IRENE: First kiss

February 28, 2009

Matagal din sila sa ganong position, not talking, just holding hands na para bang nagkakaintindihan na sila, ang feelings nila, ang fears nila, they feel one and connected. They could stay forever this way kaso biglang bumagsak ang malakas na ulan, big, fat drops. Sigawan ang mga teenagers na kanina lang ay busy sa pagpapalitan magpipicture. Clutching her hand tightly, hinila si Irene ni Mars sa may café, covered kasi yung part na yon. They were both laughing hard when they reached the café. Kasama nila sumilong ang iba pang mga inabot din ng ulan sa labas kaya siksikan sila sa maliit na space ng café. Humawak si Mars sa baywang ni Irene at kinabig nya ito papalapit sa kanya. Irene was still laughing when her lips met Mars’ lips. She thought she saw fireworks flew up in the sky only to realize her eyes were closed. The kiss lingered. It consumed both their hearts and soul. Sa gitna ng mga taong ngsisiksikan, sa gitna ng malakas na ulan, they kissed. They don’t care anymore, ang importante lang ay silang dalawa, right here, right now.

hay salamat, eym bak!

February 28, 2009

ampucha. natatandaan nyo ba, last wednesday nung nagsystem crash ang computer ko gawa ng adware/trojan/whatever? hayan, ngayon lang naayos ng truthfully.

kumbaga sa HIV, full blown AIDS virus na ang sakit ng malanding CPU na yan kaya hindi na kinaya ng antibiotic lang. hayun.. nareformat na ang bruha at sana naman magbehave na sha this time.

next ko naman pproblemahin ang laptop ko na tinangka kung gamitin kahapon maghapon habang nasa emergency room ang CPU ko..

yep. akala ko lalaki ang laptop ko at hindi malandi, e di anu pa nga ba, bading pala. wala pang 4 hours na nakaexperience ng internet, ayun na adware na din. hay pota.

so pagkatapos ng lahat lahat, napaiyak talaga ko sa sobrang frustration. alam mu yun parang pinagkaisahan ka na ng langit.. sabi ko na lang kay lord..

anu ba kasi ang gusto mo? please sabihin mo na lang, wala ako sa mood magbasa ng signs ngayon? please?! talk to me!!!!!

hindi naman sha sumagot kahit pa masakit na ang tuhod ko sa pagluhod at may hawig na kay bart simpson ang mata ko. bandang 11:30pm, abay umaayaw na ko, OA na. itinulog ko na lang ang lahat.

ngayon, umuwi ang CPU, fresh na fresh parang baby, mga 3 hours na ko nagddownload ng mga natanggal na applications at kung anik anik pa. at naglagay na din ako ng kung anu anung plugins galing sa firefox, katulad nyang WOT na parang isang malaking singsing sa ibabaw ng screen ko, color coded at sasabihin nya syo kung delikado o hindi, kung ganu sha kaeffective, ewan ko lang basta ang alam ko, bastat hindi green ang kulay nyan, hindi ko na pupuntahan. meron pang isa na parang ghost ni pacman jan sa baba, sasabihin nya naman syo kung sino ang nagbabasa ng page na yan. tulad nitong page na to, one bug–wordpress stats.

hay nakakawindang na talaga. kung hindi nga lang naghahabol pa ko ng 4 hours na trabaho, itutulog ko na itong masakit na ulo ko.. hay..

IRENE: Hold my hand

February 27, 2009

“Ako, pa’no ko sasabihin kay Celine ang nangyari sa amin ng mama nya? She’s too young to understand these kind of things” Ramdam ni Irene ang bigat na dinadala ni Mars. If she could only take away these unseen pains.
“I really don’t know Mars. Ano bang balak mo?”
“Saan?”
“Sa inyo ng wife mo.”
“Ewan ko. I have no idea where to start. I want to stay this way forever, walang iniisip, letting my guard down. I’m tired of thinking. I’m just so tired.” Ngayon lang nagkalakas ng loob si Irene tumingin kay Mars. Ang mukha ni Mars, kanina lang ay masaya na parang walang problema ang mundo, ngayon ay parang inako na nito ang lahat lahat ng meron. She is dying to hold that face, feel its contours in her palm and never let go. Pero imposible at alam nya yun. Parang mamahaling damit sa istante, you can look but you can never touch.
“I know how you feel, ako ayoko din naman lumaki si Liam na walang daddy, I tried to find him a suitable father but I could never find my perfect partner.” Marahang hinawakan ni Mars ang kamay ni Irene. Sinasabi ng utak nya to pull out her hand, but her heart says the opposite. It feels right, Mars holding her hand like that, so her hand stayed there kahit pa magwala ang utak nya at umuwi na ito ng Manila mag-isa, she doesn’t care anymore.

hindi ko ba naman alam kung bakit parang nangkakaway ng virus ang cpu ko, lahat na lang ata gustong iexperience. malanding cpu! hay..

ganun nman talaga, wala kang magagawa kung ang binigay sayo ng diyos, haliparot..

every month na lang may bago sha. kahit na nga yung pinakamatinding anti-virus, firewall, safesafe something, chuvanes, walang nagawa. kagabi, ayun, natuluyan na ang mlanding cpu, natrojan. ang trojan at eset nagkarambola, patay si trojan.

ok fine, patay na si trojan..

kaso, the sneaky fox adware, habang nagrrambol ang dalawa, ayun, ginagago ang settings ng computer ko at inuto magpalit ng time and date settings.

bagong date: december 31, 2069!

mantakin mu un? baka skeleton na ko nun sa puntod ko, naknamtimawa naman talaga. ang matindi nito, pag ganyan kalayo ang settings mo, expired ang certificate mo, wla ka ng access sa internet. ym, mail, pati yun time log ko sa company, tsugi.

..ang ending sapilitang bakasyon!

panu ispend ang sapilitang bakasyon: shempre, pagkatapos ko makabawi sa matinding shock, call a friend.
AKO: bru!! ang computer ko, anu na? anu gagawin ko?! huwwwwwaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!
FRIEND: you dala to me, now or never. if you gusto, tom can do. don’t cry na, i will solb problems. agree?
AKO: *hikbi* agree. now na. will punta to your hawshold.
shempre dali dali akong nagbihis at awa ng diyos, hindi ko naman nakalimutang magkilay. mga 8pm eto. at naglakbay ng mga 30 minutes pa.

kasi sa tuktok ako ng bundok nakatira, sha sa paanan. medyo malayo..

nakarating din naman ako at ayun, ang cpu ko, nakaconfine na, kasalukuyang inooperahan. sabi naman ni doc bru, successful naman daw, nasa recovery room na at sana’y walang maging komplikasyon, pde ko na daw ilabas ng hospital mamayang gabi. ako, eto tiis tiis muna sa makitid na tipahan ng laptop na nagffeeling unano na ko at nagkakanduduling sa screen. hindi na din muna ako magttrabaho kasi naman ang lahat lahat ng files ko ay andun at katangengotan ko, hindi ako nagback up. magrereview na lang muna ko para sa finals. yan, ganyan ispend and sapilitang bakasyon. hehe.. 😉

at sa mga walang magawa sa mundo at pradyek pradyekan ang paggawa ng virus, wag lang kayong pahuli ng buhay sakin at makikita nyo ang meaning ng pradyek! pramis!

magtago ka na now na!

magtago ka na now na!

tumingin na lang si Irene sa labas. Mahamog na and it looks like titigil na din ang ulan. She reminded herself to call Marian para kamustahin si Liam.
“You wanna go out? Tara, experience!” parang batang hinagip ni Mars ang braso ni Irene at hinila palabas. Mas maganda pala dito than looking through the glass wall. Pwede mong amuyin ang hangin, ramdam mo ang lamig, kinig mo ang mga crickets, singing their songs softly so that it is only your ears hearing them, kita mo ang mga maliliit na ilaw sa malayo like stars, na bumaba especially for you. Iba dito, you have no choice but to fall inlove and for a moment there, she caught herself falling inlove with the man beside her.
“Irene?..” bulong ni Mars.
“Hmm?..” sagot ni Irene, not even daring herself to look his way.
“I have a question to ask, pa’no mo sinabi kay Liam ang tungkol sa daddy nya?”
“Sinabi ko lang yung totoo. Kilala ko naman si Liam, he can handle those kind of things. And halos lumaki na yon sa center, kaya alam nya na possible yung nangyari saming mag-ina. yung iba nga dun, wala pareho ang magulang.”

crazy life!

