the trouble with Elle

January 24, 2009

Tinapos na niya ang paliligo at bumalik na sa kama, ngunit kahit nakahiga, nakapagshower na at hindi na nga siya halos gumagalaw, hinintay pa din niya ng matagal ang antok, bago ito dumating.

“ELLE, may lakad ka ba ngayon? Gusto ko sana ilabas si Celine after magsimba.” Tanong ni Mars sa asawa. Sunday morning yon, kakagaling lang ni Mars sa pag-jojogging at nadatnan na niya ng asawa sa banyo, naliligo. Bahagya siyang nagtaka dahil kalimitan, tulog pa ito pag dumadating siya.

“Nako Mars, I forgot to tell you, may lakad ako ngayon eh, isasama ako ng papa sa jewellery exhibit sa Makati. Baka nga gabi na’ko makauwi. Pero okay lang kung gusto mo lumabas, go on without me. Isama mo na lang si Inay Miling mo, tutal mas gusto naman ni Celine kasama ang matandang yon kesa sa akin” litanya ng asawa habang tinutuyo ang buhok ng towel. “If only you will spend time with her. Ang problema kasi si Inay Miling lang ang laging kasama ng bata, siyempre sa kanya sanay si Celine.” Pagtatanggol ni Mars sa tiyahin.

“Of course it is my fault, lagi naman eh, kelan na ba ako tumama sa’yo? Ano ba ang magagawa ko kung talagang hindi ko makasundo yang anak mo?”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: