kung ang blog ay halaman, malamang tuyot na ang akin.

ang sama pakinggan.. 😉

kung ito naman ay isang membership, expired na ang akin.

AT!, kung ito ay tao, patay na ang akin.

Opo, inaamin ko, hindi na ko nakakapagpost, ni hindi ko na nga ito nadadalaw. kasi naman, simula nung lumipat kami dito sa mala-lungga ng daga naming bahay, parang feeling ko hindi ako makahinga. yung pag nalulunod ka na, parang pasinghap singhap ka na lang.

actually, last month ko pa balak magpost ulit, kahit yung novel man lang, kaso nga, wala na ko laging time. tambak ang trabaho tas tumabi pa yung TV sa computer. kung dati ang lagi kong reklamo e hindi ko na kilala ang mga artista ngayon, ABA excuse me, updated na po ako ngayon! gusto mo ba ng detailed na storya ng katrina-hayden? gives ko yan sayo, blow by blow! pero in all fairness, nakakaawa ang lolo mo kahit na manyak na manyak ang hitsura nya sa mga sex videos ha!

..uu napanuod ko, at kahapon lang!..

..un nga, in all fairness. hindi din naman nya siguro ginusto na makita ng sambayanang pilipino ang kanyang “itinatagong yaman” at pati na ang sa mga partner nya pero hayan, nabuyangyang na nga. hindi na ko magtataka kung mabalitaan ko na namental na itong lalaking ito.. hayan, enough na hayden, let’s move on.

so anu bang ginagawa ng isang giselle santos ngayon? eto naghihintay ng oras. may oras kasi ang trabaho ko ngayon, kumbaga sa swimming, kelangan synchronized kami nung boss ko. nalululong ako ngayon sa facebook at pet society kaso laging nabibitin ang pagpet ko sa pet ko kasi may deprensha daw ang video card ko. hay.. kung gusto nyo ko maging friend sa facebook, hayan sa sidebar ang badge ko, i-add nyo ko, now na, at magfacebookan tayo! 😀

namiss ko talaga to, sana makabalik ako bukas, bat fer naw, ey heb tu gu.. 😦

bakit ba ganyan?!...

bakit ba ganyan?!...

hindi ko ba naman alam kung bakit parang nangkakaway ng virus ang cpu ko, lahat na lang ata gustong iexperience. malanding cpu! hay..

ganun nman talaga, wala kang magagawa kung ang binigay sayo ng diyos, haliparot..

every month na lang may bago sha. kahit na nga yung pinakamatinding anti-virus, firewall, safesafe something, chuvanes, walang nagawa. kagabi, ayun, natuluyan na ang mlanding cpu, natrojan. ang trojan at eset nagkarambola, patay si trojan.

ok fine, patay na si trojan..

kaso, the sneaky fox adware, habang nagrrambol ang dalawa, ayun, ginagago ang settings ng computer ko at inuto magpalit ng time and date settings.

bagong date: december 31, 2069!

mantakin mu un? baka skeleton na ko nun sa puntod ko, naknamtimawa naman talaga. ang matindi nito, pag ganyan kalayo ang settings mo, expired ang certificate mo, wla ka ng access sa internet. ym, mail, pati yun time log ko sa company, tsugi.

..ang ending sapilitang bakasyon!

panu ispend ang sapilitang bakasyon: shempre, pagkatapos ko makabawi sa matinding shock, call a friend.
AKO: bru!! ang computer ko, anu na? anu gagawin ko?! huwwwwwaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!
FRIEND: you dala to me, now or never. if you gusto, tom can do. don’t cry na, i will solb problems. agree?
AKO: *hikbi* agree. now na. will punta to your hawshold.
shempre dali dali akong nagbihis at awa ng diyos, hindi ko naman nakalimutang magkilay. mga 8pm eto. at naglakbay ng mga 30 minutes pa.

kasi sa tuktok ako ng bundok nakatira, sha sa paanan. medyo malayo..

nakarating din naman ako at ayun, ang cpu ko, nakaconfine na, kasalukuyang inooperahan. sabi naman ni doc bru, successful naman daw, nasa recovery room na at sana’y walang maging komplikasyon, pde ko na daw ilabas ng hospital mamayang gabi. ako, eto tiis tiis muna sa makitid na tipahan ng laptop na nagffeeling unano na ko at nagkakanduduling sa screen. hindi na din muna ako magttrabaho kasi naman ang lahat lahat ng files ko ay andun at katangengotan ko, hindi ako nagback up. magrereview na lang muna ko para sa finals. yan, ganyan ispend and sapilitang bakasyon. hehe.. 😉

at sa mga walang magawa sa mundo at pradyek pradyekan ang paggawa ng virus, wag lang kayong pahuli ng buhay sakin at makikita nyo ang meaning ng pradyek! pramis!

magtago ka na now na!

magtago ka na now na!

kulitin ang sarili?

February 21, 2009

kahapon, nagllunch kami ng anak ko. komo wala nakong time magluto, nagpancit canton na lang kami, ok lang naman sa kanya basta sa harap ng TV kakain. pinayagan ko na, dun din naman ako kakain tsaka wala naman yung dadi nya na masungit.. 😛

so yun, nanuod kami ng TV, saktong commercial pa. kain kain lang kaming mag-ina. biglang lumabas yung commercial ng isang senador tungkol sa cheaper medicine chuveklavu. ok na sana kasi naman ang mahal talaga ng gamot diba? tska wa talaga kong care at the moment kasi naka autopilot ang utak ko at wala naman talaga akong naaabsorb sa pinapanuod ko, ang goal ko lang ay mabusog at makabalik sa trabaho.

anyway, humirit si senador: “..kulitin natin ang gobyerno..”
ANAK: mami..
AKO: o?
ANAK: sinu ba yan?
AKO: senador.
ANAK: di ba gobyerno yun?
AKO: oo
ANAK: kukulitin nya yung sarili nya?

nye. uu nga naman, anu bang tagline yun, parang sala, o sala lang kaming mag-ina sa pandinig at hindi naman pla kulitin ang sabi, malay kung kulahin o kulutin pala yun.. napaisip lang ako, mantakin mo ang tagal na nung commercial na yun , hindi ko man lang napansin, kung hindi pa yung anak ko ang nakapansin..

parang sayang ang airtime ni mr. senator, bata lang ang umiintindi. hay..