2nd hit this week
July 23, 2009
magpapadasal ako mamaya, pagkatapos ko magblog.
bakit? kasi dalawang beses ako nakapagpost dito sa novelitas. o di ba, himala yun? pangalawa, nadalawahan ako ng kamalasan ngayon week and to think na thursday pa lang, anu pa kaya ang meron?
anu pa nga ba Lord?
mas maganda sana kung sinasabi na ni Lord kung anu ang kasunod anu? para naman ready ka na bago mangyari. I mean, ako, hindi naman ako lalaban kung yun talaga ang dapat mangyari, wala naman akong balak baguhin ang mundo, gusto ko lang sana informed ako, para hindi ko na kelangan manghingi pa ng signs.
ang gusto ko lang naman, alam ko kung bakit nangyayari para naman mas maintindihan ko ang mga bagay bagay. nakakapagod na kasi manghula.
isa pa, hindi naman ako si madam auring..
unlike yung nauna kong post, hindi ko pde sabihin kung bakit. pero isa lang masasabi ko..
pde bang ampunin nyo na ko?
pramis hindi po ako malikot. mabait po talaga ako. tska kung may mang-aaway syo, ako na bahala. pramis po, ampunin nyo lang ako.
sa totoo lang, stressed na ko. stressed na stressed. gusto ko na lang bumalik sa dati ang buhay ko. tahimik, nag-iisa, masaya sa piling ng mga taong lab ko. wa ako care kung hindi ako kumain, kung hindi ako matulog, kung hindi na ko makaligo, kasi yun ang gusto ko.
pero heto na naman ako ngayon.. naipit sa isang bagay na hindi ko gusto.
sa totoo lang, humingi naman ako ng sign (chempre, anu pa nga ba, lagi naman) at sumagot naman sha, kaso yung sagot nya, tinatamad akong gawin.
una, ang sagot na ito ay nag-uutos na lumabas ako sa comfort zone ko. pero kung iisipin ko, anung comfort zone, e sira na nga?! gone. nada.
next, etong sagot na to, kelangan ko mag-isa ng matagal sa malayong lugar. pero kung iisipin mo, baka kelangan ko nga din naman mag-isa sa malayo para hindi na ko mastress.
last, magastos. magastos. magastos. tas kelangan ko pa magbitaw ng ibang trabaho. magastos na, mawawalan pa ko ng kita. pero kung iisipin mo, pde pa din naman magtrabaho at ituloy ang ibang trabaho kahit nasa malayo ako. may mawala man sakin, konti lang.
ang hirap noh? kayo sa tingin nyo? should I stay or should I go?
“God didn’t promise days without pain, laughter without sorrow, sun without rain, but He did promise strength for the day, comfort for the tears, and light for the way.” –anonymous