a bottle of Tequila

February 17, 2009

Bahagya pang nairita si Irene ng hindi man lang sumagot si Mars para malaman nya kung nakinig sya nito o hindi, pahirapan ba ako? Isip-isip ni Irene. Patuloy nya itong kinatok, mas malakas na ngayon.

“Sir Mars?.. hihintayin ko na lang po kayo sa labas ha..” nang wala pa din itong sagot sa mga pagkatok ni Irene, minabuti na nya ang lumabas na at doon na lang sa may swimming pool ito hintayin. Tatalikod na sya ng mapansin nya ang tubig na lumalabas mula sa pinto ng bathroom, madami ito at mabilis na kumakalat sa loob ng kwarto. Basa na nga ang blue carpet na tinutungtungan niya.

“shit!” Nun lang naisip ni Irene na baka kaya kahit tawag sya ng tawag ay hindi talaga siya marinig ni Mars, ito ay dahil sa may nangyari na ditong masama sa loob! Wala nang inaksayang panahon si Irene, dali-dali na niyang binuksan ang pinto ng bathroom at doon na niya nakita si Mars. Nasa bathtub ito nakalublob, nakadamit at sapatos pa, yung suot nito kahapon ng makita ni Irene sa den, may hawak na bote ng Tequila sa nakalawit na isang kamay, at dire-diretsong umaagos ang tubig mula sa faucet. Inuna ni Irene patayin ang tubig dahil baha na sa buong cr.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: