinilip niya ng mama habang nakatakip ang magazine sa kanyang mukha para hindi siya masyado halata. Hm, may taste din naman pala si Mr. Stalker, maayos ang porma nito sa slacks, pink polo at black, leather shoes.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: