hay stressful..

August 15, 2009

alam ko na kahit walang magsabi sakin na stress calculator, mataas talaga ang stress levels ko ngayon. ikaw kaya, ikulong ka ng kasama sa isang maliit na lungga ang taong kinakaestressan mo? 24/7, 7 days a week as in isang dipa lang ang layo nyo from each other, hindi ka kaya mamatay sa asar?..

.. hindi mo naman pdeng sigawan, awayin, ganutan, salaulain, sampalin, tadyakan, murahin, kurutin sa singit, sitahin, palayasin at kung anu anu pang dahas na posibleng gawin sa kaaway mo. feeling ko tuloy nasa survivor philippines ako:  “patigasan ang labanan!” hay leche!

buti pa pag ang kaaway mo, asawa mo, pde mo shang ganutan hanggat gusto mo. pero naman, bakit naman binigyan ako ng ganitong pasakit?! bakeeeeeeettttt?!

anyway, eto ang aking stress level, look.

magtaka pa ba ko?!

magtaka pa ba ko?!

kung gusto nyo din malaman, o may pagdududa pa kayo sa stress level nyo, eto ang link: 

http://www.healthlinkbc.ca/kbase/mm-doc/calc0/calc008.htm

hay bakit ba kasi stressful ang life, pag ako naasar sasama na ko sa pagudpud, 3,300 lang daw per head, tas magpapaiwan na ko dun. magiging sirena na lang ako for life, pramis!!

Advertisements

15 Responses to “hay stressful..”

  1. ever Says:

    ayos toh!

    health interactive..:)

  2. gie Says:

    uu nga, maganda yan. yung sayo nacheck mo na?.. 😀


  3. paano kung sasama din sa pagud-pod ung kina-e-estesan mong tao? magiging serena ka nga magiging shokoy o shokay naman siya. anong gagawin mo?

    ahihihi

  4. gie Says:

    Hindi bale, lilipat na lang ako ng isla, madami naman dun, tabi tabi. at least yung tubig malawak, etong bahay namin ang liit lang. 😀 konting hinga mo, kinig.

    salamat sa pagbisita, balik ka ulit ha. 🙂

  5. misty Says:

    Hi gie salamat sa bisita, gaya ng comment ng isang filipina sa post ko, mas okay daw pala pag foreigner ang in-laws hehehe.. deadma mo na lang yan, sige ka papangit ka nyan..

  6. gie Says:

    ang galing ni mommy misty, nahulaan kung sinu. hahah..:D 2 weeks ko na iniingatan bumanggit pero yes, sha na nga yun.

    kung sinu man yung nagcomment na yun, aba’y saktong sakto. kung alam ko nga lang yun nung bata pa ko e di sana foreigner na lang din ang kinuha ko. blue eyes pa anak ko. ahhah..:D

    sabi ko nga sa anak ko, pag kukuha ng asawa, sa ampunan na lang humanap para walang inlaws! 😀

  7. p0kw4ng Says:

    hihihi parang naiimagine ko ang itsura mo lagi dyan sa bahay nyo…wag papaapekto at nakakapangit yan!

    salamat sa pagdaan sa bahay ko!

  8. cindyrella Says:

    teka sino ba yang kasama mo? ang hirap ng ganyang sitwasyon ah, kakasuffocate yun lalo na kung isng dipa lang layo niyo sa isa’t isa… hehe! gud luck!

  9. gie Says:

    @pokwang, naku wag mo na ko i-imagine, hampanget!! hahah.. 😀 dito nga lang ko sa blog at sa Facebook nakakatawa. awww.. lebyu guys! 🙂

    @cindyrella, sa kasamaang palad, isa ako sa mga minalas sa inlaws. o baka naman ako pala ang may problema.. hay, buhay. hindi lang siguro ko sanay ng may nakekelam sakin. sinabi mo pa, sakal na sakal na talaga ko. 😦

  10. deejay Says:

    “mild stress” lang daw ako. ahehehe! pero parang di totoo. 😛

    hi gie! *waves*

    love the description: “para sa mga kulang sa romance.” me: present!

  11. gie Says:

    wah! master deejay, thanks sa pagdaan sa aking malanding tahanan! ahihihi.. si chard pala ang bagong victim mo, lagot ka kay tita anabil! hahha.. 😀

  12. sows Says:

    haha..preho tau ng results…uber stressed aketch..

    feeling close? haha..

    😆

  13. novelitas Says:

    naku okay lang yan close-close! family naman tayong lahat dito! ahihi.. 🙂 salamat sa pag bisita kahit luma na aking post..

  14. deejay Says:

    uy, antagal nang walang update! hehehe! 😀

  15. novelitas Says:

    uu nga master. huhu.. naggguilty na nga ko. 😦


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: