CHAPTER II

January 22, 2009

CHAPTER TWO

Dati rati’y paglapat pa lang ng likod niya sa kama, tulog na siya. Hindi niya maintindihan kung bakit ngayon, ayaw siyang dalawin ng antok, samantalang maaga pa naman dapat siya bukas kundi patay na naman ang beauty niya kay Mr. Salazar. Tumayo siya sa higaan at nagpasyang magshower para mapalis ang alinsangan sa katawan. Bahagyang umingit si Liam sa pagkakatayo niya. “Magshower lang ako anak..” bulong niya sa tulog na bata. Maliit lang ang inuupahan nilang mag-ina na kwarto, medyo mataas nga ang renta nila keysa sa mga kwarto sa ibaba ng building na ang karamihan ay okupado ng mga estudyante na nag-aaral sa kalapit na university. Ang kagandahan lang ng kwarto nila ni Liam, may sarili itong CR. Hindi na niya kelangan makipila sa umaga para maligo.

“bakit ba kasi kelangan niyo pang mag-rent mag-ina, welcome naman kayo don sa center. Wala pang bayad!” tanong ni Marian nung araw na maglipat sila four years ago.

“Alam mo naman di ba? May nakakita na sa aming mag-ina don na taga-Baguio, caretaker pa yon nung resthouse sa tabi ng bahay ni papa. Alam mo naman hangga’t maaari, ayoko na, na may makaalam pa sa kung anong nangyari sa’kin, sabihin naman ng papa, ipinapahiya ko na naman siya” sagot ni Irene.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: