GUILTY!
February 13, 2010
ganito pala ang pakiramdam kapag months ka na hindi nakapagpost sa blog mo.. nakakaguilty..
hindi ko maexplain, actually. ngayon ko lang nafeel ito. kakaiba. lalo na nung nakita ko ang stats ko.. nakanang! imagine, may 31 taong bumisita ng blog ko kahapon lang! my goodness! at nasan ako ng mga panahon na yun? nasan?! NASAN?!!!!
nasan nga ba si gisela?.. sa haba na ng ikkwento ko, hindi ko na alam kung san magsisimula. nung huli akong nagpost, ni wala sa hinagap ko na magiging ganito ang life ko come February 2010. as in.. walang wala. sa natatandaan ko, ang pinag-iintindi ko pa nun ay.. EAR WAX.ngayon, isang daan at isang laksang alalahanin na ang nasolb, nabreak, namrublema pa ng bonggang bongga at iisipin pa bago matulog. sana kung hindi ko man masabi lahat sa post na ito, sa mga susunod na araw, magawa ko din.
sabi ko nun inumpisahan ko ang blog na ito, magiging honest ako. kasi naman kalahati ng mundo, hindi tlaga alam kung nasan ako, kung anu ang ginagawa ko. sa totoo, ang nakakaalam lang tlaga ay tatlo. kaso mahirap pala, lalo na at nakalink ang blog mo sa facebook mo! kaya sorry na lang, hindiย muna tong post na to, maybe next time, after few modifications.
speaking of Facebook, nawawala din pala ang gana anu? impeyrnes, halos 6 months din akong adik dyan pero ngayon, nung dumami ang friends ko, parang ayoko na magiistatus dyan. parang ang plastik na kasi ng sasabihin ko, hindi tulad ng dati, free as a bird! part of the reason siguro kung bakit nagbabalik loob na ko sa blog ko. ๐
may balak din akong gawing private na ito, parang diary na lang. yan.. pag-iisipan ko pa. siguro pagna-launch ko na ang forever dream ko na food blog, baka sakaling iprivate ko na ito..
may isang taon na pala ang blog na to, mantakin mo, hindi ko man lang namalayan! last year, andito din ako, tumitipa. kasi, tanda ko depressed na depressed ako. bukas birthday na ni mama tas sa monday, death anniversary na nya. eto ang post ko last year:ย I miss my mom
shempre namimiss ko pa din sha, kung hindi ba naman, maghahanap ba ako ng morcon nya na hindi naman ata morcon ang tawag sa authentic filipino cuisine kundi mechado! bakit ba, e kung morcon ang tawag ng ina ko, pakelam ko sa authe-authentic na yan! kahit san ko mabalitaan na may nagbebenta ng morcon, andun ako, nagttry. sadly, wala akong mahanap na kaparehong kapareho ng luto nya. hay. ๐ฆ
sa monday, 2nd death anniversary nya. masama bang aminin kung sasabihin ko na isang taon na kong hindi pumupunta sa memorial para bisitahin sha? totoo, ang huli ko na ata ay yung araw ng patay 2008. ewan ko ba, ayoko lang tlaga pumunta dun. ayoko.
bukas kelangan ko pumunta. bakit? kasi kelangan nya na malaman na magkakaapo na sha ulit at sa susunod na araw ng mga patay, makikilala na nya ang pinakahihintay nyang second apo. sayang lang at hindi nya inabot..
2nd hit this week
July 23, 2009
magpapadasal ako mamaya, pagkatapos ko magblog.
bakit? kasi dalawang beses ako nakapagpost dito sa novelitas. o di ba, himala yun? pangalawa, nadalawahan ako ng kamalasan ngayon week and to think na thursday pa lang, anu pa kaya ang meron?
anu pa nga ba Lord?
mas maganda sana kung sinasabi na ni Lord kung anu ang kasunod anu? para naman ready ka na bago mangyari. I mean, ako, hindi naman ako lalaban kung yun talaga ang dapat mangyari, wala naman akong balak baguhin ang mundo, gusto ko lang sana informed ako, para hindi ko na kelangan manghingi pa ng signs.
ang gusto ko lang naman, alam ko kung bakit nangyayari para naman mas maintindihan ko ang mga bagay bagay. nakakapagod na kasi manghula.
isa pa, hindi naman ako si madam auring..
unlike yung nauna kong post, hindi ko pde sabihin kung bakit. pero isa lang masasabi ko..
pde bang ampunin nyo na ko?
pramis hindi po ako malikot. mabait po talaga ako. tska kung may mang-aaway syo, ako na bahala. pramis po, ampunin nyo lang ako.
sa totoo lang, stressed na ko. stressed na stressed. gusto ko na lang bumalik sa dati ang buhay ko. tahimik, nag-iisa, masaya sa piling ng mga taong lab ko. wa ako care kung hindi ako kumain, kung hindi ako matulog, kung hindi na ko makaligo, kasi yun ang gusto ko.
pero heto na naman ako ngayon.. naipit sa isang bagay na hindi ko gusto.
sa totoo lang, humingi naman ako ng sign (chempre, anu pa nga ba, lagi naman) at sumagot naman sha, kaso yung sagot nya, tinatamad akong gawin.
una, ang sagot na ito ay nag-uutos na lumabas ako sa comfort zone ko. pero kung iisipin ko, anung comfort zone, e sira na nga?! gone. nada.
next, etong sagot na to, kelangan ko mag-isa ng matagal sa malayong lugar. pero kung iisipin mo, baka kelangan ko nga din naman mag-isa sa malayo para hindi na ko mastress.
last, magastos. magastos. magastos. tas kelangan ko pa magbitaw ng ibang trabaho. magastos na, mawawalan pa ko ng kita. pero kung iisipin mo, pde pa din naman magtrabaho at ituloy ang ibang trabaho kahit nasa malayo ako. may mawala man sakin, konti lang.
ang hirap noh? kayo sa tingin nyo? should I stay or should I go?
“God didn’t promise days without pain, laughter without sorrow, sun without rain, but He did promise strength for the day, comfort for the tears, and light for the way.” –anonymous