kahapon yun. somewhat memorable sha kasi ang dami dami dami kong feelings na naexplore kahapon. umpisahan natin sa umaga.

THURSDAY MORNING 6:30AM:Β  ginising ko si senyorita robi, alam kong hindi kakain ang bruhitang ito kaya hindi ko na din sha ginigising ng maaga, sayang lamang ang oras kung sobrang aga ko pa sha gigisingin di ba? ewan ko ba, these past few days, hindi sha kumakain, para bang naghhunger strike..

o may nararamdaman shang kakaiba, kapares ko. ako, simula’t sapul, alam ko na, na ang anak ko–soulmate ko. pag kasi may nararamdaman akong hindi maganda, parang kakambal–ramdam din nya, kung anu man yun. anyway..

hindi pa ko kumukurap, to make that “exact”, naghihintay pa lang akong magload ang page ng Facebook ko, eto na ang muret sa tabi ko, tapos na daw sha maligo.

huwaaattt?!!!…..

shempre, nagdududa na ko sa kanya, aba bali pang third day na nya ginagawa sakin yun, napakabilis maligo kaso thursday morning ang record breaker! binihisan ko habang ginigisa gisa ko na unti unti.. kaso lang, nung nakita kong maamos angΒ  mukha, un na, hindi na ko nakapagpigil!

to make the long story short, nagwala ako, nagtago sha, may nakelam, pumasok sha ng school, at ako? gusto ko ng manipa ng tao palabas ng bahay..

alam mo, I’m trying naman e, trying very hard dahil I care for my husband, pero a girl like me can only take so much. inuulit ko, hindi ako santa, not even a good samaritan. sana naman, take that into consideration bago ako tuluyang makapambastos, and this goes to the “nakelam”. ang masasabi ko lang, I think overstaying should be considered as a crime therefore should be punishable under the law. πŸ˜‰ live your own life naman, please lang. at sa mga tao sa pamamahay nya na naging mitsa ng kaguluhang ito sa buhay ko, utang na loob, ayusin nyo ang buhay nyo. my gad!!

fast forward 10:30AM: Β  soooooooo happy. at last, after 2 looooooong years, nakapagdate din kami ng dyowa ko. imagine that? 2 years na never kami nakalabas ng kaming dalawa lang until yday. saya saya. isa lang narealize ko, kulang ang araw tlga, pag ganun katagal kayong hindi nakapagdate. kulang! samantalang puro wholesome activities pa ang ginawa namin ha, wala pang bastusan na nangyari nun.

fast forward 3:30pm:Β  dahil ang pakay talaga ng date namin ay magpa-spa, nagpunta kami sa The Spa ATC. first time ko magpa-spa dun so hindi pa ko masyado familiar sa rules nila, habang finafamiliarize ko pa ang aking sarili.. KABOOM! isang girl, she reminded me of someone from my super distant past, kung sha nga to, my gad! sa dami dami namang lugar na pagkikitaan namin, bakit naman kung kelang nakabathrobe lang ako?!!! shempre dahil sa itoy isang spa, expected na maghubo’t hubad ka di ba, kaso with this girl around, hindi ko afford irisk ang maladyosa kong katawan. NAMMMMMMMAAAAAAAAANNNNNNNNN!!!!!!!!!!! πŸ˜€

kamuka nya talaga, pati lakad, pati smirk. pramis. I know, malamang I know. e kaaway ko kayang mortal yun, hindi ko nga lang alam kung bakit at anung meron pero feeling ko grudge na namin to nung past lives pa namin. kundangan nga lamang at this lifetime ay sa isang lalaki pa nagsimula. feeling tuloy nitong lalaki na ito, isa siyang… PIOLO PASCUAL! in your dreams! nyahahha.. πŸ˜€

e di yun nga, halo halo talaga ang emotions ko. absofuckinglutely, hindi ako aatras kung away gusto nya, pero not in this bathrobe please?!!! in fairness naman to me, I know when to retreat. alam ko naman na there will be another time. one point for you gorgeous–for now. sa lounge na lang ako nagstay at inenjoy ang sound ng water. ahay!

pumasok din sha sa lounge, siguro hindi din sha nagbomba dun sa “wet area” at katulad ko, nagshower na lang sha. kumuha ng ginger tea at umupo saΒ  tabi ko. buti na lang, it was time for my massage. niwan ko na sha dun. take note: ibang pangalan ang tinawag sa kanya nung attendant.. hmm, sha nga kaya ito?

nagkita ulit kami after massage. nauna sha sa locker. bihis na nung dumating ako at nagpapatuyo ng buhok. nagbihis ako, makeup makeup. tinitingnan ko sha, tinitimbang na maigi kung sha nga ito.. sha nga kaya?

let me count the ways: si miss A, kung matatandaan ko lang ay matangkad, etong si Miss B ay hindi gaano. si A ay payat, si B din. ibang pangalan ang tinawag sa lounge, hindi kanya, yun ay kung tama ang pakinig ko o, iba ang niregister nya. si miss A ay high flying na so inaasume ko na nag improve na ang kanyang fashion sense at hindi na ganu nagtturtle neck na gawa sa ma-kati kating tela, etong si miss B..hm. pero ang mga gamit, nakaziplock, imbes pouch–I mean ang mga makeup chuvarness nya ay nakaziplock, o di ba muka namang galing sa eroplano eto. isa pa, sa tanda ko ay straight ang buhok ni A, si B kulutan. pag uwi ko chineck ko sa Facebook, kahit naman hindi kayo friends pde mo makita sa picture di ba? straight.

so kung ikaw nga yan, miss A, well hindi mo naman nasira ng bonggang bongga ang araw ko kasi may doubt pa ko kung ikaw nga yun, siguro kung sureness na ko na ikaw na nga, baka sakali pa. at kung ikaw nga yun, ineng, next time, magsuot ng pants na fit syo, lawlaw kaya sa pwet, parang kinulang sa foam. in fairness syo, maganda ka pa din. pero kelangan mo na talagang iemprove ang “style” mo, o kaya mag uniform ka na lang. ahihihi.. πŸ˜€

kung ikaw naman ay isang walang malay na letter B, sorry po.. mapagkamalan lang, balak kitang alukin ng magazine kahapon kaso baka kasi ikaw si A. nyehehhe.. πŸ˜€

masama pa nun, the day before, may bagong addition sa Facebook, isa pa sa mga taong gustong gustong gusto kong kurutin sa singit. HEH! churva ka, closet king!!! sinu pa kaya sa past ko ang sisilip sa tahimik kong buhay?… πŸ˜€

overall, masaya naman kasi di ba nga, ang tagal na namin hindi nagddate. isang araw ko din nakalimutan ang mga kbwisetan na ito. heheh.. πŸ™‚

lagyan mo din ng sinturon

lagyan mo din ng sinturon

photo credit:Β  http://borderlinemag.com/ thank you po.. πŸ™‚
Advertisements

hayan.. hayan eksakto ang nakikinig ko sa likod ko..

“anu nga.. anu nga.. anu nga..”

kung ikaw ang nasa tayo ko, makapagtrabaho ka kaya? ewan ko lang, siguro may super powers ka na pag kinaya mo!

“anu nga.. anu nga.. anu nga..”

bakit ba ko napunta sa sitwasyon na to? okay let me count the ways..

  1. walang cable ang TV namin today. walang cartoon network, walang disney channel..
  2. hambagal ng internet ngayon, susmaryosep!
  3. wala pa din ang PLDT, ang tagal, 1 month na.
  4. naalala ng anak ko ang Finding Nemo.

isa isahin natin. but before anything else, masabi ko muna kung bakit ako nawala ng matagal. lumipat kasi kami ng bahay di ba? March 22, 2009 Sunday, walang cable channel, walang internet, hayan, nailipat naman ako ng asawa ko.

yes. i know. i know. matagal na diba?.. eto na nga kung bakit..

una, nakilinya lang kami sa kabitbahay na internet shop dahil hampotang PLDT antagal naman talagang maglipat ng linya, busi busihan. and take note ha, may “lipat-linya” charges achuchu pa sila, not to mention ang walang silbing one month na kakahintay sa kanila ay babayadan ko pa din, kung hindi ba naman makapal din ang mga.. sus! heyblad na ko!

at wag nyo din banggitin sakin ang “e di kung asar na asar ka na jan, ipaputol mo!” hilaw! akala mo naman hindi ko naisip yun?! well, well, well.. times three daw ang babayadan ko dahil wala pa kaming one year! o ngayon, alam nyo na kung bakit mayaman pa din ang PLDT kahit wala na silang costumer at poor service pa? malamang, ikaw na yan mag-imbento ng sariling rules sa charges na kada utot ng costumer, may charge, ewan ko na talaga!

kung kada utot ng mga kliyente ko, lalagyan ko ng charge, mayaman na din siguro ako. hmm.. maitry nga, parang magandang business tactic yun.

at galit talaga ako, at sana kung kayanin netong blog ko na makarating sa PLDT, wish ko lang, vicky morales!

sabi nila, tataas ang rank mo sa search engines pag madalas mo banggitin ang keywords. ibig sabihin pag inoptimize ko ang page na to, may chance na makita to ng PLDT di ba?

PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT..

hayan, sana enough na yan. πŸ˜›

heniwey, kasi nakikabit lang kami, ibig sabihin limited din lang ang connectivity. ofis hours lang. kaya hinahapit ko na lahat ng trabaho bago maputol ang connection.

o game, hayun yung number one, kanina pang pikit-mulat ang cable channels dito sa TV namin, “undergoing some repairs” daw. in long, iba ibahin na naman nila yung mga channels dyan hanggang mabuwang ka kung nasan ang AXN at HBO. in short, price hike din ang cable service. 650 na.

after ng Holy Week, parang congested ang internet. hambagal bagal kala mo naghihintay ka ng kung anu. inorasan ko nga yung isa, umabot ng 3 minutes. sa internet life, lifetime na yun.

subukan mo tumunganga sa monitor ng three minutes.

yun number three, ayan basahin mo na lang sa taas, yun din un.

yung number four, dahil na nga sa kabatohan ng anak ko, combined with nakatungangang ina, nakita ang DVD ng Finding Nemo sabay hirit:

“mami, anu nga yung pangalan nun bird na white, yung nakatira sa water?”

“fish.”

“hindi. bird yun”

“e di bird.”

“hindi, yung white.”

“white bird.”

“hindi, yung white bird na nakatira sa water na kumakain ng fish. eto o!”

panu ko kaya makikita kung nakalapat na sa ilong ko yung DVD. alam ko, hindi ako nakakakita sa malayo, pero mey gad! nat dis klows plis?!

sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anung tawag, tsaka pag nagttrabaho ako, nabablangko talaga ang utak ko, minsan nga pati pangalan ko nakakalimutan ko na. kaya ayun..

“anu nga.. anu nga.. anu nga.. anu nga..”

hay..

when lifes a hell..

ey kenet teyk dis enimor!