anupa nga ba, e di 3rd hit!

July 25, 2009

san ko nga ba nakinig yun? na ang malas, tatluhan lagi kung dumating? kung totoo yan, eto na, dumating na yung pangatlo ko, kelangan ko na ba magsaya? o meron pa bukas? saturday pa lang, may buong sunday pa.

mabuti pang lamunin na ko ng lupa!

sa totoo lang, kung malas lang naman ang tanung e dalawa pa lang talaga pero kung kabadtripan ang ibibilang, araw araw na ito.

o baka naman may kabitmalas kami ngayon linggo kaya ganito?..

kahapon din mainit ang ulo ko, dapat nga magpopost na din ako kahapon pero nawalan lang ako ng gana kasi hindi naman ganu matindi. kaso ngayon nga, eto, kaya hello novelitas na naman ako.

hay buhay.. kelan kaya babalik sa dati?

kahit san ata magtago ang tao, dadating pa din ang kabwisitan sa buhay nya. pupuntahan ka na nito sa lungga mo. wala ka tlgang takas. siguro ito ang way ni God para mlaman kung buhay pa tayo.

pag umaaray, pag nagmumura.. ah, buhay pa.

sa kabilang banda, may nagbubulong sakin na kung hindi ko pa susundin ang sign e padami pa ng padami ang isasampal sakin na evidence.

e bakit nga ba ayaw ko?

ikaw, kung sakali lang, inabot ka na ng 9 months bago mo naayos ang buhay mo, masaya ka naman sa trabaho mo, sa buhay mo, sa pamilya mo tapos dumating ang isang sign na nagsasabi syo na iwan mo lahat, kaya mo kaya?

kaya mo kaya, magsimula ulit? kaya mo kaya iwanan ang mga bagay na hindi naman mali? kaya mo ba ipagpalit ang buhay na pinaghirapan mo buoin para sa isang buhay na hindi mo pa sigurado? at ang pinakamatindi, kaya mo pa kayang magsimula ulit ng bago?

ang problema, feeling ko, lahat ng forces ay working against me. lahat. sa trabaho, sa pamilya..

nagpapasalamat na nga lang ako may mga kaibigan ako na nagmamahal sakin, kung hindi, hindi ko na talaga alam kung san ako pupulutin. at least, alam ko na kung sakali makidnap ako, tutubusin ako ni tez, kaso installment. ang sabi ko naman, wag na lang, baka installment din ako ibigay sa kanya. buti na lang, napag-usapan na namin yan kagabi.

sana next post ko, masaya na ulit. ayoko na maging malungkot, pumapangit na ko. sobra na ito. pramis, sa monday, tatawag na tlaga ko, tigilan na lang ako ng mga signs na yan.

Advertisements

8 Responses to “anupa nga ba, e di 3rd hit!”

  1. ajaay19 Says:

    hello hi very well u have written wish u allde best

  2. novelitas Says:

    feeling ko naligaw to. hehe.. =D

  3. ever Says:

    natawa ako sa reply mo dun..aun oh nasa unahan.he he he.

    p.s.
    pinapasmile ka.:)

  4. rhonna Says:

    hi,i’m just wondering if you’re enrolled or studying writing novels. gusto ko rin sana but i can’t seem to find a writing course being offered in the Philippines. Meron ba? do let me know. thanks…=)

  5. novelitas Says:

    @ ever, umulit pa yan.. tsk, tsk. pinagbigyan ko na nga. atat ata sa link. =D naku, erase erase. ang bad ko, kaya ako nakakarma!

  6. novelitas Says:

    @ rhonna: hi, PM you in FB. thanks. =) gudluck sa ating dalawa! =)

  7. eMz Says:

    oo nga, tama na yan at nakakapangit ma-depress! XD

  8. novelitas Says:

    @ emz, talaga! kaya nga nagshopping therapy ako kahapon. hehe, kahit panu nabawasan ang sama ng loob ko. hehe.. =D


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: