Malling with Inay Miling

January 26, 2009

“Is Inay Miling coming with us to the movies, papa? Please, let her come with us? She lets me sit in her lap kasi inside the movie house para kitang kita ko yung movie..”

“Hindi na ineng, madami akong gagawin dito sa bahay..” pagdadahilan ni Inay Miling kay Celine. Ang alam kasi nito ay sasama si Elle, at pagkasama ang asawa, automatic hindi na kasama ang tiyahin dahil ayaw ni Elle.

“Inay, magbihis na din kayo, sumama na kayo. Lalabas na tayo ng maaga.” Utos ni Mars.

“H-ha, pero?” naguluhan si Inay Miling.

“Walang kasama si Celine..” malungkot na tugon ni Mars sa tiyahin, sabay talikod ni Mars upang hindi na makita ng tiyahin ang dismaya sa mukha niya. Naintindihan naman kagad ito ng matanda at sinalikop na kagad ang alaga para maligo na.

“YOU know papa, I’m so happy today. Kasama pa natin si Inay Miling. Ay, di ba promise mo bibili mo ko ng toys? I’m so, so happy talaga. Thank you po” may libre pang halik sa pisngi si Mars. Sa tuwa ng bata, hindi na yata nito naalala na hindi kasama ang inang si Elle.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: