andi’s 7th birthday

February 23, 2009

Andi celebrated her 7th birthday yesterday. si andi po ay anak ng kabarkada ko, girl, at kasing-idad ni robbie, ang amazona kong anak. masaya, maganda ang place, kaso eto na naman ako, walang pictures!

hay.. 😦

ganito lang naman kasi yun, hindi sa sinadya ko na naman na walang makuhang picture, dinala ko naman ang camera ko, kaso lang nadeadbatt. I managed to click three pictures before it went dead. tapos, yung cellphone ko na lang ginamit ko sa iba pa.

o yun naman pala..

hindi din, nakalimutan ko isave ang mga pinagpipicturan ko! ang ending, wala akong sariling pictures, wala din pictures ng mga friends ko. hay sayang talaga! mahanap na nga yung nagsasanla ng digicam samin at papatusin ko na!

nampucha, love ko lang kasi talaga itong sumpungin kong digicam na almost seven years old na. pano, yan ang unang una kong binili sa sweldo ko, bago ko pinag-ipunan ang pambili ng anak sa ospital.

pano bumili ng anak 101

pagkatapos kang pahirapan ng bonggang bongga sa loob ng ospital na ang tawag ay torture para malaman nila kung seryus ka naman sa pagbili ng bata, pipili ka na ngayon sa iskaparate ng batang type mo, turo turo ka lang jan tas lalagyan nila ng tag. minsan, sila na din ang pipili, ibabagay yun sa kulay mo, customized kumbaga, lalo na pag may shortage ang supply. malas mo na lang kung sa singit mo pala nakatingin ang pipili, hindi mo pa naman namaxi peel yun side na yun. hindi tuloy kutis artista ang mapapabigay syo. tapos yun, bayadan mo na sa counter. warning, mahal ang bata ngayon, kung ikaw mismo ang tinorture, around 50-60k, kung hindi naman ikaw ang tinorture, pedeng tumawad. πŸ˜›

ayan, alam nyo na..

e di yun nga, eto ngayon ang picture ng anak ko..

ganyan ang ginagawa sa mga batang makulit

ganyan ang ginagawa sa mga batang makulit

kakakwento ko sa mga friends ko na hindi ko nakita ng 3 weeks, hindi ko na napansin na, napag glitter tattoo na pla ang bruha kong anak at may amos na din sa muka gawa ng face paint. fyi, ang face paint na yan ay nasa mukha pa din nya hanggang sa mga oras na ito, at opo, hindi sya nag hilamos kagabi at ngayong umaga. hanggang kelan ay hindi ko po alam.. hopefully, mabura na ito on its own.

tapos ayan nga..

kinulbit ako ng kasama namin sa table, sabi “huy yung anak mo!”

aba, oo nga pala, may anak ako!

iyan, inabutan ko sha, ganyan na. nakadikit na. parang malagkit na something na dumikit sa pader. tuwang tuwa naman ang muret!

kuya, pde kaya wag mo na tanggalin jan?

kuya, pde kaya wag mo na tanggalin jan?

sisigaw sana ako kung pde wag na lang tanggalin hanggang matapos ang party kaso mainit sa labas, nakakaawa naman, baka mukha ng isdang tuyo ang babaeng ito pagkatapos. papatayin ako ng ama nun. πŸ˜›

sana may ganito sa bahay.. hmm..

para k andi, mommy dang, daddy andrew, thanks sa pag invite, natuwa naman kami, este ang mga bata. πŸ˜€ pero hindi nga, nag enjoy naman daw si robbie, ang hinihimutok lang sakin, hindi daw sha nakakuha nung balloon. sabi ko, yung dadi naman nya balloon, yun nalang. masama ang dalawang balloon sa bahay! πŸ˜›

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: