IRENE: the awful truth

June 27, 2009

SA HOSPITAL NA NGA SUMUNOD SINA IRENE. Pansamantalang iniwan ni Mars si Irene para ihatid muna ang mga bata sa bahay ni Mars at mamaya na lang niya susunduin si Liam para umuwi sa dorm, tutal wala din siyang mapapag-iwanan dito. Kasama na si Irene ng inilipat si Marian sa private room pamula sa Emergency room. Nakapagpalit na ito ng hospital gown at ngayon ay mahimbing na natutulog. Saglit lumabas si Ruel para bumili ng makakain nila. Pumasok naman ang doctor ni Marian.
“Good evening po doctor.” Bati ni Irene.
“Hi, good evening, kanina pa bang natutulog si Marian?”
“Yes, doc.” Hindi na sumagot ang doctor at kinuhanan na ng vital signs si Marian kahit tulog ito. Pinulsuhan at may ibinilin sa kasama nitong nurse. “Well, stable naman siya for now, but I think I’ll confine her in the hospital for a while..” All doctors are like that, pag nafeel nila na ang kausap nila ay close sa patient, para bang automatic kelangan nilang mag-explain ng mga bagay bagay, which is tama lang naman kesa mangapa ang kaanak kung anong nangyayari.

Hindi din naman nagtagal natapos na ang pictorial, naglalakad na sila palabas ng simbahan ng may humawak sa kamay niya, si Mars. “Hi, beautiful, busy?”
“Nasan ang mga bata?” ngumuso si Mars sa likod nila. Kasunod nila si Inay Miling at si Liam kasama si Celine, nagkukuwentuhan ang mga ito. “Mommy, pwede ba tayo pumunta kina tito Mars? Maglalaro kami ni Celine ng PSP?” napatingin si Irene kay Mars. Bagama’t nakabalik na ang mag-ama sa dating bahay nila, minus Elle, hindi pinahihintulutan ni Irene ang sarili na pumunta sa bahay na yon. Parang nabasa naman ni Mars ang isip niya, “Better yet kids, punta na lang tayo sa mall later para makapaglaro kayo sa Toy Kingdom, okay ba yon?” nakathumbs up pa si Mars sa dalawa na masayang sumangayon sa idea ni Mars ng biglang nagkagulo sa bandang unahan ng sinusundan nilang pila.
“AYY! Si Marian!” sigaw ng tita ni Marian na halos kasabay nila Irene na naglalakad.
“God!” bulong ni Irene, pinisil niya ang kamay ni Mars at bumitaw para puntahan ang kaibigan. Bago pa siya nakaabot sa unahan, nakita niya na binuhat na ni Ruel si Marian pasakay ng bridal car, mukhang walang malay ang kaibigan. Hahabol pa sana si Irene kaso mabilis na umandar ang sasakyan paalis ng simbahan.
“Hon, kunin ko na yung auto, mabuti pa tawagan mo na muna si Ruel para alam natin kung san tayo susunod, okay?” marahang hinaplos ni Mars ang pisngi ni Irene. Bumuntong hininga si Irene, “okay, sige..” hinawakan niya si Liam sa kanan at si Celine naman sa kabila.

sa totoo lang, makakalimutin ako. yung hinawakan ko lang kanina, kalimut ko na yun after 2 hours. absent-minded din ako most of the  time kaya hindi talaga ko magiging reliable witness pag may nagsasakan sa harap ko.

kung feel nyo na may papatay sa inyo, wag kayong magtatatambay sa harap ko, siguradong walang justice para syo!

naiimagine ko na, ganito ang mangyayari sa imbestigasyon:
HEPE: Nakita mo ba kung anung nangyari?
GIE: opo.
HEPE: Ang suspek, idescribe mo.
GIE: uhm, ittry ko po ng bongggang bongga.
HEPE: Sige, try.
GIE: ahm, lalaki po yun, sure na.. uhm.. blue po ang tshirt nya, armani tapos levi’s po ang pants, straight cut, palagay ko yun yung sale sa ATC, around 1,500 last pair. tapooooosss, ah.. converse ang sneakers nya.. ah.. anu pa nga ba?.. ah alam ko na, bosing!!! Ck summer ang ferpum nya, at Axe limited edition ang deodorant nya, eto ang sure na sureness!

at least naman makakapagbigay ako ng lead, di ba? malay mo bumalik ang suspek sa ATC pag may sale ulit ang Levi’s?! sus..maning mani..

eniwey, sabi ng mga ekspert-ekspertan jan sa karinderya ni adrianne (hoy!mahal ng softdrink nyo dyan ha! imagine 15?!) dalawang klase ang memorya ng tao, isa ay visual na madalas, yun ang ginagamit natin di ba? to see is to believe? and sense memory.

naks.. 😀

siguro ako, taong sense memory, hindi visual kasi mas natatandaan ko ang mga bagay bagay pag naaamoy, nakikinig ko. tulad na lang nung isang taon, bago kami mag-away nung tatay ko, kakabili ko pa lang ng victoria secret’s romantic wish, ang ending tuwing naaamoy ko yun, naaalala ko yung araw na minura ko ng tatay ko!

maitapon na nga yang victoria secret na yan!..

and there’s this one time na magnnailcutter ako, pagbukas ko ng drawer naamoy ko yung sabon na masakit sa ilong, yun yung amoy nung sabon na napilitan akong gamitin nung kakalipat pa lang namin, na feeling ko ambaho baho ko buong maghapon. naalala ko tuloy na mataas na nga pala ang labahin ko..

ewan ko lang kung san ang connection..

ganun din pag maynakinig akong music, jingle, awit, at kung anu anu pa. tanda ko pa nga ang kanta nung nakipagbreak ako sa HS bf ko, crossroads by bone thugs and harmony.

“see you at the crossroads..crossroads..crossroads..”

samantalang hindi ko na tanda ang pagmumukha nung exbf ko kahit pa siguro magkatalisudan kami jan sa kanto.

hampota, batok yun sakin pag tinalisod nya ko! 😀

eto pa, yung kantang sway, hayan.. tanda ko din yan, lukring lukringan ako nung college. e eto, this I promise you? baduy na baduy ako sa kantang yan pero anu ka, yan na yan ang nilagay ng video editor sa wedding video namin. nalaman ko na lang nung pinapanood ko na sa bahay. hayan, ang best dapat na memory, kalakip ang baduy song. talk about karma!

ang weird pa dun, feeling ko mas epektib ang sense memory kasi with matching kilabot feeling pa, alam mo yun, pag naalala mo, hindi lang basta alala kundi parang nattransport ka sa naaalala mo. ganun!!

maalaala mo kaya?

maalaala mo kaya?

“Bestfriend! Congrats! Ikaw Ruel ha, ang bestfriend ko!” ginantihan lang siya ng matipid na ngiti ng kaibigan at sumandal sa dibdib ni Ruel na parang napagod sa mga nangyari.
“Marian, are you okay? Gusto mo ikuha kita ng tubig?” tanong ni Irene kay Marian, siguro ay naiinitan ang kaibigan, hindi naman kasi ito sanay sa formal attire at hate talaga nito ang mga social gatherings na katulad nito, parang may phobia sa madaming tao!
“No, I’m okay, sa reception na lang, malapit lang naman yung place. I think I just need to rest for a while.” Kumapit ito sa braso ni Irene na bahagya pang nagulat dahil sa init dito sa loob ng simbahan ay basa ng pawis ang kamay ni Marian at malamig ito.
“O sige, sabihin ko na lang sa photographer, bilisan ang pagpicture para makasakay ka na sa bridal car.” Binulungan ni Irene ang photographer. “Naku, miss, baka buntis ang kaibigan mo.” Kaswal na comment ng intrigerong photographer.
“Mabuti pa nga kung buntis manong, ang akala ko pa nga ho, walang matris yan, sa tanda na nyan, hindi pa nakakabuo, Huuuh! Sige na ho at bilisan nyo na yan, baka abutin na tayo dito ng Christmas!” sarkastikong sagot ni Irene.

Isang madali lang to..

June 13, 2009

naranasan nyo na ba yung magsulat ka ng kehaba haba na mga 10% na lang, tapos ka na at nag-uumapaw na ang puso mo ng sobrang kagalakan dahil mamimeet mo ang deadline tapos biglang mag hang ang computer?

hang. nada. yung tipong andyan lahat ng pinaghirapan mo ng kulang kulang tatlong oras para isubmit sa mahigit isang oras na lang–hindi gumagalaw na parang nacoma pero dilat na dilat. parang demonyong inaasar ka pa..

hindi sana ko magkakaganito kung nagsave lang ako..

hay, purong katangahan.. 😦

kaya eto ako, nagwala, binugbog ang p*****g cpu. heyup..

aminin nyo, nambugbog na din kayo ng cpu.. hmm, aminin..

anung ginagawa ko ngayon dito? eto, nagpapalipas ng sama ng loob, nagpapakalma para makapag isip ng magandang diskarte. nakasave pa naman lahat sa utak ko kung anu anu yung pinagsususulat ko dun kaso, baliktadin ko man ang mundo, hindi ako aabot.

kaninang umaga, iniregister ko na etong blog na ito sa blog catalog, balak ko sana magsulat para dun sa isa kong blog na english speaking, kaso baka wala na kong time. mga 2 months ko na din yung hindi nasusulatan. hay..

ayan, ready na ko direk.. 😉

ready na direk

redi.. aksyun!


kung ang blog ay halaman, malamang tuyot na ang akin.

ang sama pakinggan.. 😉

kung ito naman ay isang membership, expired na ang akin.

AT!, kung ito ay tao, patay na ang akin.

Opo, inaamin ko, hindi na ko nakakapagpost, ni hindi ko na nga ito nadadalaw. kasi naman, simula nung lumipat kami dito sa mala-lungga ng daga naming bahay, parang feeling ko hindi ako makahinga. yung pag nalulunod ka na, parang pasinghap singhap ka na lang.

actually, last month ko pa balak magpost ulit, kahit yung novel man lang, kaso nga, wala na ko laging time. tambak ang trabaho tas tumabi pa yung TV sa computer. kung dati ang lagi kong reklamo e hindi ko na kilala ang mga artista ngayon, ABA excuse me, updated na po ako ngayon! gusto mo ba ng detailed na storya ng katrina-hayden? gives ko yan sayo, blow by blow! pero in all fairness, nakakaawa ang lolo mo kahit na manyak na manyak ang hitsura nya sa mga sex videos ha!

..uu napanuod ko, at kahapon lang!..

..un nga, in all fairness. hindi din naman nya siguro ginusto na makita ng sambayanang pilipino ang kanyang “itinatagong yaman” at pati na ang sa mga partner nya pero hayan, nabuyangyang na nga. hindi na ko magtataka kung mabalitaan ko na namental na itong lalaking ito.. hayan, enough na hayden, let’s move on.

so anu bang ginagawa ng isang giselle santos ngayon? eto naghihintay ng oras. may oras kasi ang trabaho ko ngayon, kumbaga sa swimming, kelangan synchronized kami nung boss ko. nalululong ako ngayon sa facebook at pet society kaso laging nabibitin ang pagpet ko sa pet ko kasi may deprensha daw ang video card ko. hay.. kung gusto nyo ko maging friend sa facebook, hayan sa sidebar ang badge ko, i-add nyo ko, now na, at magfacebookan tayo! 😀

namiss ko talaga to, sana makabalik ako bukas, bat fer naw, ey heb tu gu.. 😦

bakit ba ganyan?!...

bakit ba ganyan?!...