lintik naman talaga yang adware na yan!

February 26, 2009

hindi ko ba naman alam kung bakit parang nangkakaway ng virus ang cpu ko, lahat na lang ata gustong iexperience. malanding cpu! hay..

ganun nman talaga, wala kang magagawa kung ang binigay sayo ng diyos, haliparot..

every month na lang may bago sha. kahit na nga yung pinakamatinding anti-virus, firewall, safesafe something, chuvanes, walang nagawa. kagabi, ayun, natuluyan na ang mlanding cpu, natrojan. ang trojan at eset nagkarambola, patay si trojan.

ok fine, patay na si trojan..

kaso, the sneaky fox adware, habang nagrrambol ang dalawa, ayun, ginagago ang settings ng computer ko at inuto magpalit ng time and date settings.

bagong date: december 31, 2069!

mantakin mu un? baka skeleton na ko nun sa puntod ko, naknamtimawa naman talaga. ang matindi nito, pag ganyan kalayo ang settings mo, expired ang certificate mo, wla ka ng access sa internet. ym, mail, pati yun time log ko sa company, tsugi.

..ang ending sapilitang bakasyon!

panu ispend ang sapilitang bakasyon: shempre, pagkatapos ko makabawi sa matinding shock, call a friend.
AKO: bru!! ang computer ko, anu na? anu gagawin ko?! huwwwwwaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!
FRIEND: you dala to me, now or never. if you gusto, tom can do. don’t cry na, i will solb problems. agree?
AKO: *hikbi* agree. now na. will punta to your hawshold.
shempre dali dali akong nagbihis at awa ng diyos, hindi ko naman nakalimutang magkilay. mga 8pm eto. at naglakbay ng mga 30 minutes pa.

kasi sa tuktok ako ng bundok nakatira, sha sa paanan. medyo malayo..

nakarating din naman ako at ayun, ang cpu ko, nakaconfine na, kasalukuyang inooperahan. sabi naman ni doc bru, successful naman daw, nasa recovery room na at sana’y walang maging komplikasyon, pde ko na daw ilabas ng hospital mamayang gabi. ako, eto tiis tiis muna sa makitid na tipahan ng laptop na nagffeeling unano na ko at nagkakanduduling sa screen. hindi na din muna ako magttrabaho kasi naman ang lahat lahat ng files ko ay andun at katangengotan ko, hindi ako nagback up. magrereview na lang muna ko para sa finals. yan, ganyan ispend and sapilitang bakasyon. hehe.. 😉

at sa mga walang magawa sa mundo at pradyek pradyekan ang paggawa ng virus, wag lang kayong pahuli ng buhay sakin at makikita nyo ang meaning ng pradyek! pramis!

magtago ka na now na!

magtago ka na now na!

Advertisements

5 Responses to “lintik naman talaga yang adware na yan!”

  1. eMz Says:

    FRIEND: you dala to me, now or never. if you gusto, tom can do. don’t cry na, i will solb problems. agree?

    — natawa ako, sobra! hahaha!

  2. Tezy Says:

    Parang socialite na “barok” ang dating eh.. ahehehe.. hmm.. cno ba yun? anyway, salamat ng a lot sa Red Ribbon cake. well, sana wag na masyado mag flirt sa kung anech anech na virus yang pc mo.

  3. novelitas Says:

    sana nga, kundi itatapon ko na sa ilog ang lintik na to! hehehe..

  4. Melisa Says:

    Kakaiba yang virus na ‘yan, ginawang December 31, 2069 ang date!

    Ano na’ng nangyari, ayos na ba? Anong anti-virus ang ginamit mo, ang gastos talaga pag laging online dapat i-maintain yung anti-virus program ng pc.

    Minsan nga iniisip ko kung may kinalaman din ang mga gumagawa ng anti-virus sa mga naglipanang virus sa net. =)

  5. novelitas Says:

    ay naku! naisip ko na din yan! avg na itong nalagay sakin and so far ok naman sha. meron na din adaware. yung woot at ghostery, sa firefox pareho. tas may mga inadjust na din ako sa settings nya. mahaba ang process, inabot nga ko ng tatlong oras sa setup pa lang! magsisigaw ka lang if kelangan mo, iemail ko sayo kung panu. =)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: