Maaksyong Sunday!

April 26, 2009

umpisahan natin sa 12:00AM:  stuck sa NLEX traffic, very very tired and sleepy. it’s way past my bedtime! On our way from Bulacan to Laguna.

1AM: quick sidestep to Crispy Creme. ordered a butt-kicking “large smooth”. kept me wide awake for the next 30mins. haha.. 😛

actually, pag hardcore coffee drinker ka, kahit pa ata anung tapang ng kape mo, makakatulog ka din, nakanganga pa!

2AM: finally made home. hay.. time to sleep, salamat naman!

7AM: dragging myself out of bed. no success here. need to go to the gym today. pick up my “drugs” and do something about that awfully huge thighs!

8AM: finally made it out of bed. wala talagang kupas ang magbuhos ng malamig na tubig sa umaga, magigising ka talaga!

8:30AM: trying to be sunny as can be while frantically stuffing my big bag with all those “gym gadgets”. said goodbye to sleepyheads and went straight to the door..

BOINK! ampota, nasan na ang upuan namin dito sa labas?! andito pa un kagabi? inuupuan ko pa bago ko natulog! nasan na?!

sigurado ako, hindi kami naglilipat kasi kakalipat lang namin last month, hindi katulad nung last time na nawala ang mga gamit na wala akong kamalay malay. kung un man ang reason at nawala ang upuan sa labas (plastic ito, ala-orocan, single) malamang ay hindi ako nasabihan. teka nga matanong nga..

AKO: Papi, inalis mo ba yung upuan sa labas?
PAPI: Alin? yung orocan?
AKO: Uu, un nga, wala na sa labas.
PAPI: Ampota.

yun lang, alam ko na, hindi kami lilipat, nanakawan kami habang nagsshower ako! and take note, ang pagitan lang ng banyo at nung ninakaw na upuan ay isang dingding, kaya pala may nakinig akong nalaglag sa labas habang naliligo ako. hindi ko naman pinansin kasi akala ko pusa, lintik na pusa, tinangay ang upuan. lakas ha, bilib ako!

potang yun, nanilip pa yata! heyup!

first time ko nakaexperience na manakawan, at kung kelan nasa city na ang bahay ko, saka pa. imagine, wala pa kaming 2 months dito, may nangunguha na ng gamit.

opo, wala kaming sariling gate. kaya derederecho sha sa hangggang jan sa labas ng mismong pinto. at opo, very certain ako sa time kasi kakabukas lang ng communal gate nung nagshower ako. at isa pang opo, kung nagkataon na lumabas ako ng nakatuwalya pagkatapos maligo, malamang nag “gudmorningan” pa kaming dalawa!

e wala na din naman ako magagawa kasi nadala na nya yung upuan, naisip ko na lang, siguro kulang yung upuan sa bahay nila, hindi sha makajoin sa family dinner, kaya un ang kinuha nya tska yung wire ng PLDT na hindi samin. baka wala din silang linya ng telephone, e kelangan nya mag overseas call sa mommy nya para magpadala ng allowance, di ba? hirap kaya ng buhay ngayon!

9AM: umalis na din ako at naggym. nakuha ko na ang “drugs” ko. hyper na hyper tuloy ako ngayon, mga nakatwo hours nga ko sa gym today. 😛

12PM: ngayon un, nakapagsaing, check email, check email (dalawa ang email ko), facebook, blog catalog, YM at eto nga, wordpress na ko. mangatal ngatal ako habang nagttype! malamang gutom to at ang super caffeine ng droga!

hayan ang "drugs" ko..

hayan ang "drugs" ko..

PS. ayun po sa mga balibalita na nasagap ko sa TV, ang fatburner na ito ay nakakasama sa kalusugan at nakakapagpasabog ng atay. lahat ng hydroxycut ay pinull-out na sa merkado ngayon.
buti na lang kakabili ko pa lang. hehe.. 😛

oh my pretty, pretty boy

April 19, 2009

may gf po ako for three years and yet, mahilig po akong tumingin sa gwapo..”

actually, yan na lang ang inabutan ko sa radyo. eto yata ang portion kung saan magpapayo ang DJ sa troubled caller at yun naman ang exact moment bago tumulo ang laway ko.

tulog po ako. in the middle of a long, long, long ride to olonggapo. well, actually gising na.

almost all of my best ideas come from my sleeping state o dun sa point na gising/tulog ka. weird pero lahat ng ideas ko for novels, nangyayari sa panaginip hence, the notebook.

bakit sinu ba ang nakakaalala ng full length panaginip? sige nga?

kaya pag nakita nyo ko na pikit/mulat nagkakalkal ng bag, hindi yun para sa breath mints! 😛 eniwey going back to the caller, e di nagising nga ako. sayang at bago ko pa nasulat ang idea ko, nagsumuksok na kagad itong caller na ito sa isip ko, hay sayang..

ang nasulat ko tuloy, “panu malaman kung bading bf mo?”

at eto naman ang sagot ng muni muni ko. wag na itanung kung panu ko nalaman dahil nakakahiyang aminin..

OO na!! nagkabf ako ng bading!! hmp!

humanap ka ng average looking man, yung hindi pogi/hindi panget, yung ayos lang. ngayon solong magcomment ka sa bf mo ng ganito:

“ang panget naman nung lalaking yun.. hindi naman pogi anu?”

take note, nilait ko ang other man, para maiwasan ang selos ok? at mas maganda sana kung walang natatagong galit ang bf mo sa lalaking itinuturo mo. eto na ang sagot:

“hindi naman, okay lang..”

yan lalaki yan.

“hindi naman, pogi naman ah..”

nakyu neng, delikado ka na.

iba kasi sila sa’tin mga girls, tayo natural lang na sabihin natin na “mganda sha” pero pag ang lalaki nakakakita na ng gwapo at pogi, nakyu..

ang pinaka na nila sa kapwa lalaki, “okay lang” “may itsura naman”. ganun.

ulit ulit lang ang exercise na eto, pag nakakuha ka ng 3 out of 5, congrats!!! 😀

eto ang dedicated song ng DJ para sa caller,

“oh my pretty, pretty boy I love you like I, never ever loved no one before you..”

ayos.

papiktyuran mo na ng ganito

papiktyuran mo na ng ganito

NATANGGAP na din ni Marian si Mars pagkatapos sumailalim sa masusing imbestigasyon ala-SOCO, I bet he passed with flying colors at hindi na din tinigilan ni Mars ang panliligaw kay Marian at kay Liam, bakit kung hindi, makakasali kaya si Mars sa wedding ni Marian ngayon? Mga 4 months na itong lumiligaw sa kanya pero hindi pa niya sinasagot officially kaya lagi lang siyang kinukulit nito. Alam ni Irene na don din naman eventually ang punta nila pero para bang may mutual agreement na sila na habang hindi pa final ang annulment nila ni Elle, they will stay this way for the mean time, para na din makaiwas sa complications na dulot ng magiging relationship nila. Komportable naman si Celine kay Irene at si Liam kay Mars so wala naman talagang problema kung sakali. Irene is so happy, lahat ng mahal nya sa buhay, andito, just within her reach. Tapos na ang kasal, dineclare na ni father sina Marian at Ruel na husband and wife, nauna ng tumayo si Irene habang palakpak siya ng palakpak, ganon din naman ang kadamihan ng taong dumalo sa wedding. Lapit kagad si Irene para bumati ng congratulations sa dalawa.

IRENE: Bati na Sila

April 16, 2009

“SO, SIYA PALA SI MARS.” Tanaw nila ni Marian sina Mars sa bintana. Nasa loob sila ng office.
“Manliligaw daw siya..”
“E, bakit may singsing na? baka kayo na.” hindi tanong yon.
“Bakit mo ba kasi pinipigilan, hayaan mo na si Irene..” hinagod ni Ruel ang likod ni Marian at nakitanaw din sa bintana.
“Mukha namang okay ung lalaki..” Ruel added.
“Okay? Isa ka pa, may asawa nga.” Iritang sagot ni Marian kay Ruel.
“Love, hiwalay na nga, di ba? Give them a chance, and besides, wala ka bang tiwala kay Irene?” paliwanag ni Ruel. Marian sighs, exasperated.
“O sige, pagtulungan ba ko, anong magagawa ko? Pero Irene ha, oras lang na masaktan alinman sa inyo ni Liam, sabihin mo sa lalaking yan, hahabulin ko talaga siya ng palakol!” umasta pa si Marian na may hawak na palakol.
“Love naman, palakol? Masyado ka ng outdated!” sa kakatawa ni Ruel, nahawa na si Irene at hindi nagtagal, pati na din si Marian.
“Okay enough! Basta, promise me bestfriend?..” habol ang hinga ni Marian.
“Promise po, bestfriend.” Pagkasagot ay hindi na napigilan ni Irene at niyakap niya si Marian. Yumakap din naman ito sa kanya, putting the spat behind.

IRENE: Chapter Eight

April 15, 2009

CHAPTER EIGHT

MAHABA ang pinag-usapan nila ni Mars, kinuwento nito na wala na ang asawa sa bahay nila nung bumalik siya don, wala na din ang mga gamit nito. He suspects na kasama ito ng lalaki nya or she is staying with friends dahil pumunta na din si Mars sa bahay ng mga in-laws niya para ipaalam ang sitwasyon nilang mag-asawa. Nagulat ang parents ni Elle ng malaman nila ang nangyari at they made sure na pangangaralan nila ang anak pag naligaw ito don. Pinagpaalam na din ni Mars ang balak na pagsasampa ng annulment at kahit na hindi nila nagustuhan ang drastic move ni Mars, hindi din nila tinutulan ang lalaki, basta ang gusto lang daw nila ay wag ilalayo ang apong si Celine. Hindi naman ito tinutulan ni Mars dahil alam nito kung gano kamahal ng mag-asawa ang anak nila ni Elle. Pagkatapos nilang kumain ay sinundo na din nila si Liam sa center. Panahon na din sigurong makilala ni Marian si Mars. Ewan ba ni Irene kung bakit kinakabahan siya sa meeting na ito ng dalawa. Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ni Liam, kalaro nito ang mga bata sa center habang may isang social worker na nakabantay sa mga ito.
“Hi mommy! Kasama mo si Tito Mars, nasan si Celine?” masayang bati ng bata sa mga bagong dating.
“Hi Liam, nasa bahay si Celine e, ya mo next time, isasama ko siya dito para makapaglaro kayo.” Ginusot pa ni Mars ang buhok ni Liam.
“’lika tito, Sali ka sa’min, pakikilala kita sa mga friends ko.” Hinila ni Liam si Mars palapit sa kumpol ng mga batang naglalaro. Napakamot naman ng ulo si Mars at ngumiti kay Irene.
“Sige, pasok lang ako sa loob..” tumango si Irene at naglakad papasok ng center.

IRENE: The Right Route

April 14, 2009

“Kahit pa’no, alam mo na my intentions are pure at hindi ka one-night stand lang. You are way too beautiful for that.” Tahimik lang si Irene, tinitimbang nya ang bawat salita na binibitawan ni Mars. “..And if you would let me, gusto ko sanang manligaw, it may sound a little late for that pero I want to go through the right route, ayoko ko ng shortcut, tutal, mahaba pa naman ang oras natin, di ba?”
“Sige, just because, ayoko nang pahabain pa ang usap na to. Okay, fine.” Pairap na sagot ni Irene.
“O halika na, kumain na tayo at gutom na ko, miss sungit!” natatawa naman na sagot ni Mars.

hayan.. hayan eksakto ang nakikinig ko sa likod ko..

“anu nga.. anu nga.. anu nga..”

kung ikaw ang nasa tayo ko, makapagtrabaho ka kaya? ewan ko lang, siguro may super powers ka na pag kinaya mo!

“anu nga.. anu nga.. anu nga..”

bakit ba ko napunta sa sitwasyon na to? okay let me count the ways..

  1. walang cable ang TV namin today. walang cartoon network, walang disney channel..
  2. hambagal ng internet ngayon, susmaryosep!
  3. wala pa din ang PLDT, ang tagal, 1 month na.
  4. naalala ng anak ko ang Finding Nemo.

isa isahin natin. but before anything else, masabi ko muna kung bakit ako nawala ng matagal. lumipat kasi kami ng bahay di ba? March 22, 2009 Sunday, walang cable channel, walang internet, hayan, nailipat naman ako ng asawa ko.

yes. i know. i know. matagal na diba?.. eto na nga kung bakit..

una, nakilinya lang kami sa kabitbahay na internet shop dahil hampotang PLDT antagal naman talagang maglipat ng linya, busi busihan. and take note ha, may “lipat-linya” charges achuchu pa sila, not to mention ang walang silbing one month na kakahintay sa kanila ay babayadan ko pa din, kung hindi ba naman makapal din ang mga.. sus! heyblad na ko!

at wag nyo din banggitin sakin ang “e di kung asar na asar ka na jan, ipaputol mo!” hilaw! akala mo naman hindi ko naisip yun?! well, well, well.. times three daw ang babayadan ko dahil wala pa kaming one year! o ngayon, alam nyo na kung bakit mayaman pa din ang PLDT kahit wala na silang costumer at poor service pa? malamang, ikaw na yan mag-imbento ng sariling rules sa charges na kada utot ng costumer, may charge, ewan ko na talaga!

kung kada utot ng mga kliyente ko, lalagyan ko ng charge, mayaman na din siguro ako. hmm.. maitry nga, parang magandang business tactic yun.

at galit talaga ako, at sana kung kayanin netong blog ko na makarating sa PLDT, wish ko lang, vicky morales!

sabi nila, tataas ang rank mo sa search engines pag madalas mo banggitin ang keywords. ibig sabihin pag inoptimize ko ang page na to, may chance na makita to ng PLDT di ba?

PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT..

hayan, sana enough na yan. 😛

heniwey, kasi nakikabit lang kami, ibig sabihin limited din lang ang connectivity. ofis hours lang. kaya hinahapit ko na lahat ng trabaho bago maputol ang connection.

o game, hayun yung number one, kanina pang pikit-mulat ang cable channels dito sa TV namin, “undergoing some repairs” daw. in long, iba ibahin na naman nila yung mga channels dyan hanggang mabuwang ka kung nasan ang AXN at HBO. in short, price hike din ang cable service. 650 na.

after ng Holy Week, parang congested ang internet. hambagal bagal kala mo naghihintay ka ng kung anu. inorasan ko nga yung isa, umabot ng 3 minutes. sa internet life, lifetime na yun.

subukan mo tumunganga sa monitor ng three minutes.

yun number three, ayan basahin mo na lang sa taas, yun din un.

yung number four, dahil na nga sa kabatohan ng anak ko, combined with nakatungangang ina, nakita ang DVD ng Finding Nemo sabay hirit:

“mami, anu nga yung pangalan nun bird na white, yung nakatira sa water?”

“fish.”

“hindi. bird yun”

“e di bird.”

“hindi, yung white.”

“white bird.”

“hindi, yung white bird na nakatira sa water na kumakain ng fish. eto o!”

panu ko kaya makikita kung nakalapat na sa ilong ko yung DVD. alam ko, hindi ako nakakakita sa malayo, pero mey gad! nat dis klows plis?!

sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anung tawag, tsaka pag nagttrabaho ako, nabablangko talaga ang utak ko, minsan nga pati pangalan ko nakakalimutan ko na. kaya ayun..

“anu nga.. anu nga.. anu nga.. anu nga..”

hay..

when lifes a hell..

ey kenet teyk dis enimor!