CHAPTER III

February 1, 2009

CHAPTER THREE

Pagkatapos kumain ng dinner sa Chicken Bacolod ay hinatid na din sila nina Mars sa bahay. On the way na din naman daw at isa pa ay gabi na din. Napasarap kasi ang kwentuhan nila at totoo naman na, nag-enjoy si Irene. Kita din niya ang tuwa kay Liam na siguro kahit pa’no ay naghahanap din ng konting normalcy sa buhay nilang mag-ina kahit ito ay make believe lang. Kahit naman siya, gusto din niyang bigyan ng buong pamilya si Liam, ngunit pa’no nya ipapakilala sa tunay na ama ang bata e, nung huling ipinagtanong tanong niya ito sa mga kakilala nila sa Baguio through internet, ang balita ay ipinadala ito ng magulang sa America. Ang hindi alam ni Irene ay kung dahil ba sa nalaman ng mga ito ang pagkakabuntis sa kanya o, sadya lang umalis na ito. May konting kurot sa puso siyang naramdaman, hindi man lang siya hinanap nito bago umalis, talagang walang pakelam ang hayop! Kung ang aasahan naman ay ang lovelife niya, mauuna pa yata si Liam magkapamilya bago siya makahanap ng tamang lalaki para sa kanya. Napaso na ata ang puso niya, gustuhin man niyang umibig muli, parang hindi na kayang ibigay ng puso niya, in fact, ang tingin nya sa mga lalaki, manloloko, hindi pwede pagkatiwalaan, kaya nga naguguluhan si Irene dahil hindi ganon ang pakiramdam niya kay Sir Mars. Ramdam niya, iba si Mars. Sayang nga lang, may asawa na ang lalaki, si Elle. Kaya malamang bokya na naman sya. Kelan kaya dadating si Mr. Right sa buhay nya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: