GUILTY!

February 13, 2010

ganito pala ang pakiramdam kapag months ka na hindi nakapagpost sa blog mo.. nakakaguilty..

hindi ko maexplain, actually. ngayon ko lang nafeel ito. kakaiba. lalo na nung nakita ko ang stats ko.. nakanang! imagine, may 31 taong bumisita ng blog ko kahapon lang! my goodness! at nasan ako ng mga panahon na yun? nasan?! NASAN?!!!!

nasan nga ba si gisela?.. sa haba na ng ikkwento ko, hindi ko na alam kung san magsisimula. nung huli akong nagpost, ni wala sa hinagap ko na magiging ganito ang life ko come February 2010. as in.. walang wala. sa natatandaan ko, ang pinag-iintindi ko pa nun ay.. EAR WAX.ngayon, isang daan at isang laksang alalahanin na ang nasolb, nabreak, namrublema pa ng bonggang bongga at iisipin pa bago matulog. sana kung hindi ko man masabi lahat sa post na ito, sa mga susunod na araw, magawa ko din.

sabi ko nun inumpisahan ko ang blog na ito, magiging honest ako. kasi naman kalahati ng mundo, hindi tlaga alam kung nasan ako, kung anu ang ginagawa ko. sa totoo, ang nakakaalam lang tlaga ay tatlo. kaso mahirap pala, lalo na at nakalink ang blog mo sa facebook mo! kaya sorry na lang, hindi  muna tong post na to, maybe next time, after few modifications.

speaking of Facebook, nawawala din pala ang gana anu? impeyrnes, halos 6 months din akong adik dyan pero ngayon, nung dumami ang friends ko, parang ayoko na magiistatus dyan. parang ang plastik na kasi ng sasabihin ko, hindi tulad ng dati, free as a bird! part of the reason siguro kung bakit nagbabalik loob na ko sa blog ko. 🙂

may balak din akong gawing private na ito, parang diary na lang. yan.. pag-iisipan ko pa. siguro pagna-launch ko na ang forever dream ko na food blog, baka sakaling iprivate ko na ito..

may isang taon na pala ang blog na to, mantakin mo, hindi ko man lang namalayan! last year, andito din ako, tumitipa. kasi, tanda ko depressed na depressed ako. bukas birthday na ni mama tas sa monday, death anniversary na nya. eto ang post ko last year:  I miss my mom

shempre namimiss ko pa din sha, kung hindi ba naman, maghahanap ba ako ng morcon nya na hindi naman ata morcon ang tawag sa authentic filipino cuisine kundi mechado! bakit ba, e kung morcon ang tawag ng ina ko, pakelam ko sa authe-authentic na yan! kahit san ko mabalitaan na may nagbebenta ng morcon, andun ako, nagttry. sadly, wala akong mahanap na kaparehong kapareho ng luto nya. hay. 😦

sa monday, 2nd death anniversary nya. masama bang aminin kung sasabihin ko na isang taon na kong hindi pumupunta sa memorial para bisitahin sha? totoo, ang huli ko na ata ay yung araw ng patay 2008. ewan ko ba, ayoko lang tlaga pumunta dun. ayoko.

bukas kelangan ko pumunta. bakit? kasi kelangan nya na malaman na magkakaapo na sha ulit at sa susunod na araw ng mga patay, makikilala na nya ang pinakahihintay nyang second apo. sayang lang at hindi nya inabot..