of Memories and Senses..

June 25, 2009

sa totoo lang, makakalimutin ako. yung hinawakan ko lang kanina, kalimut ko na yun after 2 hours. absent-minded din ako most of the  time kaya hindi talaga ko magiging reliable witness pag may nagsasakan sa harap ko.

kung feel nyo na may papatay sa inyo, wag kayong magtatatambay sa harap ko, siguradong walang justice para syo!

naiimagine ko na, ganito ang mangyayari sa imbestigasyon:
HEPE: Nakita mo ba kung anung nangyari?
GIE: opo.
HEPE: Ang suspek, idescribe mo.
GIE: uhm, ittry ko po ng bongggang bongga.
HEPE: Sige, try.
GIE: ahm, lalaki po yun, sure na.. uhm.. blue po ang tshirt nya, armani tapos levi’s po ang pants, straight cut, palagay ko yun yung sale sa ATC, around 1,500 last pair. tapooooosss, ah.. converse ang sneakers nya.. ah.. anu pa nga ba?.. ah alam ko na, bosing!!! Ck summer ang ferpum nya, at Axe limited edition ang deodorant nya, eto ang sure na sureness!

at least naman makakapagbigay ako ng lead, di ba? malay mo bumalik ang suspek sa ATC pag may sale ulit ang Levi’s?! sus..maning mani..

eniwey, sabi ng mga ekspert-ekspertan jan sa karinderya ni adrianne (hoy!mahal ng softdrink nyo dyan ha! imagine 15?!) dalawang klase ang memorya ng tao, isa ay visual na madalas, yun ang ginagamit natin di ba? to see is to believe? and sense memory.

naks.. 😀

siguro ako, taong sense memory, hindi visual kasi mas natatandaan ko ang mga bagay bagay pag naaamoy, nakikinig ko. tulad na lang nung isang taon, bago kami mag-away nung tatay ko, kakabili ko pa lang ng victoria secret’s romantic wish, ang ending tuwing naaamoy ko yun, naaalala ko yung araw na minura ko ng tatay ko!

maitapon na nga yang victoria secret na yan!..

and there’s this one time na magnnailcutter ako, pagbukas ko ng drawer naamoy ko yung sabon na masakit sa ilong, yun yung amoy nung sabon na napilitan akong gamitin nung kakalipat pa lang namin, na feeling ko ambaho baho ko buong maghapon. naalala ko tuloy na mataas na nga pala ang labahin ko..

ewan ko lang kung san ang connection..

ganun din pag maynakinig akong music, jingle, awit, at kung anu anu pa. tanda ko pa nga ang kanta nung nakipagbreak ako sa HS bf ko, crossroads by bone thugs and harmony.

“see you at the crossroads..crossroads..crossroads..”

samantalang hindi ko na tanda ang pagmumukha nung exbf ko kahit pa siguro magkatalisudan kami jan sa kanto.

hampota, batok yun sakin pag tinalisod nya ko! 😀

eto pa, yung kantang sway, hayan.. tanda ko din yan, lukring lukringan ako nung college. e eto, this I promise you? baduy na baduy ako sa kantang yan pero anu ka, yan na yan ang nilagay ng video editor sa wedding video namin. nalaman ko na lang nung pinapanood ko na sa bahay. hayan, ang best dapat na memory, kalakip ang baduy song. talk about karma!

ang weird pa dun, feeling ko mas epektib ang sense memory kasi with matching kilabot feeling pa, alam mo yun, pag naalala mo, hindi lang basta alala kundi parang nattransport ka sa naaalala mo. ganun!!

maalaala mo kaya?

maalaala mo kaya?

Advertisements

3 Responses to “of Memories and Senses..”

  1. ever Says:

    ganun din ako lalo na pag may hawak akong isang bagay..siguro ang pinakamarami ko nang naiwan at nalimutan ay ang payong.madalas ko itong maiwan sa sasakyan.pangalawa cellphone.

  2. Liza Says:

    Naku Gie, parang pareho tayo. Sobrang makakalimutin din ako, biro mo one time. I prepared my son’s luch for school tapos d ko pala nalagyan ng spoon and fork.Ayun, di nakain ang lunch. Sobrang guilty ko!

  3. novelitas Says:

    haha, nangyari na din yan sakin, saktong sakto! tas galit na galit yung anak ko nung umuwi kasi nagutom daw sha! nagalit sakin maghapon ang muret na yun!=D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: