2nd trip to Tagaytay

February 14, 2009

Ano na kaya ang nangyari dito? Sana okay siya. Sabagay, andon si Boss Vic, kaya nga nagpaiwan ito para mabantayan at mapayuhan ng husto ang kaibigan.

Kaya naman nagulat siya ng dumating sa office si Boss Vic bandang alas-diyes ng umaga. Hindi na sya kumibo at nagtanong, hindi kasama sa trabaho niya ang magtanong lalo na’t hindi naman related sa work niya ang gusto niyang itanong sa boss. Three o’clock ng ipatawag siya ng boss sa loob ng office.
“Boss Vic?” katok ni Irene sa pinto.
“Please come in.” sagot ni Boss Vic.
“Irene, may ipapagawa ako syo, I want you to check on Mars sa Tagaytay. Nagleave kasi yung caretaker ko don and Mars was left alone there. Bring him food na din, damihan mo na, stock nya habang andon sya. I was trying to call him but he’s not answering.”
“Ho?” hindi makapaniwala si Irene.
“Nakita mo naman si Mars kagabi, ayoko siyang ipagkatiwala kung kani-kanino lang. At mas maganda na din yung walang makaalam kung nasan sya ngayon para hind sya ma-istorbo sa soul searching nya. Ikaw lang ang pwede kong pagalawin dito and I heard from Mars na magkakilala na daw kayo so malaking bagay yung komportable siya sa’yo.” Paliwanag ni Boss Vic.
“bayolente po ba sya ngayon?” takot na tanong ni Irene.
“Mars is not a violent person, he never was. Mabuti pa, lumakad ka na at ng makabalik ka ng maaga.” Tawang sagot ng boss nya.
“Yes sir..”

NAGDADALAWANG ISIP man si Irene e, wala din syang choice. Maaga pa kung tutuusin pero ibilin na ni Irene si Liam kay Marian. Hindi sya sure kung anong oras siya makakabalik. Ni hindi nga nya sure kung anong dadatnan niya sa Tagaytay. Lalong tumitindi ang kaba nya habang papalapit na sila ng resthouse. Pagbaba niya ay nagpaalam ang driver na pupunta lang sa flower shop dahil may binilin si ma’am Kate na bibilhing mga halaman.
“okay po mang Rick, wag nyo kong kakalimutang balikan ha.” Paalala nya sa driver.
“Syempre ineng, madali lang ako.” Umalis na din kagad ang matanda.
“Sir Mars?..” naninibago si Irene sa boses na lumalabas sa lalamunan nya. Parang nalunok na ata nya sa sobrang liit. Nakailang katok na ata sya sa pinto at wala pa ding nagbubukas. Kinakabahan na sya, baka nagpakamatay na ito sa loob!

Advertisements

6 Responses to “2nd trip to Tagaytay”

  1. novelitas Says:

    hayan, mahaba yan ha, request ni meckz. 😉

  2. Meckz Says:

    W0w ngulat nga q mama gie! Ang habaaaa…Tnx p0h..

  3. novelitas Says:

    wala kasi ako bukas.. babang luksa. sa monday na ulit. tnx din. 😉

  4. ever Says:

    teka masimulan nga ulit basahin…balik ako sa susunod na kabanata.

  5. novelitas Says:

    hehe.. sige. salamat sa pagbasa.. 😉

  6. Meckz Says:

    Ai ok po mama gie..Bbang luksa n pla ng mama m0..0k po.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: