nagtampo si bestfriend

February 2, 2009

“ANO BA ang itsura ng Mars na yan at kahapon pa ako contact ng contact jan sa cellphone mo e, hindi kita mahagilap?” tanong ni Marian ng ihatid nya si Liam kinabukasan sa Little Angel’s Home.

“Okay. Kaso may asawa na.” Kumiss si Liam at tumakbo na ito papasok sa study room kung saan ay nagsisimula ng mag-aral ang mga bata doon.

“Ano, sumama ka sa may asawa?!” hindi makapaniwalang tanong ng bestfriend.

“Friend nga siya nung boss ko. Inabutan kami don sa Toy Kingdom, kalaro ni Liam yung anak nya, e nagyaya kumain, alangan naman tumanggi pa ko. Grasya din yon.” Katwiran ni Irene. Partly-true naman ang sinabi nya kay Marian, alangan naman aminin nya dito na gusto nya makasama si Mars kahit saglit lang, ano ba yon, e baka nga hindi na nya ito makita ulit sa buong buhay niya.

“Bakit, grasya din naman kaya ko kayo pinapupunta sa bahay a? Nagluto nga ako ng pasta para kay Liam.” May himig tampo ang kaibigan. Alam kasi nito na sa buong month, minsan lang siya magkaron ng free time para magrelax. Minsan pa, sumasideline sya na promo girl sa mga department store kapag Sunday kaya bihira talaga sya makalabas. Bago ang insidente kahapon, bago sila umuwi, dumadaan muna sila kay Marian para magdinner, e, kaso nga napasama na silang mag-ina kay Mars kaya hindi na sila nakadaan sa kaibigan.

“Sorry na nga, ya mo babalutin ko na lang yung sa’kin at sa office ko na lang kakainin.” Alam din nya na dala ni Marian ang mga pagkain ngayong umaga sa center. Kilala na nya ang kaibigan, ugali na nito ang ipagbalot sya ng pagkain pag lumalabis ang luto nito.

“Hinintay kyo nyan kahapon.” Singit ni Ruel, ang boyfriend ni Marian. Three years na sina Marian at Ruel, pero matagal na silang magkasama sa center at matagal din itong nanligaw sa bestfriend niya bago ito sinagot. Buena familia ang boyfriend ni Marian pero mas pinili nitong maglagi sa center. Nagtayo na lang ito ng sariling computer shop sa tabi ng center tutal computer science ang natapos nito at meron din itong mga iba pang hawak na negosyo na dinadalaw dalaw na lang nya kaya financially stable ang binata. Ang maganda pa, kalimitan ang kinukuha nitong mga tauhan ay ang mga mismong naliligaw sa center at nangangailangan ng trabaho. Madami na ngang natulungan si Ruel na mga taga-center, at nakaalis na dito dahil sa kanya. Hindi din naman sila nakakalimot, sa Little Angel’s Home kasi ang mga iniiwan at napupulot nilang mga bata, hindi lahat napipili ng mga couples na gustong mag-ampon kaya’t lumalaki na lang sila sa center. May isa silang case na sa center na nagbinata at sa tulong ni Ruel ay nakapunta sa Singapore bilang computer technician, ngayon ay hindi ito nakakalimot magbigay monthly bilang donor sa center at itinuturing na sila bilang kanyang pamilya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: