kulitin ang sarili?

February 21, 2009

kahapon, nagllunch kami ng anak ko. komo wala nakong time magluto, nagpancit canton na lang kami, ok lang naman sa kanya basta sa harap ng TV kakain. pinayagan ko na, dun din naman ako kakain tsaka wala naman yung dadi nya na masungit.. 😛

so yun, nanuod kami ng TV, saktong commercial pa. kain kain lang kaming mag-ina. biglang lumabas yung commercial ng isang senador tungkol sa cheaper medicine chuveklavu. ok na sana kasi naman ang mahal talaga ng gamot diba? tska wa talaga kong care at the moment kasi naka autopilot ang utak ko at wala naman talaga akong naaabsorb sa pinapanuod ko, ang goal ko lang ay mabusog at makabalik sa trabaho.

anyway, humirit si senador: “..kulitin natin ang gobyerno..”
ANAK: mami..
AKO: o?
ANAK: sinu ba yan?
AKO: senador.
ANAK: di ba gobyerno yun?
AKO: oo
ANAK: kukulitin nya yung sarili nya?

nye. uu nga naman, anu bang tagline yun, parang sala, o sala lang kaming mag-ina sa pandinig at hindi naman pla kulitin ang sabi, malay kung kulahin o kulutin pala yun.. napaisip lang ako, mantakin mo ang tagal na nung commercial na yun , hindi ko man lang napansin, kung hindi pa yung anak ko ang nakapansin..

parang sayang ang airtime ni mr. senator, bata lang ang umiintindi. hay..

Advertisements

4 Responses to “kulitin ang sarili?”

  1. Aye Says:

    hey ilagay mo yan sa reader’s digest na jokes, may bayad kapag natanggap, 50 dollars ata, itranslate mo na lang sa english.

  2. novelitas Says:

    sige.. masubukan nga. baka may future pala ko sa pagggawa ng jokes. hehe.. 😉

  3. ever Says:

    ah! ok! malayo ang mararating ng beybi mo..he he he.

  4. novelitas Says:

    wag sanang aktibista. muret pa naman yun baka madali ang buhay! 😛


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: