IRENE: Buking na!

March 8, 2009

“Sige dyan na muna kayong dalawa. Hon, tawagin mo na lang ako pagready na ang table okay?” bilin ni Ruel kay Marian bago ito tumayo at pumasok na sa kwarto kasama si Liam. Noon lang napansin ni Irene na walang kibo si Marian, simula ng dumating siya sa bahay nito para sunduin si Liam.
“Marian, okay ka lang?” tanong ni Irene, sinundan ang kaibigan sa kusina.
“Is there something you want to tell me, Irene?” hindi ito tumitingin sa kanya, tuloy lang ito sa paghahanda ng table.
“Wala naman.. ano ba kasi yon?” kinakabahan ba si Irene sa isasagot ni Marian.
“I called your office last night. Gusto ka kasi makausap ni Liam and we couldn’t reach you..” Parang pinatakan ng bomba si Irene ng makinig nya ang sinabi ng kaibigan.
“M-marian, I..” Irene stammered.
“Irene, okay lang naman sa’kin, sana sinabi mo na lang na nakipagdate ka or something.”
“It wasn’t a date, Marian. Pinapuntahan ni Boss si Mars sa Tagaytay at..” Stupid me, bakit ba binanggit pa niya yon, tiyak mahuhuli lang siya ni Marian! Napaupo na lang si Irene.
“So, si Mars, first name basis na kyo? Irene, alam mo ba itong pinapasok mo? May asawang tao ang lalaking yan, and you told me, may anak pa. Ano ka ba? Inuuto ka lang ng lalaking yan, ang habol lang niyan yang nasa pagitan ng hita mo, Irene!” Tumigil na sa pag-aayos si Marian ng table, nakaharap na ito kay Irene, gigil at bakas sa mukha ang galit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: