2 pages worth, chapter 2 na bukas!

January 20, 2009

Malaki din ang dapat niyang ipasalamat sa kaibigan na si Marian dahil ito ang umalalay sa kanilang mag-ina sa mga panahon na wala pang direksyon ang buhay niya. Kaya nga siguro hindi na din umalis si Irene sa pakpak ni Boss Vic dahil masaya na din siya dito. “Marcelo!” Sa gulat ni Irene ng tawagin ni Boss Vic ang last name niya, nanglaglag ang mga dalang papel na dapat sana’y ilalagay niya sa table ni Nilda. “Ay, sorry, Sir?..”

“Hi, pare, kamusta na? Long time, no see ah?” naghigh-five pa ang dalawa nung makalapit ang binati ni Boss Vic.

“Looking good pare, you still go to that gym?” bati naman ng lalaki.

“Sabi ko naman syo, lumipat ka na din sa gym ko, don kasi sa gym mo, gagawin kayong katawang babae!” hagalpak na tawa ni Boss.

“Alam mo naman pare si Elle, kelangan kung nasan sya, dun din ako, kung hindi para ka ng nagdeclare ng World war!” Pailing iling na sagot ni Mars, “This is good, pare..” dugtong pa nito at inikot ng tingin ang buong opisina hanggang sa makakita siya ng pamilyar na mukha, kay Irene. “oh..” na lang ang nasabi ni Mars sa laglag ang panga sa pagtingin sa kanya na si Irene. Mantakin mo, dito pa sa opisina ko ulit makikita si Mr. Stalker!

“O, tara, come in pare, dito tayo sa office ko. Irene, ikuha mo muna kami ng refreshments, ano ba pare ang gusto mo? Juice, coffee..?”

“Coffee na lang, Irene..” Buong titig na sinabi ni Mars kay Irene na para bang may underline at highlights pa ang pangalan niya nung sinambit iyon. Malalaglag na ata ang panty niya sa kilig.

“Irene, coffee, make it two, O, pare, kelan ka ba papayagan ni Elle lumabas at makagimik naman tayo..” sabay kabig nito okay Mars papasok ng private office nito na parang hindi gasino’ng napansin ang nangyaring titigan sa pagitan ng kabarkada at ng sekretarya niya.

“Pogi ha, papa material.. Ambango pa, amoy mayaman..” nilanghap pa ni Nilda ang naiwang amoy ni Mr. Stalker. Hindi na namalayan ni Irene na katabi na pala niya si Nilda at nakikiusyoso na din sa bisitang dumating.

“H-ha? T-teka lang kukuha muna ako ng kape.” Tumalikod na kagad si Irene para hindi na makita ni Nilda ang pamumula ng kanyang mukha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: