coffee shop incident

January 18, 2009

Mukhang mayaman pa, malaki at kumikintab ang silver na relo. Sino ba ang kamukha nito? Malapit lapit kay Dingdong Dantes ang kumag na ito. Nag-iisip pa ng ibang artista si Irene ng bigla itong lumingon at nagsalubong ang kanilang tingin. Ay, muret, nahuli pa ko! Tarantang usal ni Irene sa sarili, sabay tago ulit niya sa magazine na hawak.Hindi din nakatiis si Irene at sinilip niya ulit ang lalaki, pangiti ngiti na ito na para bang pusa na nakahuli ng daga. Ramdam ni Irene na nag-iinit ang kanyang mga pisngi at unti-unti ay umaakyat ang hiya sa buong katawan niya hanggang hindi na siya makahinga. Tumayo siya at akmang lalabas na ng bigla siyang tinawag ng lalaki “Miss…!” Natigilan siya, tutop ang dibdib, ano ang gusto ni Mr. Stalker? Ipapahiya ba siya nito sa harap ng mangilan ngilang costumer?

“Order n’yo po..” inabot sa kanya ng service crew ang order nya. Ang service crew pala ang tumawag sa kanya, hindi si Mr. Stalker.

“A, o-onga pla, s-sige thank you ha” kinuha na nya kagad ang order at dali daling umalis, hiyang hiya sa sarili.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: