of life and losyangs..

August 4, 2009

nung isang araw pa kong kating kating kati magpost ng entry kaso sa hindi ko malamang dahilan, sobra akong tamad. kung ako lang ang masusunod, facebook at blogs na lang ang aatupagin ko kaso ang problema, may quota kasi akong sinusunod. hangga’t hindi ko pa sha nammeet, hands off muna ko sa mga pangsariling kaligayahan.

kung kaya ko lang gawin yan sa facebook.. 😉

adik. ako’y isang adik sa facebook kahit pa nga englishan sila ng englishan dun. ako? tagalog lang, bakit ba, kebs ko lang sa kanila. san ka naman nakakita na naguunwind ka na nga, pahirapan mo pa sarili mo? shempre nag eenglish din naman ako dun, pag talagang hindi ko alam ang tagalog term tsaka pag may nang-aaway sakin.

sa totoo lang, wala naman akong problema ganu sa english, dangan nga lamang at ako ang nahihirapan sa mga trying very hard mag english dun e pde naman magtagalog. alam mo yun, magsagutan pa ba sa comment box:

commenter 1:  wow gosh, funny naman ur pics.
commenter 2: like yeah! I have some more pa nga here.
commenter 3: I was panget pa here. LMAO
commenter 1: LOL
commenter 3: nice naman. i like it. LMAO
commenter 2: LOL

mahabang LOL at LMAO pa yan.. pero wag na lang, dito pa lang feel mo na di ba? constipated na. at isa pa, inedit edit ko na yan para hindi naman ako patayin ng mga kaibigan ko dun. shempre naman, naiintindihan ko pa din naman ang situation nila. pressure lang ito, pure peer pressure. hay..

maganda lang sa facebook, madaming games. sa ngayon, nauubos na ang oras ko sa pet society, resto city, sorority, fish-a-fish. tag team na nga kami ng aking partner in crime.. sinu pa ba e di si aling robi. at dahil 2 weeks na kong adik adik, dalawang linggo na din akong hirap na hirap imeet ang weekly quota ko. talagang pinasasampa ko na lamang sha at goodbye work na, hello facebook pa! nyahahah.. 😀

hmm, ang sarap sarap magmuni muni pag ganito ang panahon.. malamig, umuulan ulan, sunday at DWRK ang background..

ay!! bago ko pala makalimutan, maishare ko lang sa mga napadaan sa blog ko na nasa ibang bansa, kung namimiss nyo na ang radio stations ng pinas, icheck nyo to:  e-radioportal. walang tricks yan at hindi din ako magkakapera kung pupuntahan nyo ito, natuwa lang talaga ako. wala kasi akong radio kaya sa computer lang ako nakikinig. kung kayo ay natuwa, itaas ang kamay at palakpakan si george lim na nagbigay sakin ng link na yan. hehhe.. 😀 *clap* *clap*

of life..

madami akong realizations ngayong week, isa na dito ang:

“may mga bagay na kelangan mo na lang tanggapin para makamove on ka naman..”

hindi naman tayo laging panalo, kahit pa siguro ganu kalakas ang backer ko kay God, ganun tlga. ako naman ay naniniwala na lahat ay nangyayari sa tamang panahon, minsan lang talaga nakakainip maghintay. nung isang linggo, may isang bagay na pakiramdam ko isinungalngal na sakin, tanggapin ko lang. isang linggo akong naghanap ng signs pero litong lito ako kasi iba iba ang binibigay nya, yun pala hindi yun ang kelangan nya sa akin, ibang bagay pala. meron pala akong dapat marealize kaya ganun, o meron dapat mangyari at kumbaga “walang personalan”.. kaya eto ako, going with the flow.. in time, maiintindihan ko din yan lahat lahat.

of losyangs..

kung meron siguro akong kinakatakutan sa lahat, yun e yung tumanda akong losyang. o kahit batang losyang, ayaw ko. ako, hindi ako ma-makeup, hindi din ako maarte, bumubili lang ako ng damit pag luma na yung sa akin, ang last mani-pedi ko nung nagdebut yung kapatid kong hitad at 21 years old na sha ngayon. bihira din akong bumisita sa parlor kasi naririndi ako sa mga parlorista na wala ng ginawa kundi bentahan ako ng kung anu anu e magpapagupit lang naman talaga ako.. pero ang ayoko lang talaga, yung tumaba ako ng sobra sobra, mangamoy suka cologne ako at mangamatay ang kuko ko na kahit apo ko mandidiri sakin. sabi ko nga, kung magiging ganun din lang ako, kunin na ko ng maaga sa mundong ibabaw habang fresh pa ko.

may nakausap ako na ale, one on one, heart to heart. aminado sha na losyang sha. inamin din nya sakin na pinabayaan nya na lang na maging ganun sha nung nalaman nya na may kabit asawa nya. ang kanya daw, papalitan din naman pala sha kahit na nag-aayos sha. panandalian akong hindi umimik..

para sakin kasi, ang alagaan ang sarili mo ay dapat gawin mo para sa sarili mo, hindi para sa asawa mo. kesihodang mangbabae sha, kesihodang makating makati tlaga sha, wa aketch care. naliligo ako araw araw kasi ayokong naaamoy ang sarili kong mabaho. nagddeodorant ako kasi ayokong magpawis ang kili kili ko. bumibili ako ng usong damit kasi bagay sakin. ako lang, gagawin ko ang magpapasaya sa sarili ko, hindi yung magpapasaya sa iba. kung magiging masaya ang iba sa ginagawa ko, hindi na nila kelangan magthank you kasi hindi naman para sa kanila yun.

isa pa, obligasyon mo yan sa sarili mo, ang maging maayos ka. hindi mo gagawin yan para mang-akit ng lalaki/babae. panu nga naman kung hindi na sila naaakit syo, titigil ka na din bang mag-ayos? hindi dapat.

shempre ako pa, hindi din naman ako nakatiis. pag-alam ko kasing mali ang pananaw mo, dahan dahan, ipapakita ko syo ang light. kung ayaw mo tingnan, sige lang, pero alam ko na lahat ng sinasabi ko, marerealize mo din pagdating ng panahon, kahit ganu kasakit. e di hindi nga nakatiis ang laitera mong lola, sinabi ko na, na dapat hindi ganun. shempre, with care ang pagsasabi neto..

“you know ma’am, it should not be that way. keeping yourself in good condition is your obligation to your sarili, not to your pekpek..”

ewan ko, pero she refused to see the light. ang sabi sakin, hindi naman daw kasi sha binibigyan ng pera ng asawa nya para magpaganda. para bang sinisisi nya ang asawa nya kung bakit naging ganun sha..ang sagot ko naman,

“why don’t you get a trabaho then, instead of making asa to that salawahang asawa of yours? then, you’ll have pera to spend for kakerengkengan.”

ang sagot,

“no can do, too old. don’t know how. besides, it’s my bangkerong husband’s obligation to give me datung. that’s what I made sama to him for nuong unang pahanon.”

sa loob loob ko,

“oh. that’s why.”

oh. that’s why. kung bakit umabot pa ng 4 ang anak ng asawa nya sa kabit nito, that’s why. that’s why humanap ng japayuki ang asawa nya, yung japayuking may sariling diskarte sa buhay at ngayon, bonggang gerlalush na ang lola with money to spend for kakerengkengan. that’s why. this losyang girl on the other hand, walang choice (nga ba?) kung hindi umasa na lang ng biyaya kay bro.

hindi naman sa binibigyan ko ng reason ang mga lalaki na iwan ang mga asawa nilang losyang. ang sakin, dapat siguro tayong mga girls ang gumawa ng paraan para maging happy tyo at bongga, may lalaki man o wala. hindi naman dapat nakasalalay sa iba ang pananagutan mo sa sarili mo. sa panahon ngayon, wala ng libre, kelangan kanya kanyang diskarte.

ang ending..

eto na ata ang pinakamahabang post ko dito sa novelitas. ilang beses ko din itong na-save draft kasi paputol putol ang pagsusulat ko. pde naman na tatlong piraso pero feel ko, kelangan isambuo talaga ang entry na to para may sense.

adik pa din ako sa Facebook. ganito kaaga, nagfFacebook na ko. kelangan ko na talaga mag-implement ng isang malupit na time management, pramis! hayzz..

I tried helping the losyang girl by introducing her to the world again, kaso sa tingin ko sobrang late na. and, kamusta.. hindi naman ako good samaritan. well, siguro kung nga sha hindi nya kayang tulungan ang sarili nya, ako pa?

FYI..

this losyang girl, hindi naman sha ganun katanda, and may talent naman sha kung gugustuhin lang nya, pde naman sha magkapera. medyo takot nga lang mapagod.

hengeng pera..

hengeng pera..

photo credit: http://news.bbc.co.uk/ thank you po. 🙂


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: