kahapon yun. somewhat memorable sha kasi ang dami dami dami kong feelings na naexplore kahapon. umpisahan natin sa umaga.

THURSDAY MORNING 6:30AM:Β  ginising ko si senyorita robi, alam kong hindi kakain ang bruhitang ito kaya hindi ko na din sha ginigising ng maaga, sayang lamang ang oras kung sobrang aga ko pa sha gigisingin di ba? ewan ko ba, these past few days, hindi sha kumakain, para bang naghhunger strike..

o may nararamdaman shang kakaiba, kapares ko. ako, simula’t sapul, alam ko na, na ang anak ko–soulmate ko. pag kasi may nararamdaman akong hindi maganda, parang kakambal–ramdam din nya, kung anu man yun. anyway..

hindi pa ko kumukurap, to make that “exact”, naghihintay pa lang akong magload ang page ng Facebook ko, eto na ang muret sa tabi ko, tapos na daw sha maligo.

huwaaattt?!!!…..

shempre, nagdududa na ko sa kanya, aba bali pang third day na nya ginagawa sakin yun, napakabilis maligo kaso thursday morning ang record breaker! binihisan ko habang ginigisa gisa ko na unti unti.. kaso lang, nung nakita kong maamos angΒ  mukha, un na, hindi na ko nakapagpigil!

to make the long story short, nagwala ako, nagtago sha, may nakelam, pumasok sha ng school, at ako? gusto ko ng manipa ng tao palabas ng bahay..

alam mo, I’m trying naman e, trying very hard dahil I care for my husband, pero a girl like me can only take so much. inuulit ko, hindi ako santa, not even a good samaritan. sana naman, take that into consideration bago ako tuluyang makapambastos, and this goes to the “nakelam”. ang masasabi ko lang, I think overstaying should be considered as a crime therefore should be punishable under the law. πŸ˜‰ live your own life naman, please lang. at sa mga tao sa pamamahay nya na naging mitsa ng kaguluhang ito sa buhay ko, utang na loob, ayusin nyo ang buhay nyo. my gad!!

fast forward 10:30AM: Β  soooooooo happy. at last, after 2 looooooong years, nakapagdate din kami ng dyowa ko. imagine that? 2 years na never kami nakalabas ng kaming dalawa lang until yday. saya saya. isa lang narealize ko, kulang ang araw tlga, pag ganun katagal kayong hindi nakapagdate. kulang! samantalang puro wholesome activities pa ang ginawa namin ha, wala pang bastusan na nangyari nun.

fast forward 3:30pm:Β  dahil ang pakay talaga ng date namin ay magpa-spa, nagpunta kami sa The Spa ATC. first time ko magpa-spa dun so hindi pa ko masyado familiar sa rules nila, habang finafamiliarize ko pa ang aking sarili.. KABOOM! isang girl, she reminded me of someone from my super distant past, kung sha nga to, my gad! sa dami dami namang lugar na pagkikitaan namin, bakit naman kung kelang nakabathrobe lang ako?!!! shempre dahil sa itoy isang spa, expected na maghubo’t hubad ka di ba, kaso with this girl around, hindi ko afford irisk ang maladyosa kong katawan. NAMMMMMMMAAAAAAAAANNNNNNNNN!!!!!!!!!!! πŸ˜€

kamuka nya talaga, pati lakad, pati smirk. pramis. I know, malamang I know. e kaaway ko kayang mortal yun, hindi ko nga lang alam kung bakit at anung meron pero feeling ko grudge na namin to nung past lives pa namin. kundangan nga lamang at this lifetime ay sa isang lalaki pa nagsimula. feeling tuloy nitong lalaki na ito, isa siyang… PIOLO PASCUAL! in your dreams! nyahahha.. πŸ˜€

e di yun nga, halo halo talaga ang emotions ko. absofuckinglutely, hindi ako aatras kung away gusto nya, pero not in this bathrobe please?!!! in fairness naman to me, I know when to retreat. alam ko naman na there will be another time. one point for you gorgeous–for now. sa lounge na lang ako nagstay at inenjoy ang sound ng water. ahay!

pumasok din sha sa lounge, siguro hindi din sha nagbomba dun sa “wet area” at katulad ko, nagshower na lang sha. kumuha ng ginger tea at umupo saΒ  tabi ko. buti na lang, it was time for my massage. niwan ko na sha dun. take note: ibang pangalan ang tinawag sa kanya nung attendant.. hmm, sha nga kaya ito?

nagkita ulit kami after massage. nauna sha sa locker. bihis na nung dumating ako at nagpapatuyo ng buhok. nagbihis ako, makeup makeup. tinitingnan ko sha, tinitimbang na maigi kung sha nga ito.. sha nga kaya?

let me count the ways: si miss A, kung matatandaan ko lang ay matangkad, etong si Miss B ay hindi gaano. si A ay payat, si B din. ibang pangalan ang tinawag sa lounge, hindi kanya, yun ay kung tama ang pakinig ko o, iba ang niregister nya. si miss A ay high flying na so inaasume ko na nag improve na ang kanyang fashion sense at hindi na ganu nagtturtle neck na gawa sa ma-kati kating tela, etong si miss B..hm. pero ang mga gamit, nakaziplock, imbes pouch–I mean ang mga makeup chuvarness nya ay nakaziplock, o di ba muka namang galing sa eroplano eto. isa pa, sa tanda ko ay straight ang buhok ni A, si B kulutan. pag uwi ko chineck ko sa Facebook, kahit naman hindi kayo friends pde mo makita sa picture di ba? straight.

so kung ikaw nga yan, miss A, well hindi mo naman nasira ng bonggang bongga ang araw ko kasi may doubt pa ko kung ikaw nga yun, siguro kung sureness na ko na ikaw na nga, baka sakali pa. at kung ikaw nga yun, ineng, next time, magsuot ng pants na fit syo, lawlaw kaya sa pwet, parang kinulang sa foam. in fairness syo, maganda ka pa din. pero kelangan mo na talagang iemprove ang “style” mo, o kaya mag uniform ka na lang. ahihihi.. πŸ˜€

kung ikaw naman ay isang walang malay na letter B, sorry po.. mapagkamalan lang, balak kitang alukin ng magazine kahapon kaso baka kasi ikaw si A. nyehehhe.. πŸ˜€

masama pa nun, the day before, may bagong addition sa Facebook, isa pa sa mga taong gustong gustong gusto kong kurutin sa singit. HEH! churva ka, closet king!!! sinu pa kaya sa past ko ang sisilip sa tahimik kong buhay?… πŸ˜€

overall, masaya naman kasi di ba nga, ang tagal na namin hindi nagddate. isang araw ko din nakalimutan ang mga kbwisetan na ito. heheh.. πŸ™‚

lagyan mo din ng sinturon

lagyan mo din ng sinturon

photo credit:Β  http://borderlinemag.com/ thank you po.. πŸ™‚
Advertisements

of life and losyangs..

August 4, 2009

nung isang araw pa kong kating kating kati magpost ng entry kaso sa hindi ko malamang dahilan, sobra akong tamad. kung ako lang ang masusunod, facebook at blogs na lang ang aatupagin ko kaso ang problema, may quota kasi akong sinusunod. hangga’t hindi ko pa sha nammeet, hands off muna ko sa mga pangsariling kaligayahan.

kung kaya ko lang gawin yan sa facebook.. πŸ˜‰

adik. ako’y isang adik sa facebook kahit pa nga englishan sila ng englishan dun. ako? tagalog lang, bakit ba, kebs ko lang sa kanila. san ka naman nakakita na naguunwind ka na nga, pahirapan mo pa sarili mo? shempre nag eenglish din naman ako dun, pag talagang hindi ko alam ang tagalog term tsaka pag may nang-aaway sakin.

sa totoo lang, wala naman akong problema ganu sa english, dangan nga lamang at ako ang nahihirapan sa mga trying very hard mag english dun e pde naman magtagalog. alam mo yun, magsagutan pa ba sa comment box:

commenter 1:Β  wow gosh, funny naman ur pics.
commenter 2: like yeah! I have some more pa nga here.
commenter 3: I was panget pa here. LMAO
commenter 1: LOL
commenter 3: nice naman. i like it. LMAO
commenter 2: LOL

mahabang LOL at LMAO pa yan.. pero wag na lang, dito pa lang feel mo na di ba? constipated na. at isa pa, inedit edit ko na yan para hindi naman ako patayin ng mga kaibigan ko dun. shempre naman, naiintindihan ko pa din naman ang situation nila. pressure lang ito, pure peer pressure. hay..

maganda lang sa facebook, madaming games. sa ngayon, nauubos na ang oras ko sa pet society, resto city, sorority, fish-a-fish. tag team na nga kami ng aking partner in crime.. sinu pa ba e di si aling robi. at dahil 2 weeks na kong adik adik, dalawang linggo na din akong hirap na hirap imeet ang weekly quota ko. talagang pinasasampa ko na lamang sha at goodbye work na, hello facebook pa! nyahahah.. πŸ˜€

hmm, ang sarap sarap magmuni muni pag ganito ang panahon.. malamig, umuulan ulan, sunday at DWRK ang background..

ay!! bago ko pala makalimutan, maishare ko lang sa mga napadaan sa blog ko na nasa ibang bansa, kung namimiss nyo na ang radio stations ng pinas, icheck nyo to:Β  e-radioportal. walang tricks yan at hindi din ako magkakapera kung pupuntahan nyo ito, natuwa lang talaga ako. wala kasi akong radio kaya sa computer lang ako nakikinig. kung kayo ay natuwa, itaas ang kamay at palakpakan si george lim na nagbigay sakin ng link na yan. hehhe.. πŸ˜€ *clap* *clap*

of life..

madami akong realizations ngayong week, isa na dito ang:

“may mga bagay na kelangan mo na lang tanggapin para makamove on ka naman..”

hindi naman tayo laging panalo, kahit pa siguro ganu kalakas ang backer ko kay God, ganun tlga. ako naman ay naniniwala na lahat ay nangyayari sa tamang panahon, minsan lang talaga nakakainip maghintay. nung isang linggo, may isang bagay na pakiramdam ko isinungalngal na sakin, tanggapin ko lang. isang linggo akong naghanap ng signs pero litong lito ako kasi iba iba ang binibigay nya, yun pala hindi yun ang kelangan nya sa akin, ibang bagay pala. meron pala akong dapat marealize kaya ganun, o meron dapat mangyari at kumbaga “walang personalan”.. kaya eto ako, going with the flow.. in time, maiintindihan ko din yan lahat lahat.

of losyangs..

kung meron siguro akong kinakatakutan sa lahat, yun e yung tumanda akong losyang. o kahit batang losyang, ayaw ko. ako, hindi ako ma-makeup, hindi din ako maarte, bumubili lang ako ng damit pag luma na yung sa akin, ang last mani-pedi ko nung nagdebut yung kapatid kong hitad at 21 years old na sha ngayon. bihira din akong bumisita sa parlor kasi naririndi ako sa mga parlorista na wala ng ginawa kundi bentahan ako ng kung anu anu e magpapagupit lang naman talaga ako.. pero ang ayoko lang talaga, yung tumaba ako ng sobra sobra, mangamoy suka cologne ako at mangamatay ang kuko ko na kahit apo ko mandidiri sakin. sabi ko nga, kung magiging ganun din lang ako, kunin na ko ng maaga sa mundong ibabaw habang fresh pa ko.

may nakausap ako na ale, one on one, heart to heart. aminado sha na losyang sha. inamin din nya sakin na pinabayaan nya na lang na maging ganun sha nung nalaman nya na may kabit asawa nya. ang kanya daw, papalitan din naman pala sha kahit na nag-aayos sha. panandalian akong hindi umimik..

para sakin kasi, ang alagaan ang sarili mo ay dapat gawin mo para sa sarili mo, hindi para sa asawa mo. kesihodang mangbabae sha, kesihodang makating makati tlaga sha, wa aketch care. naliligo ako araw araw kasi ayokong naaamoy ang sarili kong mabaho. nagddeodorant ako kasi ayokong magpawis ang kili kili ko. bumibili ako ng usong damit kasi bagay sakin. ako lang, gagawin ko ang magpapasaya sa sarili ko, hindi yung magpapasaya sa iba. kung magiging masaya ang iba sa ginagawa ko, hindi na nila kelangan magthank you kasi hindi naman para sa kanila yun.

isa pa, obligasyon mo yan sa sarili mo, ang maging maayos ka. hindi mo gagawin yan para mang-akit ng lalaki/babae. panu nga naman kung hindi na sila naaakit syo, titigil ka na din bang mag-ayos? hindi dapat.

shempre ako pa, hindi din naman ako nakatiis. pag-alam ko kasing mali ang pananaw mo, dahan dahan, ipapakita ko syo ang light. kung ayaw mo tingnan, sige lang, pero alam ko na lahat ng sinasabi ko, marerealize mo din pagdating ng panahon, kahit ganu kasakit. e di hindi nga nakatiis ang laitera mong lola, sinabi ko na, na dapat hindi ganun. shempre, with care ang pagsasabi neto..

“you know ma’am, it should not be that way. keeping yourself in good condition is your obligation to your sarili, not to your pekpek..”

ewan ko, pero she refused to see the light. ang sabi sakin, hindi naman daw kasi sha binibigyan ng pera ng asawa nya para magpaganda. para bang sinisisi nya ang asawa nya kung bakit naging ganun sha..ang sagot ko naman,

“why don’t you get a trabaho then, instead of making asa to that salawahang asawa of yours? then, you’ll have pera to spend for kakerengkengan.”

ang sagot,

“no can do, too old. don’t know how. besides, it’s my bangkerong husband’s obligation to give me datung. that’s what I made sama to him for nuong unang pahanon.”

sa loob loob ko,

“oh. that’s why.”

oh. that’s why. kung bakit umabot pa ng 4 ang anak ng asawa nya sa kabit nito, that’s why. that’s why humanap ng japayuki ang asawa nya, yung japayuking may sariling diskarte sa buhay at ngayon, bonggang gerlalush na ang lola with money to spend for kakerengkengan. that’s why. this losyang girl on the other hand, walang choice (nga ba?) kung hindi umasa na lang ng biyaya kay bro.

hindi naman sa binibigyan ko ng reason ang mga lalaki na iwan ang mga asawa nilang losyang. ang sakin, dapat siguro tayong mga girls ang gumawa ng paraan para maging happy tyo at bongga, may lalaki man o wala. hindi naman dapat nakasalalay sa iba ang pananagutan mo sa sarili mo. sa panahon ngayon, wala ng libre, kelangan kanya kanyang diskarte.

ang ending..

eto na ata ang pinakamahabang post ko dito sa novelitas. ilang beses ko din itong na-save draft kasi paputol putol ang pagsusulat ko. pde naman na tatlong piraso pero feel ko, kelangan isambuo talaga ang entry na to para may sense.

adik pa din ako sa Facebook. ganito kaaga, nagfFacebook na ko. kelangan ko na talaga mag-implement ng isang malupit na time management, pramis! hayzz..

I tried helping the losyang girl by introducing her to the world again, kaso sa tingin ko sobrang late na. and, kamusta.. hindi naman ako good samaritan. well, siguro kung nga sha hindi nya kayang tulungan ang sarili nya, ako pa?

FYI..

this losyang girl, hindi naman sha ganun katanda, and may talent naman sha kung gugustuhin lang nya, pde naman sha magkapera. medyo takot nga lang mapagod.

hengeng pera..

hengeng pera..

photo credit: http://news.bbc.co.uk/ thank you po. πŸ™‚


wala lang, type ko lang na yan ang ititle. πŸ˜›

pero hindi nga, naisip ko lang habang nagbubuhat ako ng kung anu anu sa gym kanina.

kung ako’y isang lalaki, ako ang tipong hindi mo ihaharap sa parents mo. bakit? ganito kasi yun..

madami-dami na din akong experience sa barkada. akchuwali, aym a beri sosyabol persin. elementary, barkada; high school, barkada; college, barkada..at boypren. hanggang after college, konting barkada..at baby. πŸ˜€

hindi naman ako nagsisisi, kaya siguro ako ganito ngayon kasi puro barkada pero hindi naman naging masama ang buhay ko; in fact, eym hapi.

call me selfish pero the way i’m living my life now.. etong eto na yun. just the way i like it.

“aha..aha..”

kesihodang magalit kayo sakin, kesihodang atreng ako sa inyong mga paningin, care ko?!

mabalik tayo sa talakayang panglalaki. ayun nga, kung ako ay isang lalaki at ako ay bf mo, hinding hindi mo ko dapat ipakilala sa magulang mo, pramis. kahit pa ganu ka kakating gawin yan. pigilin mo ineng. bakit? kasi sa abut ng aking naaalala, considering may short term memory loss ako, wala ata akong ni isang barkada–lalaki man yan o babae, tomboy o bakla, buhay o patay, gumagalaw at hindi–ang natuwa ang magulang nung makilala ako. wala. pramis. meron pa nga–at madami, take note–ang mainit ang dugo sakin at feel ko pa na kung pde lang batukan ang mga anak nila para lang layuan ako, hay naku, ginawa na. the rest, smile na lang. care din naman nila sakin.

actually, may alam ako isa pero hindi ko sasabihin kung sinu. hehe.. πŸ˜€

fine. care ko. hindi naman kayo ang kasama ko pag gumigimik ako at tumatambay ako, hindi naman kayo ang kinakausap ko pag tumawag ang mga anak nyo o nagttext ako. hindi kayo, hindi.. hindi po.

in fairness to me, at opo, ipagtatanggol ko ang sarili ko, muka lang akong BI dahil nagyoyosi ako, matigas ang ulo ko, hindi ako naglilinis ng bahay, at kung anu anu pa, pero alam ko sa sarili ko na hinding hindi, and i repeat, HINDI ko po niyaya ang mga anak nyo KELANMAN na sumama sa gawain kong mali. kung sumama sila, choice nila yun at hindi akin. kasalanan ko ba kung mukang santa at santo ang mga anak nyo, yun pala ay may tinatago ding kahayupan?! pigil na pigil lang mga yan at sakin, pde silang magladlad dahil kelanman hindi ko sila hinusgahan. kanya kanyang trip lang yan, kung anung makakapagpasaya sa kanila, go. kahit kelan hindi ko sila diniktahan.

hindi po ako si hitler.

minsan kasi, kilalanin nyo ang mga anak nyo at wag nyong husgahan. wag nyong ipilit ang mga gusto nyong maging sila dahil, tao po yang mga yan. iginagalang ko po ang lahat ng magulang sa mundo dahil ako man ay peyrent din at siguro naman ayokong mapagsabihan ako ng barkada ng anak ko ng ganito di ba? pero pleeeeaasee.. hindi po ako ang may kasalanan kung bakit sila nagkaganyan, muka lang ako.

sabagay, hindi ko na naman kelangan maging lalaki. kahit naman magulang ng mga naging boypren ko, ayaw din sakin. hay buhay.. 😦

follow. me. now.

follow. me. now.

photo from http://www.computerweekly.com/blogs/stuart_king/

kung ang blog ay halaman, malamang tuyot na ang akin.

ang sama pakinggan.. πŸ˜‰

kung ito naman ay isang membership, expired na ang akin.

AT!, kung ito ay tao, patay na ang akin.

Opo, inaamin ko, hindi na ko nakakapagpost, ni hindi ko na nga ito nadadalaw. kasi naman, simula nung lumipat kami dito sa mala-lungga ng daga naming bahay, parang feeling ko hindi ako makahinga. yung pag nalulunod ka na, parang pasinghap singhap ka na lang.

actually, last month ko pa balak magpost ulit, kahit yung novel man lang, kaso nga, wala na ko laging time. tambak ang trabaho tas tumabi pa yung TV sa computer. kung dati ang lagi kong reklamo e hindi ko na kilala ang mga artista ngayon, ABA excuse me, updated na po ako ngayon! gusto mo ba ng detailed na storya ng katrina-hayden? gives ko yan sayo, blow by blow! pero in all fairness, nakakaawa ang lolo mo kahit na manyak na manyak ang hitsura nya sa mga sex videos ha!

..uu napanuod ko, at kahapon lang!..

..un nga, in all fairness. hindi din naman nya siguro ginusto na makita ng sambayanang pilipino ang kanyang “itinatagong yaman” at pati na ang sa mga partner nya pero hayan, nabuyangyang na nga. hindi na ko magtataka kung mabalitaan ko na namental na itong lalaking ito.. hayan, enough na hayden, let’s move on.

so anu bang ginagawa ng isang giselle santos ngayon? eto naghihintay ng oras. may oras kasi ang trabaho ko ngayon, kumbaga sa swimming, kelangan synchronized kami nung boss ko. nalululong ako ngayon sa facebook at pet society kaso laging nabibitin ang pagpet ko sa pet ko kasi may deprensha daw ang video card ko. hay.. kung gusto nyo ko maging friend sa facebook, hayan sa sidebar ang badge ko, i-add nyo ko, now na, at magfacebookan tayo! πŸ˜€

namiss ko talaga to, sana makabalik ako bukas, bat fer naw, ey heb tu gu.. 😦

bakit ba ganyan?!...

bakit ba ganyan?!...

oh my pretty, pretty boy

April 19, 2009

may gf po ako for three years and yet, mahilig po akong tumingin sa gwapo..”

actually, yan na lang ang inabutan ko sa radyo. eto yata ang portion kung saan magpapayo ang DJ sa troubled caller at yun naman ang exact moment bago tumulo ang laway ko.

tulog po ako. in the middle of a long, long, long ride to olonggapo. well, actually gising na.

almost all of my best ideas come from my sleeping state o dun sa point na gising/tulog ka. weird pero lahat ng ideas ko for novels, nangyayari sa panaginip hence, the notebook.

bakit sinu ba ang nakakaalala ng full length panaginip? sige nga?

kaya pag nakita nyo ko na pikit/mulat nagkakalkal ng bag, hindi yun para sa breath mints! πŸ˜› eniwey going back to the caller, e di nagising nga ako. sayang at bago ko pa nasulat ang idea ko, nagsumuksok na kagad itong caller na ito sa isip ko, hay sayang..

ang nasulat ko tuloy, “panu malaman kung bading bf mo?”

at eto naman ang sagot ng muni muni ko. wag na itanung kung panu ko nalaman dahil nakakahiyang aminin..

OO na!! nagkabf ako ng bading!! hmp!

humanap ka ng average looking man, yung hindi pogi/hindi panget, yung ayos lang. ngayon solong magcomment ka sa bf mo ng ganito:

“ang panget naman nung lalaking yun.. hindi naman pogi anu?”

take note, nilait ko ang other man, para maiwasan ang selos ok? at mas maganda sana kung walang natatagong galit ang bf mo sa lalaking itinuturo mo. eto na ang sagot:

“hindi naman, okay lang..”

yan lalaki yan.

“hindi naman, pogi naman ah..”

nakyu neng, delikado ka na.

iba kasi sila sa’tin mga girls, tayo natural lang na sabihin natin na “mganda sha” pero pag ang lalaki nakakakita na ng gwapo at pogi, nakyu..

ang pinaka na nila sa kapwa lalaki, “okay lang” “may itsura naman”. ganun.

ulit ulit lang ang exercise na eto, pag nakakuha ka ng 3 out of 5, congrats!!! πŸ˜€

eto ang dedicated song ng DJ para sa caller,

“oh my pretty, pretty boy I love you like I, never ever loved no one before you..”

ayos.

papiktyuran mo na ng ganito

papiktyuran mo na ng ganito

hayan.. hayan eksakto ang nakikinig ko sa likod ko..

“anu nga.. anu nga.. anu nga..”

kung ikaw ang nasa tayo ko, makapagtrabaho ka kaya? ewan ko lang, siguro may super powers ka na pag kinaya mo!

“anu nga.. anu nga.. anu nga..”

bakit ba ko napunta sa sitwasyon na to? okay let me count the ways..

  1. walang cable ang TV namin today. walang cartoon network, walang disney channel..
  2. hambagal ng internet ngayon, susmaryosep!
  3. wala pa din ang PLDT, ang tagal, 1 month na.
  4. naalala ng anak ko ang Finding Nemo.

isa isahin natin. but before anything else, masabi ko muna kung bakit ako nawala ng matagal. lumipat kasi kami ng bahay di ba? March 22, 2009 Sunday, walang cable channel, walang internet, hayan, nailipat naman ako ng asawa ko.

yes. i know. i know. matagal na diba?.. eto na nga kung bakit..

una, nakilinya lang kami sa kabitbahay na internet shop dahil hampotang PLDT antagal naman talagang maglipat ng linya, busi busihan. and take note ha, may “lipat-linya” charges achuchu pa sila, not to mention ang walang silbing one month na kakahintay sa kanila ay babayadan ko pa din, kung hindi ba naman makapal din ang mga.. sus! heyblad na ko!

at wag nyo din banggitin sakin ang “e di kung asar na asar ka na jan, ipaputol mo!” hilaw! akala mo naman hindi ko naisip yun?! well, well, well.. times three daw ang babayadan ko dahil wala pa kaming one year! o ngayon, alam nyo na kung bakit mayaman pa din ang PLDT kahit wala na silang costumer at poor service pa? malamang, ikaw na yan mag-imbento ng sariling rules sa charges na kada utot ng costumer, may charge, ewan ko na talaga!

kung kada utot ng mga kliyente ko, lalagyan ko ng charge, mayaman na din siguro ako. hmm.. maitry nga, parang magandang business tactic yun.

at galit talaga ako, at sana kung kayanin netong blog ko na makarating sa PLDT, wish ko lang, vicky morales!

sabi nila, tataas ang rank mo sa search engines pag madalas mo banggitin ang keywords. ibig sabihin pag inoptimize ko ang page na to, may chance na makita to ng PLDT di ba?

PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT.. PLDT..

hayan, sana enough na yan. πŸ˜›

heniwey, kasi nakikabit lang kami, ibig sabihin limited din lang ang connectivity. ofis hours lang. kaya hinahapit ko na lahat ng trabaho bago maputol ang connection.

o game, hayun yung number one, kanina pang pikit-mulat ang cable channels dito sa TV namin, “undergoing some repairs” daw. in long, iba ibahin na naman nila yung mga channels dyan hanggang mabuwang ka kung nasan ang AXN at HBO. in short, price hike din ang cable service. 650 na.

after ng Holy Week, parang congested ang internet. hambagal bagal kala mo naghihintay ka ng kung anu. inorasan ko nga yung isa, umabot ng 3 minutes. sa internet life, lifetime na yun.

subukan mo tumunganga sa monitor ng three minutes.

yun number three, ayan basahin mo na lang sa taas, yun din un.

yung number four, dahil na nga sa kabatohan ng anak ko, combined with nakatungangang ina, nakita ang DVD ng Finding Nemo sabay hirit:

“mami, anu nga yung pangalan nun bird na white, yung nakatira sa water?”

“fish.”

“hindi. bird yun”

“e di bird.”

“hindi, yung white.”

“white bird.”

“hindi, yung white bird na nakatira sa water na kumakain ng fish. eto o!”

panu ko kaya makikita kung nakalapat na sa ilong ko yung DVD. alam ko, hindi ako nakakakita sa malayo, pero mey gad! nat dis klows plis?!

sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anung tawag, tsaka pag nagttrabaho ako, nabablangko talaga ang utak ko, minsan nga pati pangalan ko nakakalimutan ko na. kaya ayun..

“anu nga.. anu nga.. anu nga.. anu nga..”

hay..

when lifes a hell..

ey kenet teyk dis enimor!


hindi ko ba naman alam kung bakit parang nangkakaway ng virus ang cpu ko, lahat na lang ata gustong iexperience. malanding cpu! hay..

ganun nman talaga, wala kang magagawa kung ang binigay sayo ng diyos, haliparot..

every month na lang may bago sha. kahit na nga yung pinakamatinding anti-virus, firewall, safesafe something, chuvanes, walang nagawa. kagabi, ayun, natuluyan na ang mlanding cpu, natrojan. ang trojan at eset nagkarambola, patay si trojan.

ok fine, patay na si trojan..

kaso, the sneaky fox adware, habang nagrrambol ang dalawa, ayun, ginagago ang settings ng computer ko at inuto magpalit ng time and date settings.

bagong date: december 31, 2069!

mantakin mu un? baka skeleton na ko nun sa puntod ko, naknamtimawa naman talaga. ang matindi nito, pag ganyan kalayo ang settings mo, expired ang certificate mo, wla ka ng access sa internet. ym, mail, pati yun time log ko sa company, tsugi.

..ang ending sapilitang bakasyon!

panu ispend ang sapilitang bakasyon: shempre, pagkatapos ko makabawi sa matinding shock, call a friend.
AKO: bru!! ang computer ko, anu na? anu gagawin ko?! huwwwwwaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!
FRIEND: you dala to me, now or never. if you gusto, tom can do. don’t cry na, i will solb problems. agree?
AKO: *hikbi* agree. now na. will punta to your hawshold.
shempre dali dali akong nagbihis at awa ng diyos, hindi ko naman nakalimutang magkilay. mga 8pm eto. at naglakbay ng mga 30 minutes pa.

kasi sa tuktok ako ng bundok nakatira, sha sa paanan. medyo malayo..

nakarating din naman ako at ayun, ang cpu ko, nakaconfine na, kasalukuyang inooperahan. sabi naman ni doc bru, successful naman daw, nasa recovery room na at sana’y walang maging komplikasyon, pde ko na daw ilabas ng hospital mamayang gabi. ako, eto tiis tiis muna sa makitid na tipahan ng laptop na nagffeeling unano na ko at nagkakanduduling sa screen. hindi na din muna ako magttrabaho kasi naman ang lahat lahat ng files ko ay andun at katangengotan ko, hindi ako nagback up. magrereview na lang muna ko para sa finals. yan, ganyan ispend and sapilitang bakasyon. hehe.. πŸ˜‰

at sa mga walang magawa sa mundo at pradyek pradyekan ang paggawa ng virus, wag lang kayong pahuli ng buhay sakin at makikita nyo ang meaning ng pradyek! pramis!

magtago ka na now na!

magtago ka na now na!