walangmalay si Mars

February 12, 2009

GABI na ng dumating sila ni Mang Rick sa resthouse ni Boss Vic, nakapark ang kotse ng amo sa driveway. Bumaba na siya sa tapat ng bahay habang ipinark naman ng driver ang dala nilang sasakyan. Lumapit si Irene sa pinto at kumatok.
“Boss Vic?..” hindi naman nagtagal ay bumukas din ang pinto, si Boss Vic.
“Irene, thank you dear, pasensya ka na at nakapag-overtime ka pa ng hindi oras. Come in at pipirmahan ko na din ang mga ito so that, ikaw na din ang magdala sa office tomorrow morning. I’m not so sure what time I’ll be checking in bukas.” Tuloy-tuloy na paliwanag ng boss nya habang papasok sa loob ng bahay. On her way in, nakita nya si Mars sa den, nakahandusay sa sofa at walang malay, magulong magulo ang itsura. Nagkalat ang beer bottles at balat ng chips sa center table. Natigilan si Irene sa harap ng pinto ng den. Hindi nya maintindihan kung papasok sya at pupulsuhan ang lalaki kung buhay pa ba ito o kung humihinga pa ito.
“Irene?..” nagulat si Irene nasa harap na nya si Boss Vic, may hawak na ballpen.
“s-sir, okay lang ba sya?” tanong ni Irene, hindi nya maalis ang tingin kay Mars.
“Yup, he is alright. But I think he will be staying here for a while. Wala naman gagamit nitong resthouse. Nagkaproblema sa bahay yan e.” paliwanag ni Boss Vic sa kanya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: