crazy life!

February 25, 2009

nahirapan akong magtitle netong isang to. hindi ko maintindihan kung moving out o happy week kaya crazy life na lang.

katulad ngayon nagcandy pa ko ng kopiko e meron pa nga pala akong liquid kape sa harapan ko. hay memory gap.

isa-isahin natin ang mga pangyayari sa buhay ko.

moving out: yep. we are indeed moving out. kung san hindi ko pa alam. ang narerealize ko lang, habang busy ako pagttype dito sa computer, nawawala na isa isa ang mga gamit namin. katulad na lang nung isang araw,
AKO: papi, nakita mo ba yung book ko na kulay blue, parang ganito ang itsura pero kulay blue ang cover (referring to my MT manual)
PAPI: hindi, malay ko kung nasan.
AKO: hindi kaya napasama sa mga box na napunta sa Bulacan?
PAPI: hindi ko alam, tingnan ko bukas.
well, nakita ko naman yung book, sa likod lang pala ng monitor netong computer. šŸ˜›

nung isang araw pa,
AKO: robi, nakita mo ba kung nasan yung gameboy? baka nasama na yun sa orocan mo, yung nadala sa bulacan.
ROBI: ewan ko mami, tingnan ko na lang.
nakauwi na ang gameboy, nasa bulacan nga.

eto ngayon lang,
AKO: pucha sakit na ng likod ko, makahiga nga muna. ay putangna, nasan na ang kama?!!

so, oo nga, moving out na siguro kami..

happy week: kung natatandaan nyo, 2 weeks na kong emote. ang magandang balita ko, hay salamat, madaming blessings ngayon, tapos na siguro ang kasumpa sumpang weeks na yan. Nung monday, after ko magresign sa sumpungin kong boss (read: not good enough), naghiwalay naman kami ng maayos at nagpadala pa sha ng “token of appreciation”. hindi naman malaki kaya wala ng hihingi na balato ok?

kahapon naman, sa sobrang sindak ko, binigyan ako ng salary increase nung pinakamamahal kong boss, si boss Janice. hindi din malaki kaya, again, wag na munang bumalato. kaya yes, mukang maganda naman ang week ko. pde ko ng sabihin na I’m back on track.:D

kaso mo lang, medyo mandadaya muna ko sa postings ko, yung iba dyan, iniskedyul ko na lang muna, kasi mukang magiging busy ako ngayon, finals week na sa MT class, tas naglilipat pa, tas baka wala pang internet kung san man dako ako maparoroon. hay.. nakakahapo naman.

babush na muna, masakit na talaga ang likod ko, sa sofa na lang muna ko hihiga..

tangna wag kang hihingi!

tangna wag kang hihingi!

Advertisements

9 Responses to “crazy life!”

  1. ever Says:

    mas masarap pag sa lapag ka natulog kahit walang kama malamig..he he he.suplado si lolo langgam ayaw mamigay ng biskwet!

  2. eMz Says:

    kaaliw yung langgam! hahaha

  3. Aye Says:

    ingat sa pagtulog, baka paggising mo nasa bulacan ka na rin! hehehe o di kaya naman itatali ka namin ni tez para di ka na makaalis . . . bwahahaha

  4. novelitas Says:

    hindi na nga ko nakatulog kasi naman ang gulo ni robi kainis..

  5. cherry Says:

    haha, malapit lapit na rin kame maglipat. kaya inuunti-unit ko narin ang pag-impake. katuwa blog mo =)

  6. Liza Says:

    ang hirap maglipat! sa totoo lang naranasan ko yan. i made sure i made a list of each box, pero hindi talaga maiwasang maghiwahiwalay ang mga gamit.

  7. Meckz Says:

    Hehe hala signs of aging nb yan? Bir0 lng..

  8. novelitas Says:

    mahirap talaga maglipat, hintay at ittanong ko sa asawa ko kung nahihirapan na sha.. hehe šŸ˜‰ huy meckz.. long time no hear.. dalaw kayo ulit ha! salamat.. šŸ˜‰

  9. Meckz Says:

    E mej0 busy busyhan kc ang byuti q kya ngaun lng nkadalaw..Keep up d g0od w0rk! Im still lo0king 4ward 2 ur future p0st!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: