IRENE: Breaking the Ice

March 20, 2009

“..eto na nga. Wag kang gumalaw diyan, wait lang!” Nasan na ba kasi yung bra niya?
“Sige, bilisan mo.” Kinig pa ni Irene ang pilyong tawa nito bago nagline out. HUUUH talaga, nakakagigil ang lalaking ito!

“HI, BEAUTIFUL!” bati ni Mars kay Irene, sabay abot ng flowers. Nasa gate pa din ito ng bumaba si Irene, kausap ang guard-on-duty nila. Sa tingin niya ay close na ang dalawa, tinapik pa ni Mars ang balikat nito ng makita si Irene sa may stairs.
“Halika, kain tayo, gutom na ko e..” yaya ni Mars.
“Wag na, busog ako, usap muna tayo.”
“Tara, san mo gusto?”
“Diyan na lang sa loob.” Turo ni Irene sa sasakyan ni Mars. May bahid dismaya sa mukha ni Mars at nakita ito ni Irene, pero madali din itong binura ng lalaki, pinaltan ng ngiti.
“Okay, come in..” pinagbukas nito si Irene ng pinto at ng makapasok na si Irene ay saka ito sumakay sa driver’s side.
“So, what’s up?” masayang bungad nito just to break the ice.
“Mars, huwag mo na kong puntahan please?” malamig pa sa ice ang sagot ni Irene.

IRENE: No Deal!

March 19, 2009

Count one to ten, Irene, hinga, utos ni Irene sa sarili, “Nasa dorm ako, Mars.”
“Okay, kita tayo ngayon.” Masayang sagot ni Mars.
“No! I-I mean, nagpapahinga ako, masama nga pakiramdam ko.” Pagdadahilan ni Irene. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya makikipagkita sa lalaking ito at wala siyang balak sirain ang promise na yon ngayon.
“Sige na, please, miss na kita e. Baba ka na, hintayin kita dito sa may gate.”
“Ano?! Andito ka na?” Lalong nataranta si Irene. No, this is just a test of my strength and will power, hindi pa din, NO DEAL, banker!
“Hindi talaga pwede Mars, umuwi ka na, hindi ako nakakatayo sa kama, sobrang masama ang pakiramdam ko, trangkaso na to, nakakahawa.” Sana lang matakot si Mars!
“Ok, aakyat na lang ako diyan..”
“HUWAG!!!” lalong huwag, delikado siya dito, baka maulit pa ang nangyari sa Tagaytay.
“Okay, baba na lang ako, hintayin mo ko.” Pagbibigyan na niya ito, one last time.
“Hindi, Irene, okay lang naman kung..”
“Hindi na nga, magbibihis na ko..”
“..para maalagaan na din kita..” tuloy tuloy na salita ni Mars.

Lilipat na daw

March 19, 2009

ganyan ang lilipatan namin

ganyan ang lilipatan namin

lilipat na daw kami ngayon. ayun ang sabi sakin ng mamang ito, ewan ko pero parang kilala ko naman sha, siguro pag naligo ito kamuka na sha ng asawa ko..

o baka asawa ko na nga yun, maamos lang kaya hindi ko makilala. itatanong ko nga kay robbie..

kaninang umaga, nagulat ako sa dumating na mini-truck sa harap ng bahay, kulay blue ito. at may mga lamang lalaki, mga 3 sila, binuksan ang gate namin at inatras ang sasakyan.

sorry na lang sila, busy ko! 😛

hayun, kinuha ang ref, cabinet, kama, sofa, lutuan, washing machine at kung anu anu pa. ang naiwan na lang ata ay ako, ang computer at ang anak ko. sa pagkakaalam ko naman, hindi “repo” ang bahay namin kasi:

1. hindi amin ang bahay, rent lang.
2. wala naman akong utang sa bangko.
3. nagbayad naman ako sa bumbay. binibigay ko pa nga si robbie, ayaw tanggapin.

joke lang yung huli, wala akong utang sa bumbay pero willing akong ibigay si robbie anytime. 😛

meron din naman akong konting active participation sa mga kaganapan. humingi ako ng softdrinks nung mabulunbulunan na ko sa lunch kasi wala na nga yung ref, nanghiram ako ng lighter kasi hindi ko na alam kung nasan ang lighter ko at naglagay ako ng konting damit sa bag bago ko sumigaw ng:

hindi ko na kaya, parang awa nyo na, pagod na pagod na ko!!!”

naawa naman sila at hinayaan na lang nila ko magcomputer habang sila ay lawit na ang dila kakahila/buhat/tumbling/running man jan sa likod ko. shempre nagkunwari lang ako na busy sa trabaho at hindi puro wordpress ang inaatupag. May feelings din naman ako at alam ko na, mahhurt sila pag nakita nila, di ba? ayoko ng ganun, mabait kasi ako..

hayun, umalis na, ang sabi babalik daw.

huwait.. makaligo na nga, dyahe na itsura ko.. 😉

IRENE: Siksik Feeling

March 18, 2009

Isipin mo, iyakan ko ng ilang gabi tapos kung kelan naman naubos na yata ang supply ko ng luha for one lifetime, eto siya, biglang tatawag at maghahanap na akala mo, kanina lang sila naghiwalay! Mukhang wala pang balak mag-explain man lang, o magsorry dahil pinagmukha niya kong tanga! Three days lang naman, siguro naman, she deserves some kind of explanation, di ba?
“..pag masama kasi ang pakiramdam mo, miss, dapat hindi ka na pumapasok, e pano kung lumala pa yan ha?” pagsermon pa ni Mars.
Nanlaki ang mata ni Irene sa nakinig! At, feel pa niya magsermon! Tiim na tiim ang nguso ni Irene, sa dami ng gusto niyang itanong sa lalaking ito, pinaraktis pa nga niya yung iba habang nasa banyo, wala siyang mahagilap na sasabihin kay Mars. Parang sa LRT, pag sobrang puno ang couch tapos sabay sabay bababa ang mga pasahero sa isang station, wala tuloy makalabas sa sobrang kakasiksik. Yon ang tamang description sa nararamdaman niya ngayon, SIKSIK.
“Irene? Are you still there?” Ngayon lang narealize ni Mars na bukod sa hello ni Irene kanina ay wala pa siyang nakikinig sa tinawagan.

IRENE: The Mushroom Man

March 17, 2009

Suko na siya, ayaw na niya mag-isip, tungkol kay Mars, tungkol sa kanya at tungkol sa kanilang mag-ina, ituturing na lang niyang isang panaginip ang lahat ng nangyari sa kanila ni Mars sa Tagaytay. Bittersweet memories, best forgotten. Siguro pag nakapagmove-on na siya totally sa mga nangyari, tatawanan na lang niya ang katangahan niya ngayon. Siguro..

RING ng cellphone ni Irene ang gumising sa kanya. Hindi na niya namalayan na nakaidlip na siya sa kakaisip. Hinagip niya ang bag niya na nasa ibaba ng bedside table at kinapkap ang cellphone, walang tigil ang pagring nito.
“Sino ba kasi ito? Hindi makapaghintay, namaaan..” Feeling ni Irene pikit pa ang mga mata niya ng sinagot nya ang demanding na caller niya sa cellphone.
“Hello?..” malat pa ang boses ni Irene, tanda na galing lang sa tulog. “Irene, where are you? I’ve been looking all over for you.” Napabalikwas si Irene sa boses na nakinig niya sa kabilang linya. “Mars?!”
“Oo naman, nasan ka ba? Nagpunta ko sa office niyo, wala ka daw naghalfday, kinuha ko na lang ang number mo. They told me, pumasok ka daw kaninang umaga kaso masama daw pakiramdam mo kaya umuwi ka na. Is that right?” May halong concern din naman ang boses ng lalaking kabute!

Irene: Alone time

March 15, 2009

“Opo sir, Thank you po.” Pa’no ba siya tatanggi e, talagang mabigat ang katawan niya? Mas makakabuti pa nga siguro ang umuwi na muna sya at magpahinga.

PILITIN man ni Irene ang sarili na matulog, hindi nya kaya. Una, tirik ang araw sa labas dahil katanghaliang tapat, sobrang init sa loob ng kwarto at napakalagkit ng pawis niya, ultimo ang hangin na binubuga ng electric fan ay maalinsangan din. Pangalawa, pagod nga ang katawan niya, lipad naman ang kanyang diwa. Katawan lang ata niya ang sumunod dahil hindi na niya ito maigalaw pero ang mata niya, ayaw namang pumikit. Minabuti na lang muna ni Irene ang umuwi at magpahinga mag-isa at mamaya na lamang sunduin si Liam kaya’t nagderecho na siya sa boarding house. Pagkadating sa bahay ay agad na hinubad ni Irene ang kasuotan at pumunta sa banyo para magshower at para matanggal na din ang alinsangan na nadarama niya dala ng byahe. Pagkuwa’y nagbihis na siya ng pambahay na sa nipis nito ay butas butas na, dahil na din siguro sa kalumaan, subali’t ito talaga ang napili niyang isuot dahil presko at isa pa ay wala naman makakakita sa kanya dito sa loob ng kwarto.

Irene: Nasan na si Mars?

March 14, 2009

Kagabi ay tahimik na umiyak si Irene habang natutulog sa tabi niya si Liam, takot siya na magising ito at tanungin pa siya kung bakit umiiyak. Tatlong araw na din siyang hindi kinikibo ni Marian. Pinabayaan na lang muna niya ang kaibigan, ang sarili nga niya, hindi niya maalo, unahin pa niya si Marian? Kagabi ay nagdecide si Irene na tapusin na ang kahibangan niya kay Mars, marahil ay hindi na ito magpapakita sa kanya matapos ng mga nangyari sa kanila. Siguro nga ay tama si Marian, isang bagay lang ang habol nito sa kanya at nung makuha na ito ay tapos na ang lahat sa kanila.
“Irene, you don’t look so good. Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Boss Vic. Nasa loob sila ng office ni Boss Vic at may mga pinapipirmahan si Irene na documents.
“Boss, puyat lang po.” She tried to hide the puffiness of her eyes kaninang umaga by make-up pero siguro sobrang lalim ng hinanakit nya kaya it still shows.
“I would suggest na maghalfday ka na. Mabagal naman ang transactions natin dito sa office today at kaya na ni Nilda yan. Baka matuluyan ka pa ng trangkaso niyan. Go.” Inabot nito ang mga papers kay Irene at kinumpay ang kamay na parang bumugaw ng lamok.