IRENE: the awful truth

June 27, 2009

SA HOSPITAL NA NGA SUMUNOD SINA IRENE. Pansamantalang iniwan ni Mars si Irene para ihatid muna ang mga bata sa bahay ni Mars at mamaya na lang niya susunduin si Liam para umuwi sa dorm, tutal wala din siyang mapapag-iwanan dito. Kasama na si Irene ng inilipat si Marian sa private room pamula sa Emergency room. Nakapagpalit na ito ng hospital gown at ngayon ay mahimbing na natutulog. Saglit lumabas si Ruel para bumili ng makakain nila. Pumasok naman ang doctor ni Marian.
“Good evening po doctor.” Bati ni Irene.
“Hi, good evening, kanina pa bang natutulog si Marian?”
“Yes, doc.” Hindi na sumagot ang doctor at kinuhanan na ng vital signs si Marian kahit tulog ito. Pinulsuhan at may ibinilin sa kasama nitong nurse. “Well, stable naman siya for now, but I think I’ll confine her in the hospital for a while..” All doctors are like that, pag nafeel nila na ang kausap nila ay close sa patient, para bang automatic kelangan nilang mag-explain ng mga bagay bagay, which is tama lang naman kesa mangapa ang kaanak kung anong nangyayari.

Hindi din naman nagtagal natapos na ang pictorial, naglalakad na sila palabas ng simbahan ng may humawak sa kamay niya, si Mars. “Hi, beautiful, busy?”
“Nasan ang mga bata?” ngumuso si Mars sa likod nila. Kasunod nila si Inay Miling at si Liam kasama si Celine, nagkukuwentuhan ang mga ito. “Mommy, pwede ba tayo pumunta kina tito Mars? Maglalaro kami ni Celine ng PSP?” napatingin si Irene kay Mars. Bagama’t nakabalik na ang mag-ama sa dating bahay nila, minus Elle, hindi pinahihintulutan ni Irene ang sarili na pumunta sa bahay na yon. Parang nabasa naman ni Mars ang isip niya, “Better yet kids, punta na lang tayo sa mall later para makapaglaro kayo sa Toy Kingdom, okay ba yon?” nakathumbs up pa si Mars sa dalawa na masayang sumangayon sa idea ni Mars ng biglang nagkagulo sa bandang unahan ng sinusundan nilang pila.
“AYY! Si Marian!” sigaw ng tita ni Marian na halos kasabay nila Irene na naglalakad.
“God!” bulong ni Irene, pinisil niya ang kamay ni Mars at bumitaw para puntahan ang kaibigan. Bago pa siya nakaabot sa unahan, nakita niya na binuhat na ni Ruel si Marian pasakay ng bridal car, mukhang walang malay ang kaibigan. Hahabol pa sana si Irene kaso mabilis na umandar ang sasakyan paalis ng simbahan.
“Hon, kunin ko na yung auto, mabuti pa tawagan mo na muna si Ruel para alam natin kung san tayo susunod, okay?” marahang hinaplos ni Mars ang pisngi ni Irene. Bumuntong hininga si Irene, “okay, sige..” hinawakan niya si Liam sa kanan at si Celine naman sa kabila.

“Bestfriend! Congrats! Ikaw Ruel ha, ang bestfriend ko!” ginantihan lang siya ng matipid na ngiti ng kaibigan at sumandal sa dibdib ni Ruel na parang napagod sa mga nangyari.
“Marian, are you okay? Gusto mo ikuha kita ng tubig?” tanong ni Irene kay Marian, siguro ay naiinitan ang kaibigan, hindi naman kasi ito sanay sa formal attire at hate talaga nito ang mga social gatherings na katulad nito, parang may phobia sa madaming tao!
“No, I’m okay, sa reception na lang, malapit lang naman yung place. I think I just need to rest for a while.” Kumapit ito sa braso ni Irene na bahagya pang nagulat dahil sa init dito sa loob ng simbahan ay basa ng pawis ang kamay ni Marian at malamig ito.
“O sige, sabihin ko na lang sa photographer, bilisan ang pagpicture para makasakay ka na sa bridal car.” Binulungan ni Irene ang photographer. “Naku, miss, baka buntis ang kaibigan mo.” Kaswal na comment ng intrigerong photographer.
“Mabuti pa nga kung buntis manong, ang akala ko pa nga ho, walang matris yan, sa tanda na nyan, hindi pa nakakabuo, Huuuh! Sige na ho at bilisan nyo na yan, baka abutin na tayo dito ng Christmas!” sarkastikong sagot ni Irene.

NATANGGAP na din ni Marian si Mars pagkatapos sumailalim sa masusing imbestigasyon ala-SOCO, I bet he passed with flying colors at hindi na din tinigilan ni Mars ang panliligaw kay Marian at kay Liam, bakit kung hindi, makakasali kaya si Mars sa wedding ni Marian ngayon? Mga 4 months na itong lumiligaw sa kanya pero hindi pa niya sinasagot officially kaya lagi lang siyang kinukulit nito. Alam ni Irene na don din naman eventually ang punta nila pero para bang may mutual agreement na sila na habang hindi pa final ang annulment nila ni Elle, they will stay this way for the mean time, para na din makaiwas sa complications na dulot ng magiging relationship nila. Komportable naman si Celine kay Irene at si Liam kay Mars so wala naman talagang problema kung sakali. Irene is so happy, lahat ng mahal nya sa buhay, andito, just within her reach. Tapos na ang kasal, dineclare na ni father sina Marian at Ruel na husband and wife, nauna ng tumayo si Irene habang palakpak siya ng palakpak, ganon din naman ang kadamihan ng taong dumalo sa wedding. Lapit kagad si Irene para bumati ng congratulations sa dalawa.

IRENE: Bati na Sila

April 16, 2009

“SO, SIYA PALA SI MARS.” Tanaw nila ni Marian sina Mars sa bintana. Nasa loob sila ng office.
“Manliligaw daw siya..”
“E, bakit may singsing na? baka kayo na.” hindi tanong yon.
“Bakit mo ba kasi pinipigilan, hayaan mo na si Irene..” hinagod ni Ruel ang likod ni Marian at nakitanaw din sa bintana.
“Mukha namang okay ung lalaki..” Ruel added.
“Okay? Isa ka pa, may asawa nga.” Iritang sagot ni Marian kay Ruel.
“Love, hiwalay na nga, di ba? Give them a chance, and besides, wala ka bang tiwala kay Irene?” paliwanag ni Ruel. Marian sighs, exasperated.
“O sige, pagtulungan ba ko, anong magagawa ko? Pero Irene ha, oras lang na masaktan alinman sa inyo ni Liam, sabihin mo sa lalaking yan, hahabulin ko talaga siya ng palakol!” umasta pa si Marian na may hawak na palakol.
“Love naman, palakol? Masyado ka ng outdated!” sa kakatawa ni Ruel, nahawa na si Irene at hindi nagtagal, pati na din si Marian.
“Okay enough! Basta, promise me bestfriend?..” habol ang hinga ni Marian.
“Promise po, bestfriend.” Pagkasagot ay hindi na napigilan ni Irene at niyakap niya si Marian. Yumakap din naman ito sa kanya, putting the spat behind.

IRENE: Chapter Eight

April 15, 2009

CHAPTER EIGHT

MAHABA ang pinag-usapan nila ni Mars, kinuwento nito na wala na ang asawa sa bahay nila nung bumalik siya don, wala na din ang mga gamit nito. He suspects na kasama ito ng lalaki nya or she is staying with friends dahil pumunta na din si Mars sa bahay ng mga in-laws niya para ipaalam ang sitwasyon nilang mag-asawa. Nagulat ang parents ni Elle ng malaman nila ang nangyari at they made sure na pangangaralan nila ang anak pag naligaw ito don. Pinagpaalam na din ni Mars ang balak na pagsasampa ng annulment at kahit na hindi nila nagustuhan ang drastic move ni Mars, hindi din nila tinutulan ang lalaki, basta ang gusto lang daw nila ay wag ilalayo ang apong si Celine. Hindi naman ito tinutulan ni Mars dahil alam nito kung gano kamahal ng mag-asawa ang anak nila ni Elle. Pagkatapos nilang kumain ay sinundo na din nila si Liam sa center. Panahon na din sigurong makilala ni Marian si Mars. Ewan ba ni Irene kung bakit kinakabahan siya sa meeting na ito ng dalawa. Sa gate pa lang ay sinalubong na sila ni Liam, kalaro nito ang mga bata sa center habang may isang social worker na nakabantay sa mga ito.
“Hi mommy! Kasama mo si Tito Mars, nasan si Celine?” masayang bati ng bata sa mga bagong dating.
“Hi Liam, nasa bahay si Celine e, ya mo next time, isasama ko siya dito para makapaglaro kayo.” Ginusot pa ni Mars ang buhok ni Liam.
“’lika tito, Sali ka sa’min, pakikilala kita sa mga friends ko.” Hinila ni Liam si Mars palapit sa kumpol ng mga batang naglalaro. Napakamot naman ng ulo si Mars at ngumiti kay Irene.
“Sige, pasok lang ako sa loob..” tumango si Irene at naglakad papasok ng center.

IRENE: The Right Route

April 14, 2009

“Kahit pa’no, alam mo na my intentions are pure at hindi ka one-night stand lang. You are way too beautiful for that.” Tahimik lang si Irene, tinitimbang nya ang bawat salita na binibitawan ni Mars. “..And if you would let me, gusto ko sanang manligaw, it may sound a little late for that pero I want to go through the right route, ayoko ko ng shortcut, tutal, mahaba pa naman ang oras natin, di ba?”
“Sige, just because, ayoko nang pahabain pa ang usap na to. Okay, fine.” Pairap na sagot ni Irene.
“O halika na, kumain na tayo at gutom na ko, miss sungit!” natatawa naman na sagot ni Mars.

IRENE: The Explanation

April 13, 2009

Alam ni Irene na singsing ang laman ng box na binigay ni Mars kanina pero walang naghanda sa kanya sa nakita niya. Hindi mapigilan ni Irene na humanga sa nakita. Simpleng gold band na may isang katamtamang laki ng diamond ang nasa gitna nito na napapaligiran naman ng maliliit na titus. Simple lang ang singsing, hindi ito bulgar sa laki, pero ang nakapukaw ng atensyon niya ay ang bato sa gitna, iba ang kinang nito lalo na ng tamaan ng araw. Kinuha ni Mars ang kamay ni Irene at inilagay ito sa ring finger ng babae. “I won’t take no for an answer. Please Irene, wag na tayong mag-away, ngayon na nga lang tayo nagkita, uubusin pa natin ang oras sa pag-aaway..”
“Hindi ko pwedeng tanggapin to, mahal to, Mars.” Ramdam niya, kung may natitira pa sa “wall” na iniharang niya kay Mars, he can easily jump right through it.
“Only the best for you. Irene, I’m sorry, nawala ako ng three days, I understand kung iba ang naging dating syo, I went to my lawyer, for annulment. Gusto ko kasi, bago ako makapagpakita syo, at least man lang, mapatunayan ko na mahal kita, by doing so. Alam ko, matagal pa bago kita mapakasalan kung sakali but still, I can get to know you more, at ikaw din.”

IRENE: Now What?

April 12, 2009

“kahit kelan?”
“Of course, hindi.”
“kahit na mahal kita? Mahal na mahal?” Hindi na nakapagsalita si Irene. This is too much for her. For the first time since sumakay siya sa koche ni Mars para makipag-usap, she met his eyes. Hinanap nya don ang truth na gusto niya malaman, gusto niyang malaman kung tama ba ang magiging desisyon niya, pakiramdam niya, unti-unti nang humihina ang pader na binuo niya para hindi mapasok ni Mars ang puso niya ngayon.
“Please Mars, wag na tayong maglokohan, I don’t have time for this.” Please naman, ang hirap ha, bulong ni Irene sa sarili.
“Sino bang nakikipaglokohan?” may binunot si Mars sa bulsa at inabot sa kanya ang maliit na blue, velvet box.
“Ano yan?” although nagulat si Irene, boses iritable siya.
“Buksan mo.” Suyo ni Mars.
“Ayoko.” Ibinalik niya kay Mars ang box, ayaw ni Irene buksan yon, kahit pa nga may kutob siya kung ano ang laman nun. Napabuntong hininga naman si Mars, pero imbis na ibulsa na ang box, binuksan niya ito at kinuha ang laman na singsing.

IRENE: Worried?

April 11, 2009

“I’m sorry, you worried about me..” nakatungo si Mars, yakap ang manibela ng koche.
“Pucha! Worried? Anong worried? Sinong worried, ako? Bakit hindi naman kita kaano-ano, bakit ako magwoworry syo?” Parang sobrang defensive naman yata ng sagot niya, hindi kaya, worried nga lang siya kay Mars kaya sobrang galit ang nararamdaman niya? Tahimik sila pareho, ayaw umimik ni Mars dahil alam niya na lalo lang lalaki ang away nila, deep inside, he wanted to shout for joy, alam niya, this girl is inlove with him, and to be honest, Mars loves her too, kahit na sa maikling panahon lang sila nagkasama and, in a very unfortunate time pa. Si Irene naman ay pilit na pinakakalma ang sarili, pa’no kung isipin ni Mars na may krung-krung pala sya, o kaya over reacting, o kaya feeling girlfriend, Ouch! Tanga tanga ko kasi, isip isip ni Irene.
“So, pano na?..” Mars asked tentatively.
“I don’t want to see you again!”
“seryoso ka diyan?”
“Yes. I hate you.”
“hindi mo ko mamimiss?”
“No.”

Design a site like this with WordPress.com
Get started