IRENE: First kiss

February 28, 2009

Matagal din sila sa ganong position, not talking, just holding hands na para bang nagkakaintindihan na sila, ang feelings nila, ang fears nila, they feel one and connected. They could stay forever this way kaso biglang bumagsak ang malakas na ulan, big, fat drops. Sigawan ang mga teenagers na kanina lang ay busy sa pagpapalitan magpipicture. Clutching her hand tightly, hinila si Irene ni Mars sa may café, covered kasi yung part na yon. They were both laughing hard when they reached the café. Kasama nila sumilong ang iba pang mga inabot din ng ulan sa labas kaya siksikan sila sa maliit na space ng café. Humawak si Mars sa baywang ni Irene at kinabig nya ito papalapit sa kanya. Irene was still laughing when her lips met Mars’ lips. She thought she saw fireworks flew up in the sky only to realize her eyes were closed. The kiss lingered. It consumed both their hearts and soul. Sa gitna ng mga taong ngsisiksikan, sa gitna ng malakas na ulan, they kissed. They don’t care anymore, ang importante lang ay silang dalawa, right here, right now.

hay salamat, eym bak!

February 28, 2009

ampucha. natatandaan nyo ba, last wednesday nung nagsystem crash ang computer ko gawa ng adware/trojan/whatever? hayan, ngayon lang naayos ng truthfully.

kumbaga sa HIV, full blown AIDS virus na ang sakit ng malanding CPU na yan kaya hindi na kinaya ng antibiotic lang. hayun.. nareformat na ang bruha at sana naman magbehave na sha this time.

next ko naman pproblemahin ang laptop ko na tinangka kung gamitin kahapon maghapon habang nasa emergency room ang CPU ko..

yep. akala ko lalaki ang laptop ko at hindi malandi, e di anu pa nga ba, bading pala. wala pang 4 hours na nakaexperience ng internet, ayun na adware na din. hay pota.

so pagkatapos ng lahat lahat, napaiyak talaga ko sa sobrang frustration. alam mu yun parang pinagkaisahan ka na ng langit.. sabi ko na lang kay lord..

anu ba kasi ang gusto mo? please sabihin mo na lang, wala ako sa mood magbasa ng signs ngayon? please?! talk to me!!!!!

hindi naman sha sumagot kahit pa masakit na ang tuhod ko sa pagluhod at may hawig na kay bart simpson ang mata ko. bandang 11:30pm, abay umaayaw na ko, OA na. itinulog ko na lang ang lahat.

ngayon, umuwi ang CPU, fresh na fresh parang baby, mga 3 hours na ko nagddownload ng mga natanggal na applications at kung anik anik pa. at naglagay na din ako ng kung anu anung plugins galing sa firefox, katulad nyang WOT na parang isang malaking singsing sa ibabaw ng screen ko, color coded at sasabihin nya syo kung delikado o hindi, kung ganu sha kaeffective, ewan ko lang basta ang alam ko, bastat hindi green ang kulay nyan, hindi ko na pupuntahan. meron pang isa na parang ghost ni pacman jan sa baba, sasabihin nya naman syo kung sino ang nagbabasa ng page na yan. tulad nitong page na to, one bug–wordpress stats.

hay nakakawindang na talaga. kung hindi nga lang naghahabol pa ko ng 4 hours na trabaho, itutulog ko na itong masakit na ulo ko.. hay..

IRENE: Hold my hand

February 27, 2009

“Ako, pa’no ko sasabihin kay Celine ang nangyari sa amin ng mama nya? She’s too young to understand these kind of things” Ramdam ni Irene ang bigat na dinadala ni Mars. If she could only take away these unseen pains.
“I really don’t know Mars. Ano bang balak mo?”
“Saan?”
“Sa inyo ng wife mo.”
“Ewan ko. I have no idea where to start. I want to stay this way forever, walang iniisip, letting my guard down. I’m tired of thinking. I’m just so tired.” Ngayon lang nagkalakas ng loob si Irene tumingin kay Mars. Ang mukha ni Mars, kanina lang ay masaya na parang walang problema ang mundo, ngayon ay parang inako na nito ang lahat lahat ng meron. She is dying to hold that face, feel its contours in her palm and never let go. Pero imposible at alam nya yun. Parang mamahaling damit sa istante, you can look but you can never touch.
“I know how you feel, ako ayoko din naman lumaki si Liam na walang daddy, I tried to find him a suitable father but I could never find my perfect partner.” Marahang hinawakan ni Mars ang kamay ni Irene. Sinasabi ng utak nya to pull out her hand, but her heart says the opposite. It feels right, Mars holding her hand like that, so her hand stayed there kahit pa magwala ang utak nya at umuwi na ito ng Manila mag-isa, she doesn’t care anymore.

hindi ko ba naman alam kung bakit parang nangkakaway ng virus ang cpu ko, lahat na lang ata gustong iexperience. malanding cpu! hay..

ganun nman talaga, wala kang magagawa kung ang binigay sayo ng diyos, haliparot..

every month na lang may bago sha. kahit na nga yung pinakamatinding anti-virus, firewall, safesafe something, chuvanes, walang nagawa. kagabi, ayun, natuluyan na ang mlanding cpu, natrojan. ang trojan at eset nagkarambola, patay si trojan.

ok fine, patay na si trojan..

kaso, the sneaky fox adware, habang nagrrambol ang dalawa, ayun, ginagago ang settings ng computer ko at inuto magpalit ng time and date settings.

bagong date: december 31, 2069!

mantakin mu un? baka skeleton na ko nun sa puntod ko, naknamtimawa naman talaga. ang matindi nito, pag ganyan kalayo ang settings mo, expired ang certificate mo, wla ka ng access sa internet. ym, mail, pati yun time log ko sa company, tsugi.

..ang ending sapilitang bakasyon!

panu ispend ang sapilitang bakasyon: shempre, pagkatapos ko makabawi sa matinding shock, call a friend.
AKO: bru!! ang computer ko, anu na? anu gagawin ko?! huwwwwwaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!
FRIEND: you dala to me, now or never. if you gusto, tom can do. don’t cry na, i will solb problems. agree?
AKO: *hikbi* agree. now na. will punta to your hawshold.
shempre dali dali akong nagbihis at awa ng diyos, hindi ko naman nakalimutang magkilay. mga 8pm eto. at naglakbay ng mga 30 minutes pa.

kasi sa tuktok ako ng bundok nakatira, sha sa paanan. medyo malayo..

nakarating din naman ako at ayun, ang cpu ko, nakaconfine na, kasalukuyang inooperahan. sabi naman ni doc bru, successful naman daw, nasa recovery room na at sana’y walang maging komplikasyon, pde ko na daw ilabas ng hospital mamayang gabi. ako, eto tiis tiis muna sa makitid na tipahan ng laptop na nagffeeling unano na ko at nagkakanduduling sa screen. hindi na din muna ako magttrabaho kasi naman ang lahat lahat ng files ko ay andun at katangengotan ko, hindi ako nagback up. magrereview na lang muna ko para sa finals. yan, ganyan ispend and sapilitang bakasyon. hehe.. 😉

at sa mga walang magawa sa mundo at pradyek pradyekan ang paggawa ng virus, wag lang kayong pahuli ng buhay sakin at makikita nyo ang meaning ng pradyek! pramis!

magtago ka na now na!

magtago ka na now na!

tumingin na lang si Irene sa labas. Mahamog na and it looks like titigil na din ang ulan. She reminded herself to call Marian para kamustahin si Liam.
“You wanna go out? Tara, experience!” parang batang hinagip ni Mars ang braso ni Irene at hinila palabas. Mas maganda pala dito than looking through the glass wall. Pwede mong amuyin ang hangin, ramdam mo ang lamig, kinig mo ang mga crickets, singing their songs softly so that it is only your ears hearing them, kita mo ang mga maliliit na ilaw sa malayo like stars, na bumaba especially for you. Iba dito, you have no choice but to fall inlove and for a moment there, she caught herself falling inlove with the man beside her.
“Irene?..” bulong ni Mars.
“Hmm?..” sagot ni Irene, not even daring herself to look his way.
“I have a question to ask, pa’no mo sinabi kay Liam ang tungkol sa daddy nya?”
“Sinabi ko lang yung totoo. Kilala ko naman si Liam, he can handle those kind of things. And halos lumaki na yon sa center, kaya alam nya na possible yung nangyari saming mag-ina. yung iba nga dun, wala pareho ang magulang.”

crazy life!

February 25, 2009

nahirapan akong magtitle netong isang to. hindi ko maintindihan kung moving out o happy week kaya crazy life na lang.

katulad ngayon nagcandy pa ko ng kopiko e meron pa nga pala akong liquid kape sa harapan ko. hay memory gap.

isa-isahin natin ang mga pangyayari sa buhay ko.

moving out: yep. we are indeed moving out. kung san hindi ko pa alam. ang narerealize ko lang, habang busy ako pagttype dito sa computer, nawawala na isa isa ang mga gamit namin. katulad na lang nung isang araw,
AKO: papi, nakita mo ba yung book ko na kulay blue, parang ganito ang itsura pero kulay blue ang cover (referring to my MT manual)
PAPI: hindi, malay ko kung nasan.
AKO: hindi kaya napasama sa mga box na napunta sa Bulacan?
PAPI: hindi ko alam, tingnan ko bukas.
well, nakita ko naman yung book, sa likod lang pala ng monitor netong computer. 😛

nung isang araw pa,
AKO: robi, nakita mo ba kung nasan yung gameboy? baka nasama na yun sa orocan mo, yung nadala sa bulacan.
ROBI: ewan ko mami, tingnan ko na lang.
nakauwi na ang gameboy, nasa bulacan nga.

eto ngayon lang,
AKO: pucha sakit na ng likod ko, makahiga nga muna. ay putangna, nasan na ang kama?!!

so, oo nga, moving out na siguro kami..

happy week: kung natatandaan nyo, 2 weeks na kong emote. ang magandang balita ko, hay salamat, madaming blessings ngayon, tapos na siguro ang kasumpa sumpang weeks na yan. Nung monday, after ko magresign sa sumpungin kong boss (read: not good enough), naghiwalay naman kami ng maayos at nagpadala pa sha ng “token of appreciation”. hindi naman malaki kaya wala ng hihingi na balato ok?

kahapon naman, sa sobrang sindak ko, binigyan ako ng salary increase nung pinakamamahal kong boss, si boss Janice. hindi din malaki kaya, again, wag na munang bumalato. kaya yes, mukang maganda naman ang week ko. pde ko ng sabihin na I’m back on track.:D

kaso mo lang, medyo mandadaya muna ko sa postings ko, yung iba dyan, iniskedyul ko na lang muna, kasi mukang magiging busy ako ngayon, finals week na sa MT class, tas naglilipat pa, tas baka wala pang internet kung san man dako ako maparoroon. hay.. nakakahapo naman.

babush na muna, masakit na talaga ang likod ko, sa sofa na lang muna ko hihiga..

tangna wag kang hihingi!

tangna wag kang hihingi!

IRENE: Is this goodbye?

February 25, 2009

She noticed Mars’ clothes, hindi na ito galing sa closet ni Boss Vic. Maybe nagpadala na din ito ng mga sariling damit kasabay ng kotse nya. Earlier that day, pinauwi na ni Mars si Mang Rick, sya na daw ang maghahatid kay Irene. Sumunod din naman kagad ang matanda matapos itong tanguan ni Irene, like silently asking her kung iiwan ba sya nito o hindi. So she assumed na uuwi na din si Mars sa Manila and this is his farewell, token of appreciation for her. She felt happy and sad at the same time. Happy, dahil he took time to take her out, meaning na-appreciate din pala nya ang efforts ko and sad, dahil this means goodbye for the both of us.
“Uuwi na din ba kayo sa Manila sir?” maingat na tanong ni Irene kay Mars. Tumingin si Mars kay Irene, seryoso nitong sinabi sa kanya,
“wag na sir, naman Irene, ang tagal kong nakakulong sa bahay ni Vic at ikaw lang nakikita ko sa loob ng ilang linggo, sir pa din ang tawag mo sa’kin? Let’s be less formal, shall we?” Tango na lang ang nasagot ni Irene kay Mars, mas madali sana kung hindi sya matunaw tunaw sa tingin ng lalaki sa kanya. Ang masama pa, hindi niya matanggal ang mga mata niya sa titig nito. Para bang nahypnotize na sya, she can’t take her eyes off him. Naputol lang ang malagkit na titigan nila ng dumating ang bill nila na binayadan ni Mars.

dinner with Mars

February 24, 2009

Hindi nya inaalis ang tingin sa likod ni Irene. He wanted to memorize every curve, every pause, practically everything about this girl. In two weeks time, hers is the only face he laid his eyes upon and mahirap hindi pansinin ang feelings na tumutubo sa puso niya. It is time for him to show his gratitude for this little angel of his.
“Irene, mamaya na yan, samahan mo ko, gusto ko sana mag-ikot dito sa Tagaytay, two weeks na ko hindi lumalabas ng bahay e. Okay lang ba?” at tumigil na ang mundo para kay Irene ng mga sandaling yon.

KUMAIN sila ng dinner ni Mars sa Josephine’s restaurant sa Tagaytay. Maganda ang ambiance don, overlooking sa lake, malamig at umaambon, even as they sit inside, kita pa din ang magnificent view dahil ang buong side na inupuan nila ay glass. It is like eating outside when you are actually inside the restaurant. Super romantic ang place, perfect na sana. If only they were lovers, not friends, not even friends pa nga ata, bulong ni Irene sa sarili. Buti na lang may dala syang cardigan to fend off the bitting cold pero even with the cardigan on, malamig pa din talaga.

andi’s 7th birthday

February 23, 2009

Andi celebrated her 7th birthday yesterday. si andi po ay anak ng kabarkada ko, girl, at kasing-idad ni robbie, ang amazona kong anak. masaya, maganda ang place, kaso eto na naman ako, walang pictures!

hay.. 😦

ganito lang naman kasi yun, hindi sa sinadya ko na naman na walang makuhang picture, dinala ko naman ang camera ko, kaso lang nadeadbatt. I managed to click three pictures before it went dead. tapos, yung cellphone ko na lang ginamit ko sa iba pa.

o yun naman pala..

hindi din, nakalimutan ko isave ang mga pinagpipicturan ko! ang ending, wala akong sariling pictures, wala din pictures ng mga friends ko. hay sayang talaga! mahanap na nga yung nagsasanla ng digicam samin at papatusin ko na!

nampucha, love ko lang kasi talaga itong sumpungin kong digicam na almost seven years old na. pano, yan ang unang una kong binili sa sweldo ko, bago ko pinag-ipunan ang pambili ng anak sa ospital.

pano bumili ng anak 101

pagkatapos kang pahirapan ng bonggang bongga sa loob ng ospital na ang tawag ay torture para malaman nila kung seryus ka naman sa pagbili ng bata, pipili ka na ngayon sa iskaparate ng batang type mo, turo turo ka lang jan tas lalagyan nila ng tag. minsan, sila na din ang pipili, ibabagay yun sa kulay mo, customized kumbaga, lalo na pag may shortage ang supply. malas mo na lang kung sa singit mo pala nakatingin ang pipili, hindi mo pa naman namaxi peel yun side na yun. hindi tuloy kutis artista ang mapapabigay syo. tapos yun, bayadan mo na sa counter. warning, mahal ang bata ngayon, kung ikaw mismo ang tinorture, around 50-60k, kung hindi naman ikaw ang tinorture, pedeng tumawad. 😛

ayan, alam nyo na..

e di yun nga, eto ngayon ang picture ng anak ko..

ganyan ang ginagawa sa mga batang makulit

ganyan ang ginagawa sa mga batang makulit

kakakwento ko sa mga friends ko na hindi ko nakita ng 3 weeks, hindi ko na napansin na, napag glitter tattoo na pla ang bruha kong anak at may amos na din sa muka gawa ng face paint. fyi, ang face paint na yan ay nasa mukha pa din nya hanggang sa mga oras na ito, at opo, hindi sya nag hilamos kagabi at ngayong umaga. hanggang kelan ay hindi ko po alam.. hopefully, mabura na ito on its own.

tapos ayan nga..

kinulbit ako ng kasama namin sa table, sabi “huy yung anak mo!”

aba, oo nga pala, may anak ako!

iyan, inabutan ko sha, ganyan na. nakadikit na. parang malagkit na something na dumikit sa pader. tuwang tuwa naman ang muret!

kuya, pde kaya wag mo na tanggalin jan?

kuya, pde kaya wag mo na tanggalin jan?

sisigaw sana ako kung pde wag na lang tanggalin hanggang matapos ang party kaso mainit sa labas, nakakaawa naman, baka mukha ng isdang tuyo ang babaeng ito pagkatapos. papatayin ako ng ama nun. 😛

sana may ganito sa bahay.. hmm..

para k andi, mommy dang, daddy andrew, thanks sa pag invite, natuwa naman kami, este ang mga bata. 😀 pero hindi nga, nag enjoy naman daw si robbie, ang hinihimutok lang sakin, hindi daw sha nakakuha nung balloon. sabi ko, yung dadi naman nya balloon, yun nalang. masama ang dalawang balloon sa bahay! 😛

Mars is ready

February 23, 2009

Minsan sumasagot din si Mars ng notes sa ref, minsan deadma sya. It doesn’t matter, basta nakikita ko na okay pa sya, bahala na siya kung pa’no nya sinasayang ang maghapon niya dito. Dito, dahil, andito na naman sya sa Tagaytay para magdala ng groceries kay Mars. Hindi naman sa nagrereklamo siya, kaso lang buti sana kung may nakikita siyang improvement sa lalaki o kahit man lang sign na ready na ito humarap sa problema nya. Kaso, wala. Kaya naman nabigla siya ng makita nya ang kotse ni Mars sa driveway ng bahay. Uuwi na kaya ito sa Manila? Dala ang mga grocery, natagpuan niya si Mars sa kitchen, umiinom ng coffee.
“Hi, good afternoon.” Bati ni Mars kay Irene. Nagulat si Irene kasi mukhang good mood ito ngayon.
“Hi sir, andyan na yung kotse nyo?” pasimpleng tanong ni Irene. May kumukutkot sa dibdib nya sa mga oras na yon. Para bang ayaw pa nya umuwi si Mars dahil pag umuwi na ito, tapos na din ang pagsisilbi nya dito, and yet, she knew he have to go home. He will not be her own little secret anymore and that makes her sad. Tumalikod na si Irene kay Mars at sinimulan ilagay ang mga canne goods sa pantry.
“Yup, pinakuha ko sa driver nina mommy.” Sagot ni Mars.

Design a site like this with WordPress.com
Get started