February 25, 2009

nahirapan akong magtitle netong isang to. hindi ko maintindihan kung moving out o happy week kaya crazy life na lang.

katulad ngayon nagcandy pa ko ng kopiko e meron pa nga pala akong liquid kape sa harapan ko. hay memory gap.

isa-isahin natin ang mga pangyayari sa buhay ko.

moving out: yep. we are indeed moving out. kung san hindi ko pa alam. ang narerealize ko lang, habang busy ako pagttype dito sa computer, nawawala na isa isa ang mga gamit namin. katulad na lang nung isang araw,
AKO: papi, nakita mo ba yung book ko na kulay blue, parang ganito ang itsura pero kulay blue ang cover (referring to my MT manual)
PAPI: hindi, malay ko kung nasan.
AKO: hindi kaya napasama sa mga box na napunta sa Bulacan?
PAPI: hindi ko alam, tingnan ko bukas.
well, nakita ko naman yung book, sa likod lang pala ng monitor netong computer. 😛

nung isang araw pa,
AKO: robi, nakita mo ba kung nasan yung gameboy? baka nasama na yun sa orocan mo, yung nadala sa bulacan.
ROBI: ewan ko mami, tingnan ko na lang.
nakauwi na ang gameboy, nasa bulacan nga.

eto ngayon lang,
AKO: pucha sakit na ng likod ko, makahiga nga muna. ay putangna, nasan na ang kama?!!

so, oo nga, moving out na siguro kami..

happy week: kung natatandaan nyo, 2 weeks na kong emote. ang magandang balita ko, hay salamat, madaming blessings ngayon, tapos na siguro ang kasumpa sumpang weeks na yan. Nung monday, after ko magresign sa sumpungin kong boss (read: not good enough), naghiwalay naman kami ng maayos at nagpadala pa sha ng “token of appreciation”. hindi naman malaki kaya wala ng hihingi na balato ok?

kahapon naman, sa sobrang sindak ko, binigyan ako ng salary increase nung pinakamamahal kong boss, si boss Janice. hindi din malaki kaya, again, wag na munang bumalato. kaya yes, mukang maganda naman ang week ko. pde ko ng sabihin na I’m back on track.:D

kaso mo lang, medyo mandadaya muna ko sa postings ko, yung iba dyan, iniskedyul ko na lang muna, kasi mukang magiging busy ako ngayon, finals week na sa MT class, tas naglilipat pa, tas baka wala pang internet kung san man dako ako maparoroon. hay.. nakakahapo naman.

babush na muna, masakit na talaga ang likod ko, sa sofa na lang muna ko hihiga..

tangna wag kang hihingi!

tangna wag kang hihingi!

IRENE: Is this goodbye?

February 25, 2009

She noticed Mars’ clothes, hindi na ito galing sa closet ni Boss Vic. Maybe nagpadala na din ito ng mga sariling damit kasabay ng kotse nya. Earlier that day, pinauwi na ni Mars si Mang Rick, sya na daw ang maghahatid kay Irene. Sumunod din naman kagad ang matanda matapos itong tanguan ni Irene, like silently asking her kung iiwan ba sya nito o hindi. So she assumed na uuwi na din si Mars sa Manila and this is his farewell, token of appreciation for her. She felt happy and sad at the same time. Happy, dahil he took time to take her out, meaning na-appreciate din pala nya ang efforts ko and sad, dahil this means goodbye for the both of us.
“Uuwi na din ba kayo sa Manila sir?” maingat na tanong ni Irene kay Mars. Tumingin si Mars kay Irene, seryoso nitong sinabi sa kanya,
“wag na sir, naman Irene, ang tagal kong nakakulong sa bahay ni Vic at ikaw lang nakikita ko sa loob ng ilang linggo, sir pa din ang tawag mo sa’kin? Let’s be less formal, shall we?” Tango na lang ang nasagot ni Irene kay Mars, mas madali sana kung hindi sya matunaw tunaw sa tingin ng lalaki sa kanya. Ang masama pa, hindi niya matanggal ang mga mata niya sa titig nito. Para bang nahypnotize na sya, she can’t take her eyes off him. Naputol lang ang malagkit na titigan nila ng dumating ang bill nila na binayadan ni Mars.