Ayaw ni Elle ng gulo

February 9, 2009

“Sabihin mo kay Frieda, nice shorts ha. Kelan pa sya nagsuot ng ganito?” pinaltok nya ng boxers sa namutlang si Elle.
“M-mars, ayoko ng gulo please?” hinarang ni Elle ang katawan niya sa bathroom door.
“Ayaw mo ng gulo pero dito mo pa dinala ang gagong yan? Palabasin mo yan, kundi babarilin ko yang pintong yan!” nagwawala na si Mars. Kinuha nya ng baril sa drawer at itinutok sa asawa.
“Labas, gago ka, lumabas ka dyan!” sigaw ni Mars sa hindi pa nakikitang kalaban.
“Please, Mars, It’s my fault, please?” pakiusap ni Elle.
“Daddy?” Pareho silang nagulat ng magsalita si Celine at tumakbo pa ito para yumakap sa ama. Pati si Inay Miling ay nasa pinto tutop ang dibdib.
“Damn you Elle, wag ka ng magpapakita sakin. Pagbalik ko, wala ka na dito. I want you out of my house.” Ibinaba nya ang baril at kinarga ang anak papuntang sasakyan, kasunod naman nya si Inay Miling. Sa kotse naman nagpaliwanag ang matanda sa kanya. Madalas daw lumalabas si Elle at tatawag daw ito para sabihin na lumabas na muna sila ni Inay Miling at Celine ng bahay. Nang itanong ni Inay Miling kung bakit ay nagalit daw ito at nagbanta pa na sisiraan kay Mars para mapalayas ang matanda sa bahay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: