ang boss ni Irene

January 20, 2009

IN FAIRNESS, mabait naman talaga ang boss ni Irene na si Mr. Delgado. Boss Vic ang tawag nila dito pag walang ibang tao. Pero siyempre pag may mga “international” o kahit ang mga pang-“coffee maker”, kelangan bigatin ang dating ng boss nila. Bata pa si Boss Vic, nasa late thirties lang. Maganda at mabait din ang asawa nito na si Ma’m Kate. Bihira lang nila ito makita kasi may sarili itong boutique sa isang sikat na mall sa Makati. Yon lang naman talagang HR manager nila ang laging nagpapahirap ng buhay nila, palibhasa’y matandang binata. Ang bali-balita pa nga dito sa office, dito na daw natutulog yon, mahuli lang ang mga late na dumating. Nung isang araw lang, natanggal ang messenger nila kasi matagal daw ito sa labas, mukhang nagpapatama pa sa labas at ginagamit pa ang motor ng kumpanya para ipanghatid ng chicks nya. Ayon, sisante ang pobreng mama. Ngayong araw, tambak ang trabaho nila, naclose kasi ni Boss Vic ang deal sa mga ‘kano kahapon. Andaming papel na dapat ihanda. Hindi na magkandaugaga si Irene sa computer at printer sa table niya. Dahil na din siguro sa nakaabot naman siya ng second year college sa Baguio, nakapagtapos siya ng college sa IT school dito sa Maynila, nakuha niya ito ng isang taon sa tulong ni Boss Vic na pumayag na pagsabayin niya ang pag-aaral at trabaho.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: