Injustices Abound

July 21, 2009

kung may highest form ng pagkaasar sa araw ng Tuesday, July 21, 2009, eto na yun. todo na tong sakin. bakit ang hindi, eto na naman ang aking “arch enemy” sa kanyang patersyo tersyo. kung ikaw ay kapamilya ko maiintindihan mo ito, kung hindi naman maki-“ride” ka na lang.

tatlo kasi kaming magkakapatid, kung ang tatanungin ay kung iisang pek*** ang nilabasan namin pero ever since, walang justice. wala.

yan ang dahilan kung bakit ako umalis sa magaling kong ama, kasi hindi ko talaga ma-take na.

hindi ko na ma-take na ako ay mistulang alila sa lumulubog na sa utang na auto supply, hindi ko ma-take na ang kapatid ko ay sitting pretty lang sa kanyang pad sa manila at may gana pang manilip/manira/at talagang walang respeto ang put***bibig na yan na akala mo katulong ang kausap kahit na nga makuba kuba na ko sa pagpapatakbo ng negosyo nila, hindi ko na ma-take na makaipon ka lang ng konti ang tingin na sayo nagnanakaw ka. hindi ko na kaya.

ayoko na. taas kamay, taas paa.

last year yun, umalis ako, lumayo at sa totoo lang, ni kahit minsan hindi kami nagface to face ng ama ko, ever. isang taon na trinabaho ko kung anung meron ako ngayon, trinabaho ko ni kaliit liitan na detalye ng buhay ko. trinabaho ko na hindi ko na sila makita kelan man. at sa totoo lang, kung ako din lang ang masusunod, wala na kami dito sa Laguna.

kaso nakiusap ang asawa ko, dito na lang daw muna kasi madami pang aayusin dito; when I know kung anu talaga: gusto nya mabigyan pa ng chance na magkabati kami nung mamang yun. ang hindi nya alam, MASAKIT NA MASAKIT PA DIN SAKIN ANG LAHAT. at hindi ko alam kung kaya kong magpatawad dahil sa totoo lang, mahirap magpatawad sa taong hindi naman humihingi ng sorry.

I know, madami ang magagalit sa post ko lalo na yung mga nagmamahal ng bonggang bongga sa mga ama nila. pero pagbigyan nyo din ako, bakit kung take ko ba, sa tingin nyo, andito ako ngayon? hindi naman siguro anu?!

alam ko na yan. as usual, nagrerebelde na naman ako. hindi ko iniintindi ang ama ko. at ang pinaka bongga sa lahat, ama ko yun dapat give lang ng give. sa lahat ng mga taong kaya nyong itake ang kamartiran, go. saludo ako sa inyo.. go for the gold. .keep up the good work.. aim high, pinay..o pinoy..

eto ang dahilan kung bakit ako lumayo, eto ang dahilan kung bakit ako naging writer. eto ang dahilan kung bakit ngayon, sinusunod ko na ang mga pangarap ko at hindi kung anu ang tama para sa iba. bakit? kasi sawang sawa na ko sumalo ng mga problemang hindi akin, hindi naman ako nabeberi gud.

injustices abound. kasi nman kahit magtago ka na sa kanuknukan ng mundo, dadalawin ka pa din ng kabwisetan sa buhay!

yun lang.

Advertisements

2 Responses to “Injustices Abound”

  1. ever Says:

    daanin mo nalang sa pagsusulat..mas maganda kasi minsan pag di na talaga kaya kailangan mong isigaw…yung malakas labas ang litid at talunin ang tenor sa pagsigaw.

  2. novelitas Says:

    hindi pdeng sumigaw, magagalit ang kapitbahay ko!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: