GUILTY!

February 13, 2010

ganito pala ang pakiramdam kapag months ka na hindi nakapagpost sa blog mo.. nakakaguilty..

hindi ko maexplain, actually. ngayon ko lang nafeel ito. kakaiba. lalo na nung nakita ko ang stats ko.. nakanang! imagine, may 31 taong bumisita ng blog ko kahapon lang! my goodness! at nasan ako ng mga panahon na yun? nasan?! NASAN?!!!!

nasan nga ba si gisela?.. sa haba na ng ikkwento ko, hindi ko na alam kung san magsisimula. nung huli akong nagpost, ni wala sa hinagap ko na magiging ganito ang life ko come February 2010. as in.. walang wala. sa natatandaan ko, ang pinag-iintindi ko pa nun ay.. EAR WAX.ngayon, isang daan at isang laksang alalahanin na ang nasolb, nabreak, namrublema pa ng bonggang bongga at iisipin pa bago matulog. sana kung hindi ko man masabi lahat sa post na ito, sa mga susunod na araw, magawa ko din.

sabi ko nun inumpisahan ko ang blog na ito, magiging honest ako. kasi naman kalahati ng mundo, hindi tlaga alam kung nasan ako, kung anu ang ginagawa ko. sa totoo, ang nakakaalam lang tlaga ay tatlo. kaso mahirap pala, lalo na at nakalink ang blog mo sa facebook mo! kaya sorry na lang, hindiΒ  muna tong post na to, maybe next time, after few modifications.

speaking of Facebook, nawawala din pala ang gana anu? impeyrnes, halos 6 months din akong adik dyan pero ngayon, nung dumami ang friends ko, parang ayoko na magiistatus dyan. parang ang plastik na kasi ng sasabihin ko, hindi tulad ng dati, free as a bird! part of the reason siguro kung bakit nagbabalik loob na ko sa blog ko. πŸ™‚

may balak din akong gawing private na ito, parang diary na lang. yan.. pag-iisipan ko pa. siguro pagna-launch ko na ang forever dream ko na food blog, baka sakaling iprivate ko na ito..

may isang taon na pala ang blog na to, mantakin mo, hindi ko man lang namalayan! last year, andito din ako, tumitipa. kasi, tanda ko depressed na depressed ako. bukas birthday na ni mama tas sa monday, death anniversary na nya. eto ang post ko last year:Β  I miss my mom

shempre namimiss ko pa din sha, kung hindi ba naman, maghahanap ba ako ng morcon nya na hindi naman ata morcon ang tawag sa authentic filipino cuisine kundi mechado! bakit ba, e kung morcon ang tawag ng ina ko, pakelam ko sa authe-authentic na yan! kahit san ko mabalitaan na may nagbebenta ng morcon, andun ako, nagttry. sadly, wala akong mahanap na kaparehong kapareho ng luto nya. hay. 😦

sa monday, 2nd death anniversary nya. masama bang aminin kung sasabihin ko na isang taon na kong hindi pumupunta sa memorial para bisitahin sha? totoo, ang huli ko na ata ay yung araw ng patay 2008. ewan ko ba, ayoko lang tlaga pumunta dun. ayoko.

bukas kelangan ko pumunta. bakit? kasi kelangan nya na malaman na magkakaapo na sha ulit at sa susunod na araw ng mga patay, makikilala na nya ang pinakahihintay nyang second apo. sayang lang at hindi nya inabot..

Ear Spa

October 23, 2009

dapat magkakawang gawa ako ngayon, ang post ko dapat ay tungkol sa aking misadventures with my pal, Paypal. o di ba ang taray?.. kaso lang, ongoing pa etong episode na ito sa buhay ko kaya feeling ko, walang mapupulot na aral ang mga natatalisod sa aking blog-tahanan kaya next time na lang siguro, pag tapos na ang lahat lahat. pramis madami kayong mapupulot dun. sa ngayon, magtiis muna tayo sa ear wax.

paunawa: nung ginawa ang post na eto, ang manunulat ay tutubuan na ng ugat sa kakahintay ng tawag mula sa kanyang muret na anak. hindi makapagtrabaho, hindi makaluto, hindi makalaba, at higit sa lahat, hindi makapagsiesta. alanganin kasi sa oras, baka mabitin lang.

habang pa-uwi ako kaninang umaga, napadaan ako sa isang parlor dun sa may centro supermarket/mall/whatever. nahagip ng aking panangin ang tarp na naglalaman ng presyo para sa serbisyo. hindi ko naman talaga mapapansin yung kung hindi ako naghahanap ng masahista.

kasi naman ang sakit ng likod ko anuh, kahit hindi macho, patus na.

nagscrolling ang aking mata kakahanap kung magkano ang back massage hanggang sa makita ko ang “ear spa”

ginawa ko yan habang akoy nagbbrisk walking kaya mabilis na mabilis lang ang mga pangyayari. malayo layo na ko nung rumehistro ang aking nabasa.

ear spa?

nakinig ko na yun dati. meron na ata tlgang gumagawa neto. anu kaya ang ginagawa sa ear spa? sabi ng ngengot self ko, “in tagalog, hihinunulihan ka, sosi lang” sabi naman ni pilosopo self, “spa treatment para lumambot ang buhok mo sa tenga.”

hindi na bago sakin ang magkaron ng dalawang reaksyon sa sabay na pagkakataon. isa yan sa mga sumpa ng aking pagkatao! πŸ˜€

igoogle nga natin:

eto kaya yun: http://ezinearticles.com/?What-is-an-Ear-Candle?&id=102316

ang ear spa kaya ay ear candling na nga?.. kung yun na nga yun, ay parang ayoko na. bibili na lang ako ng cottonbuds at ako na lang ang bubutingting ng aking tenga. saka na lang yan pag feeling “fear factor” contestant ako.

babush. πŸ™‚

muka namang nasasarapan eto

muka namang nasasarapan eto

basahin nyo na din ang post ng may-ari ng pektyur na eto, nakakaaliw pramis!

wacky spa treatments

Ang Trabaho.. Bow.

October 19, 2009

nahiya naman ako nung binati ako ni master deejay sa sobrang luma ko ng post. uu nga naman, “subrang katagal na..” kasi naman, subrang busy din ang haliparot na lolang eto.

update muna sa buhay buhay. nagbblog hopping pa din naman ako kaso nga lang sa sobrang bilis ko maghop, hindi na ko nakakapag-iwan ng bakas! alam kong mortal sin sa blog community ang hindi mag-iwan ng bakas o kahit anu man lang na pagkakakilanlan kaso talagang lagi lang akong nagmamadali. paumanhin.

naging masaya naman ang buhay ko since the last time na nagpost ako. sabihin na lang natin na, dininig naman ni bro ang panalangin ko at nag-iba din ang ihip ng hangin. salamat sa mga anghel na nagbabantay sakin at hinatid/nilipad na nila ang “stress” ko sa tunay na bahay nya. siguro kung nabigyan pa ng one more week ang pinitensha ko nun, gyera patani na. kaya, salamat na lang at naghiwalay naman kami ng landas ng maluwalhati.

sa loob ng ilang months na yun, sa palagay ko nasa more or less, two months, derederecho naman ang pasok ng trabaho. sa sobrang dami, feeling ko isa na itong curse. pero dahil sa ito ay nakakatulong sa akin, grasya dapat ang tingin ko dito di ba? in short, tyaga na lang kasi baka magtampo naman, kawawa ako.

sa lahat ng hindi nakakaalam, freelancer ako. writer. VA. blogger. data entry personnel. transcriptionist. marketing churva. at kung anu anu pa. minsan tatlo lang ako dyan. ngayon, ako yan lahat. ganun katindi.

carry lang naman. sa totoo lang, nag-eenjoy nga ako ng bonggang bongga. masarap naman talaga kasi hindi ka mawawalan ng trabaho ever.. kaso may mga panahon na tag-gutom. yun yung mga panahon na parang nagtatampo sayo ang tadhana at naglalahong parang bula ang mga muret mong kliyente. at talagang sabay sabay dapat. sa isang taon kong nagbebenta ng aliw, este, nagffreelance, mga tatlong beses na nangyari sakin yun. nitong huli, hindi ko na inistress ang sarili ko, ang sabi ko na lang, pwes, bakasyon!!

nung makickout ako sa familia, mga 3 months akong walang trabaho. gutom talaga. buti na lang, may pagkalanggam kasi ako, kaya may naipon naman ako kahit panu. isa pa, may trabaho naman ang aking kabit, este, asawa. sa mga panahong eto, nawala ang lahat lahat sakin. kamag-anak, kaibigan, mga material na bagay (wah!! tsikot ko..) ang natira lang sakin, ang asawa ko, ang anak ko at ang bestfriend ko (at dito ko lang sha talaga natagpuan kahit na matagal ko na shang kasama). sa totoo lang, ipinagpapasalamat ko na din na nangyari sakin ang lahat ng iyon, kasi madami akong natutunan at bukod sa lahat, madami akong napatunayan. kung meron man akong pinanghinayangan sa mga pangyayari, yun ay yung tsikot ko kasi madaming memories dun ang aking mama. kung pde nga lang na hindi na sha dispatsahin, ginawa ko na.

i found friends in unexpected places. I made some more. o baka naman hindi na din ako naghahanap pa. okay na sakin yung tatlo kong mga anghel. at least alam ko na kung sakaling mamatay ako, may sigurado na tatlong iiyak di ba? oks na ko dun. πŸ™‚

si BFF ang nagturo sakin ng freelancing. sha nauna, nung okay, ako naman. kaya wala akong kahirap hirap pumasok. syut na kagad! nung una, kaya ko lang gustong magkatrabaho kagad kasi gusto kong bumili ng pantene. makati na ang ulo ko sa palmolive e mahal yung pantene. nahihiya naman ako magpabili sa asawa ko kasi hindi na nga magkaintindihan sa kakainin namin araw araw. tas nagmMT pa ko nung mga panahon na yun kaya tipid na tipid talaga. November ako nagsimula, unang sweldo ko dumating ng January. makapasko. kamusta naman?! pero oks lang, 1 bote ng pantene kagad ang binili ko, with matching conditioner pa. at take note, bote etech, hindi sachet!

tanda ko nun, para akong nanalo sa lotto. smantalang kinikita ko yung klase ng perang yun ng 2 weeks lang nung sa familia pa ko ngttrabaho. bakit? kasi pers taym ko nagkasweldo na dugo’t pawis ang puhunan, hindi parents. masarap pala talaga, ibang klase.

nun, masaya na ko sa barya. tas nung dumami na ang order, nagset na ko ng ilang hours per day. nun 7 hours lang per week, tas naging 2 hours per day, tas magdamagan, tas pamorningan, tas 4 hours. ngayon 7 na. hindi naman naglalalayo ang rate ko, dumami lang ang trabaho. ganun ata talaga, pag gusto mo ang trabaho mo, nagiging adik ka na. pasalamat na lang ako at may trabaho ako, isipin mo kung wala, e wala din naman akong maaasahan sa pera kundi ang butihin kong asawa. kawawa naman sha pagnagkataon kasi may mga umaasa din sa kanya, sa ayaw man nya o sa gusto.

o sha, babu na. at nagbreak lang ako. gustuhin ko man magkwento ng dami dami pa, next time na. bibitinin ko muna kayo. ahihi.. πŸ™‚

Gie

hay stressful..

August 15, 2009

alam ko na kahit walang magsabi sakin na stress calculator, mataas talaga ang stress levels ko ngayon. ikaw kaya, ikulong ka ng kasama sa isang maliit na lungga ang taong kinakaestressan mo? 24/7, 7 days a week as in isang dipa lang ang layo nyo from each other, hindi ka kaya mamatay sa asar?..

.. hindi mo naman pdeng sigawan, awayin, ganutan, salaulain, sampalin, tadyakan, murahin, kurutin sa singit, sitahin, palayasin at kung anu anu pang dahas na posibleng gawin sa kaaway mo. feeling ko tuloy nasa survivor philippines ako:Β  “patigasan ang labanan!” hay leche!

buti pa pag ang kaaway mo, asawa mo, pde mo shang ganutan hanggat gusto mo. pero naman, bakit naman binigyan ako ng ganitong pasakit?! bakeeeeeeettttt?!

anyway, eto ang aking stress level, look.

magtaka pa ba ko?!

magtaka pa ba ko?!

kung gusto nyo din malaman, o may pagdududa pa kayo sa stress level nyo, eto ang link:Β 

http://www.healthlinkbc.ca/kbase/mm-doc/calc0/calc008.htm

hay bakit ba kasi stressful ang life, pag ako naasar sasama na ko sa pagudpud, 3,300 lang daw per head, tas magpapaiwan na ko dun. magiging sirena na lang ako for life, pramis!!

26 days and counting..

August 14, 2009

it’s been 26 days already.. 26 long, loooooooong days. eto na ata ang pinakamatagal kong pagtitiis ever in my entire life. ang tanong, hanggang kelan ako makakatiis?..

kung hindi magbabago ang situation ko sa lalong madaling panahon, ako na ang kelangan gumawa ng change. yoko naman na puro reklamo lang ang gawin ko di ba?

my piece, at maganda na din itong advice sa lahat ng may kailangan. kung applicable sainyo, go..

“wag na wag mong iaassume na hindi ka nakakaabala, lalo na’t hindi mo naman bahay/relasyon/lakad etc. baka kasi akala mo ok lang, yun pala pinagtitiisan ka lang. baka yang pagaassume mong yan, makasira pa ng ibang tao sa paraan na hindi mo inaasahan. ok lang na makapal ang muka minsan minsan, kasi kelangan din naman yun pero dapat, alam mo din pag sobra ka na. dapat marunong ka din makiramdam lalo na’t may ibang tao na hindi ka naman kayang pagbigyan. pag pinagbigyan ka ng isang beses, hindi ibig sabihin, forever ka na nun pagbibigyan. feelingera!”

“..PS, hindi kasalanan ng ibang tao kung palpak ang kinuha mong asawa. magdusa ka, hindi yang ibang tao ang pinagdudusa mo sa pagpili mo ng sablay! anak ka ng p***! pachange change ka pa dyan, ibang tao naman ang ginagago mo!”

mawalang galang na sa mga nagbabasa, galit lang po talaga ako. samahan nyo kong magdasal na sana ay matapos na ang kalbaryong kong ito at pare-pareho na tayong makamove on. hay.. 😦

of life and losyangs..

August 4, 2009

nung isang araw pa kong kating kating kati magpost ng entry kaso sa hindi ko malamang dahilan, sobra akong tamad. kung ako lang ang masusunod, facebook at blogs na lang ang aatupagin ko kaso ang problema, may quota kasi akong sinusunod. hangga’t hindi ko pa sha nammeet, hands off muna ko sa mga pangsariling kaligayahan.

kung kaya ko lang gawin yan sa facebook.. πŸ˜‰

adik. ako’y isang adik sa facebook kahit pa nga englishan sila ng englishan dun. ako? tagalog lang, bakit ba, kebs ko lang sa kanila. san ka naman nakakita na naguunwind ka na nga, pahirapan mo pa sarili mo? shempre nag eenglish din naman ako dun, pag talagang hindi ko alam ang tagalog term tsaka pag may nang-aaway sakin.

sa totoo lang, wala naman akong problema ganu sa english, dangan nga lamang at ako ang nahihirapan sa mga trying very hard mag english dun e pde naman magtagalog. alam mo yun, magsagutan pa ba sa comment box:

commenter 1:Β  wow gosh, funny naman ur pics.
commenter 2: like yeah! I have some more pa nga here.
commenter 3: I was panget pa here. LMAO
commenter 1: LOL
commenter 3: nice naman. i like it. LMAO
commenter 2: LOL

mahabang LOL at LMAO pa yan.. pero wag na lang, dito pa lang feel mo na di ba? constipated na. at isa pa, inedit edit ko na yan para hindi naman ako patayin ng mga kaibigan ko dun. shempre naman, naiintindihan ko pa din naman ang situation nila. pressure lang ito, pure peer pressure. hay..

maganda lang sa facebook, madaming games. sa ngayon, nauubos na ang oras ko sa pet society, resto city, sorority, fish-a-fish. tag team na nga kami ng aking partner in crime.. sinu pa ba e di si aling robi. at dahil 2 weeks na kong adik adik, dalawang linggo na din akong hirap na hirap imeet ang weekly quota ko. talagang pinasasampa ko na lamang sha at goodbye work na, hello facebook pa! nyahahah.. πŸ˜€

hmm, ang sarap sarap magmuni muni pag ganito ang panahon.. malamig, umuulan ulan, sunday at DWRK ang background..

ay!! bago ko pala makalimutan, maishare ko lang sa mga napadaan sa blog ko na nasa ibang bansa, kung namimiss nyo na ang radio stations ng pinas, icheck nyo to:Β  e-radioportal. walang tricks yan at hindi din ako magkakapera kung pupuntahan nyo ito, natuwa lang talaga ako. wala kasi akong radio kaya sa computer lang ako nakikinig. kung kayo ay natuwa, itaas ang kamay at palakpakan si george lim na nagbigay sakin ng link na yan. hehhe.. πŸ˜€ *clap* *clap*

of life..

madami akong realizations ngayong week, isa na dito ang:

“may mga bagay na kelangan mo na lang tanggapin para makamove on ka naman..”

hindi naman tayo laging panalo, kahit pa siguro ganu kalakas ang backer ko kay God, ganun tlga. ako naman ay naniniwala na lahat ay nangyayari sa tamang panahon, minsan lang talaga nakakainip maghintay. nung isang linggo, may isang bagay na pakiramdam ko isinungalngal na sakin, tanggapin ko lang. isang linggo akong naghanap ng signs pero litong lito ako kasi iba iba ang binibigay nya, yun pala hindi yun ang kelangan nya sa akin, ibang bagay pala. meron pala akong dapat marealize kaya ganun, o meron dapat mangyari at kumbaga “walang personalan”.. kaya eto ako, going with the flow.. in time, maiintindihan ko din yan lahat lahat.

of losyangs..

kung meron siguro akong kinakatakutan sa lahat, yun e yung tumanda akong losyang. o kahit batang losyang, ayaw ko. ako, hindi ako ma-makeup, hindi din ako maarte, bumubili lang ako ng damit pag luma na yung sa akin, ang last mani-pedi ko nung nagdebut yung kapatid kong hitad at 21 years old na sha ngayon. bihira din akong bumisita sa parlor kasi naririndi ako sa mga parlorista na wala ng ginawa kundi bentahan ako ng kung anu anu e magpapagupit lang naman talaga ako.. pero ang ayoko lang talaga, yung tumaba ako ng sobra sobra, mangamoy suka cologne ako at mangamatay ang kuko ko na kahit apo ko mandidiri sakin. sabi ko nga, kung magiging ganun din lang ako, kunin na ko ng maaga sa mundong ibabaw habang fresh pa ko.

may nakausap ako na ale, one on one, heart to heart. aminado sha na losyang sha. inamin din nya sakin na pinabayaan nya na lang na maging ganun sha nung nalaman nya na may kabit asawa nya. ang kanya daw, papalitan din naman pala sha kahit na nag-aayos sha. panandalian akong hindi umimik..

para sakin kasi, ang alagaan ang sarili mo ay dapat gawin mo para sa sarili mo, hindi para sa asawa mo. kesihodang mangbabae sha, kesihodang makating makati tlaga sha, wa aketch care. naliligo ako araw araw kasi ayokong naaamoy ang sarili kong mabaho. nagddeodorant ako kasi ayokong magpawis ang kili kili ko. bumibili ako ng usong damit kasi bagay sakin. ako lang, gagawin ko ang magpapasaya sa sarili ko, hindi yung magpapasaya sa iba. kung magiging masaya ang iba sa ginagawa ko, hindi na nila kelangan magthank you kasi hindi naman para sa kanila yun.

isa pa, obligasyon mo yan sa sarili mo, ang maging maayos ka. hindi mo gagawin yan para mang-akit ng lalaki/babae. panu nga naman kung hindi na sila naaakit syo, titigil ka na din bang mag-ayos? hindi dapat.

shempre ako pa, hindi din naman ako nakatiis. pag-alam ko kasing mali ang pananaw mo, dahan dahan, ipapakita ko syo ang light. kung ayaw mo tingnan, sige lang, pero alam ko na lahat ng sinasabi ko, marerealize mo din pagdating ng panahon, kahit ganu kasakit. e di hindi nga nakatiis ang laitera mong lola, sinabi ko na, na dapat hindi ganun. shempre, with care ang pagsasabi neto..

“you know ma’am, it should not be that way. keeping yourself in good condition is your obligation to your sarili, not to your pekpek..”

ewan ko, pero she refused to see the light. ang sabi sakin, hindi naman daw kasi sha binibigyan ng pera ng asawa nya para magpaganda. para bang sinisisi nya ang asawa nya kung bakit naging ganun sha..ang sagot ko naman,

“why don’t you get a trabaho then, instead of making asa to that salawahang asawa of yours? then, you’ll have pera to spend for kakerengkengan.”

ang sagot,

“no can do, too old. don’t know how. besides, it’s my bangkerong husband’s obligation to give me datung. that’s what I made sama to him for nuong unang pahanon.”

sa loob loob ko,

“oh. that’s why.”

oh. that’s why. kung bakit umabot pa ng 4 ang anak ng asawa nya sa kabit nito, that’s why. that’s why humanap ng japayuki ang asawa nya, yung japayuking may sariling diskarte sa buhay at ngayon, bonggang gerlalush na ang lola with money to spend for kakerengkengan. that’s why. this losyang girl on the other hand, walang choice (nga ba?) kung hindi umasa na lang ng biyaya kay bro.

hindi naman sa binibigyan ko ng reason ang mga lalaki na iwan ang mga asawa nilang losyang. ang sakin, dapat siguro tayong mga girls ang gumawa ng paraan para maging happy tyo at bongga, may lalaki man o wala. hindi naman dapat nakasalalay sa iba ang pananagutan mo sa sarili mo. sa panahon ngayon, wala ng libre, kelangan kanya kanyang diskarte.

ang ending..

eto na ata ang pinakamahabang post ko dito sa novelitas. ilang beses ko din itong na-save draft kasi paputol putol ang pagsusulat ko. pde naman na tatlong piraso pero feel ko, kelangan isambuo talaga ang entry na to para may sense.

adik pa din ako sa Facebook. ganito kaaga, nagfFacebook na ko. kelangan ko na talaga mag-implement ng isang malupit na time management, pramis! hayzz..

I tried helping the losyang girl by introducing her to the world again, kaso sa tingin ko sobrang late na. and, kamusta.. hindi naman ako good samaritan. well, siguro kung nga sha hindi nya kayang tulungan ang sarili nya, ako pa?

FYI..

this losyang girl, hindi naman sha ganun katanda, and may talent naman sha kung gugustuhin lang nya, pde naman sha magkapera. medyo takot nga lang mapagod.

hengeng pera..

hengeng pera..

photo credit: http://news.bbc.co.uk/ thank you po. πŸ™‚


san ko nga ba nakinig yun? na ang malas, tatluhan lagi kung dumating? kung totoo yan, eto na, dumating na yung pangatlo ko, kelangan ko na ba magsaya? o meron pa bukas? saturday pa lang, may buong sunday pa.

mabuti pang lamunin na ko ng lupa!

sa totoo lang, kung malas lang naman ang tanung e dalawa pa lang talaga pero kung kabadtripan ang ibibilang, araw araw na ito.

o baka naman may kabitmalas kami ngayon linggo kaya ganito?..

kahapon din mainit ang ulo ko, dapat nga magpopost na din ako kahapon pero nawalan lang ako ng gana kasi hindi naman ganu matindi. kaso ngayon nga, eto, kaya hello novelitas na naman ako.

hay buhay.. kelan kaya babalik sa dati?

kahit san ata magtago ang tao, dadating pa din ang kabwisitan sa buhay nya. pupuntahan ka na nito sa lungga mo. wala ka tlgang takas. siguro ito ang way ni God para mlaman kung buhay pa tayo.

pag umaaray, pag nagmumura.. ah, buhay pa.

sa kabilang banda, may nagbubulong sakin na kung hindi ko pa susundin ang sign e padami pa ng padami ang isasampal sakin na evidence.

e bakit nga ba ayaw ko?

ikaw, kung sakali lang, inabot ka na ng 9 months bago mo naayos ang buhay mo, masaya ka naman sa trabaho mo, sa buhay mo, sa pamilya mo tapos dumating ang isang sign na nagsasabi syo na iwan mo lahat, kaya mo kaya?

kaya mo kaya, magsimula ulit? kaya mo kaya iwanan ang mga bagay na hindi naman mali? kaya mo ba ipagpalit ang buhay na pinaghirapan mo buoin para sa isang buhay na hindi mo pa sigurado? at ang pinakamatindi, kaya mo pa kayang magsimula ulit ng bago?

ang problema, feeling ko, lahat ng forces ay working against me. lahat. sa trabaho, sa pamilya..

nagpapasalamat na nga lang ako may mga kaibigan ako na nagmamahal sakin, kung hindi, hindi ko na talaga alam kung san ako pupulutin. at least, alam ko na kung sakali makidnap ako, tutubusin ako ni tez, kaso installment. ang sabi ko naman, wag na lang, baka installment din ako ibigay sa kanya. buti na lang, napag-usapan na namin yan kagabi.

sana next post ko, masaya na ulit. ayoko na maging malungkot, pumapangit na ko. sobra na ito. pramis, sa monday, tatawag na tlaga ko, tigilan na lang ako ng mga signs na yan.