the alone spot

February 7, 2009

Bumagtas sya papuntang Roxas Boulevard. Ito ang paborito niyang “alone spot” kahit pa nga madaming tao sa paligid. Ironic kung iisipin, sa gitna ng iba’t ibang mukha ng tao, don pa siya nakakaramdam ng pag-iisa. Dito lang sya nakakapag-isip ng mabuti, ke malungkot sya, ke masaya siya. Basta may calming effect sa kanya ng lugar na ito. Humanap siya ng magandang parking at bumaba. Kelangan balikan nya ang mga nangyari para maisip niya ang susunod na hakbang na dapat niyang gawin. May naiwan kasi siyang mga papel na kailangan niyang dalhin sa Pampanga to present to their business partners kaya umuwi siya ng bahay para kunin ito. Nagmamadali pa nga sya dahil late na siya sa appointment nya. Tinatawagan naman niya si Elle para ipakisuyo na lang sana ang mga papel na dalhin nito sa may gate ng subdivision para hindi na sya papasok sa loob kaso hindi ito sumasagot ng cellphone. Malapit na si Mars sa bahay ng matanawan nito ang nakaparadang Fortunner sa harap nila. Sa pag-aakala niya na si Frieda ang bisita, hindi na sya kumatok at ginamit na lang niya ng sariling susi sa gate.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: