puro emote kasi ako

February 18, 2009

hayan, kakaemote, hindi ko tuloy napansin na kalahati pala nung page ngayon e pang chapter 5 na, putol tuloy yung post, dapat kasama na sa kahapon.

hayan kasi..

kahapon habang nag eemote ako, nagsoul searching na din ako at madami akong narealize..

nung pumapasok pa ko sa “opis”, nayayamot ako kasi feeling ko, hindi ko naaasikaso ng tama ang anak ko. yung anak ko pa naman, kulang lagi sa pansin. pag hindi ko naintindi, maya maya lang tatawag na ang school kasi nakipagbugbugan na. fyi, babae po ang anak ko, amazona nga lang. isama pa natin dun yung connection namin mag-asawa, ewan ko ba, pag busy kasi ako, lahat ng resources ko, energy, focus, mind, body and soul– dun lahat. ang ending, magdinner kayo ng hindi nag-iimikan at puro buntong hininga.

actually, hindi naman sa galit kayo sa isa’t isa, alam mo un, wala lang talagang masabi o tinatamad ka lang mag-explain, alinman jan, pili ka na lang.

kaya ako umayaw sa “ofis”, sabi ko, hindi healthy sakin to. kaya eto ako ngayon freelancer. sa totoo lang, malaki laki din naman ang kita sa freelance writing, lalo na kung afford mo yung wala ng tayuan sa harap ng computer. ako, akala ko ok na ko kasi umaabot nga ko ng isang buong linggo na hindi nakakaapak sa labas ng gate namin, at masaya pa ko nun.

basta may vcut at mountain dew. samahan mo na din ng goya.. πŸ˜‰

ang sabi ko pa, ok to, kasi nasa bahay lang ako, tutor lang k amazona anytime, laundry lang anytime, at shempre, connect lang k mister anytime. tapos pede ko naman gawin yang mga trabahong yan, anytime..

WRONG!!

after 4 months of zombie-like existence, always meeting deadlines at yun nga, lait laitin ka pa, kahapon ko lang nakita: luka luka na naman ang anak ko, may buntong hininga na naman sa hapagkainan, wala na kong social life, napapabayaan ko na ang medical transcriptions training ko, lagi na kong ngarag, sobrang puti ko na dahil kulang na ko sa vitamin D, addict na ko sa glutaphos (the brain vitamin, sabi sa commercial), nagcconsider na ko bumili ng eyeberry (the eye supplement, sa commercial pa din), 1 hour max na lang ako manuod ng TV per day, lahat ng emotions ko nakasalalay na lang sa computer.

actually, feeling ko nga, pag may nagtanung sakin, daliri ko ang gagalaw hindi bunganga..

hindi pa yan, yung labada pataas na lang ng pataas parang gusto ko na shang tanungin “labada, labada, panu ka ba ginawa?!”

hayan, narealize ko, hindi siguro trabaho ang problema, ako mismo. pagnagtrabaho kasi ako, super seryus. kaya pag nasaktan ako sa trabaho, sabi nga ng asawa ko “kahit hindi naman personalan” nasasaktan ako ng bonggang bonga.

so, nagdecide na ko, tutal naman two weeks na lang OJT nako sa training, hindi na muna ko kukuha ng writing job, yun na lang iba na “regulars” ko na. hindi na ko maghahabol ng quota, hindi ko na ngangaragin ang sarili ko. at magbabaksyon ako ng isang linggo. baka sakali, makapagsulat na ulit ako ng tagalog novel habang bakasyon di ba?.. o kaya matutulog na lang ako isang buong linggo.. kahit anu basta marelax lang ako.

sana lang madali.. 😦


Advertisements

5 Responses to “puro emote kasi ako”

  1. Tezy Says:

    ok lang yan sis, ganyan din me nung umpisa. pero ngayon, 2 days na lang me ngarag, the rest of the week, ndi muna ko masyado nagiisip ng work. mas ok nga sa mga regulars ka na lang magfocus, at least hindi ka masyadong pressured.

  2. Meckz Says:

    Kya m yn..Wag mgpatalo s pressure!Go go girl!

  3. novelitas Says:

    salamat sa cheering squad ko! hehe.. di nga, thank you snyong lahat. tama, kaya ko to! πŸ˜‰

  4. Aye Says:

    iba’t-ibang work, iba’t-ibang klase ng pressure. pero pressure pa rin . . . kahit mag-break out ang skin, ok lang un, kse work lang yan, binabayaran naman tayo eh. hehehehe. mas mahirap ang family pressure di ba?

  5. novelitas Says:

    ah, wala naman akong family pressure, naeliminate ko na. hehe.. πŸ˜‰


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: